IKATLO - Tagpo XVI - WAKAS
January 27, 2012
Maganda ang sikat ng araw para sa araw ng Linggo. Hindi gaanong mainit dahil na rin sa dami at kapal ng ulap. Nasa mood ang mga african love birds na sabay sabay namang humuhuni sa tono ng kantang “Let’s get physical” na remix sa “Mambo number 5”. Kanya kanya pa ding patak ang bawat sinampay. Kanya kanya pa ding takbuhan ang mga batang masayang nag hahabulan. Ganap na palaka na ang mga dating buteteng masayang nagpalaki pero wala ng mga plastik na lumalangoy. Maikli na ang gupit ni Monique. Senyales daw ng panibago at magandang buhay. Suot ang bulaklaking bestida, sinusuklay niya ang kanyang buhok sa harap ng malaki at pahabang salamin. Hindi naman mapakali sa susuoting polo si Kuko. Magulo na ang damitan bago pa makapag desisyon sa kanyang dadamputin. Stripes na orange at green ang kanyang napili. Pinartneran ng cocky na shorts at sandals. Halos sabay lumabas ng kwarto sina Monique at Kuko. Tinawag ang magulang na nakasuot ng couple shirt. Kulay itim at may print na kulay pula na nag sasabing ‘I heart my hubby’ at ‘I heart my wifey’ sa kanilang mga kasuotan. Sa unang pag kakataon ay tinungo nila ang malapit na simbahan ng mag kakasama. Akbay ni Kuko ang kapatid na si Monique, at buhat naman nito ang kanyang munting anghel, si Baby ‘Juan Toothry’. Pag dating sa simbahan ay agad silang binati ni Alexia. Naka puti naman siyang bestida at nakatirintas ang mga buhok. Hindi nakasama ang doktor kahit nakailang ulit na sila ng “Dr.Jones, Dr. Jones, calling Dr.Jones, Dr. Jones, Dr.Jones wake up now.” Kaninang umaga. Marahil ay puyat ito dahil sa kachat kagabi. Kumaway din ang magulang nina Alexia kasama si Ryan. Katabi ng mga nabanggit, nakangiti naman si Ponce suot ang berdeng polo shirt at pantalong kupas na maong. Kapansin pansin din ang mga tuwa sa mukha ni Uno. Suot ang superman na t-shirt at itim na pantalon. Hawi at maayos ang pag kakagulo ng buhok. Kagaya ng kanyang nakasanayan, nasa pinaka sulok at dulo ng upuan pero sa pag kakataong ito, hindi na siya nag iisa. Pantay na ang kulay ng kanyang balat. Wala ng bakas ng sakit at pangungutya ng kahapon. Dala na ng bawat isa ang mga aral at karanasan na hindi kailanman mawawala sa kanilang mga alaala. Wala na ang maiingay na bata at nag tutunugang telepono. Pati ang mga haliparot na magsing-irog. Maging ang aleng kay Genie nag darasal at batang tunay na napag tripan ng magulang ay wala na rin. Ang bawat isa’y masaya kapiling ang mga minamahal. Ang lahat ay tahimik at may mga respeto sa mga taong nakapaligid. Mag sisimula na ang misa. Nag si tayo ang lahat. Sinabayan ng mga tao ang pagkanta ng choir. Pag subok man o pag pupunyagi ay natutunan na ng bawat isa na mag pasalamat sa may Kapal at sa bawat bagay na dumaraan sa kanilang mga buhay. Unti-unting babangon ang bawat isa kasabay ng pag angat ng buong bayan.
Dahil na rin sa kanyang pag mamadali, hingal na hingal na pumasok ng simbahan si Tonying. Mas mabuti na raw siyang mahuli kaysa sa tuluyang hindi maka abot para kamustahin at mag pasalamat sa Amang Lumikha. Humanap siya ng bakanteng pwesto. Nadaanan niya ang mga kaibigan.
“Oy!” sabi niya.
“Oy!” sagot naman ni Uno.
Wakas…
Facebook: https://www.facebook.com/pages/Wawell-Lim/133109050043854
IKATLO - Tagpo XV
Lumabas sa mga tambakan ng yero si Ponce. Mas nanlilisik ang mga mata. Tuluyan ng inalis ang gulagulanit na damit. Dahan dahan ang pag lakad papalapit sa kaaway. Iba ang mga titig ni Ponce. Napa atras si Uno. Ramdam niya ang galit sa papalapit na halimaw. Tiningnan ni Uno ang umiiyak na dalaga yakap ang matalik nitong kaibigan. Kumuha ng lakas. Sa galit ay napasigaw ito habang tinatakbong pasugod si Ponce. Tumakbo din si Ponce para salubungin si Uno. Walang mga bakas ng takot ang mukha ng dalawa. Tila nagliliyab ang mga mata. Salubungan ng suntok. Sipa. Tadyak. Siko. Halos lahat ng parte ng katawan ay ginagamit. Malalakas ang bawat pag baon ng buto sa laman, laman sa buto. Nag papalitan ng mantsa sa katawan mula sa dugo ng kalaban. Nakahanap ng tamang tyempo si Ponce. Salong salo ng mukha ni Uno ang pinakawalang suntok. Bumagsak si Uno. Patayo ng muli pero inapakan ni Ponce ang ulo nito. Padiin ng padiin. Sumisigaw sa sakit ang binata. Kailangan niyang gumawa ng paraan bago madurog ang kanyang bungo. Hinawakan ang mga binti, buong lakas na pinabagsak si Ponce. Nabaliktad ang sitwasyon. Si Uno na ang nakatayo. Nakadapa na ang katunggali. Sisipain na sana ni Uno ng bigla niyang mapansin ang batok ni Ponce.
“Ikaw ang ikatlo??” buong taka ni Uno ng makita ang markang ‘3’ sa nasabing parte. Tumayo ang lalaki at pinagpag ang alikabok sa katawan. “Since birth.” Nakangising sagot ni Ponce.
“Pero pano mo nagawa ang lahat ng ito? Bakit mo pinatay ang taong tinuring kang kaibigan at kapatid??”
“Alexis!” sigaw ni Dr.Jones habang nakasakay sa sidecar na minamaneho ni Ryan. “Mali ang lahat ng espikulasyon tungkol sa kanya ng mga pulis patungkol sa trahedya.” Inilabas ni Ryan ang maliit na Laptop at pinakita ang isang video.
Alas diyes noon ng gabi. Pauwi na sina Boks at Ponce galing sa isang laro. Dala ng pagod at antok, napapapikit na si Ponce sa pagmamaneho. Tulog naman ang kaibigang si Boks. Malaki ang tiwala ng mga magulang ni Boks kay Ponce dahil na rin sa tagal ng kanyang serbisyo sa kanilang pamilya bilang driver at kasambahay. Dederecho sana sila sa maliit na bahay na nabili ni Boks na nagsisilbi na ring tambayan ng kanilang tropahan. Mabilis na ang kanilang takbo ng makaidlip si Ponce. Bumangga ang sinasakyan nilang kotse sa isang pang pasaherong bus.
“Muli, ang kuhang iyan ay galing sa mga CCTV ng MMDA sa kalsada. Walang galos si Alexander matapos ang trahedya. Kagaya mo siya Alexis. Malakas. Hamak na mas malakas. Ito ang nagbigay ng konklusyon sa mga nag iimbestiga na sinadya lamang ang mga pangyayari dahil tanging siya lamang ang nakaligtas.”
“Paano nyo naman nakunan ang loob ng sasakyan?”
“Pagkakaroon ng matalas na pag iisip ang naging regalo ng ikatlo matapos ang operasyon. Pag abot niya ng tamang edad. Napag pasyahan namin na siya ang magmamanman sayo. Nagkunwari siyang ulila at nag tago sa pangalang ‘Ponce’. Nagpa alipin ng ilang taon para lang maisakatuparan ang isang malaking pag aaral sayo, Alexis. Kahit saan siya mag punta ay mayroong Hidden camera para narin sa kanyang proteksyon.”
“Bakit ako lang? Bakit ako lang ang dumaan sa ganitong klase ng pag aaral? At sino nag edit ng video? Cool ha!” gulong gulo muli ang isip ng binata.
“Dahil nga sa mga pinakita ng reaction ng katawan mo. Hindi ako naging sigurado sa resulta. Kagaya ng sinabi ko, hindi naging madali para sa sistema mo na tanggapin ang operasyon. Ayoko ng ulitin.” Nagkakamot na ng ulo si dok.
“Masyado kasing praning yung dalawang mag kaibigan na yan dok.” Natatawa tawa si Ponce.
“Pakiramdam ko tuloy para akong sumali sa isang reality show kung saan nakakulong sa isang bahay na kahit saan ka magpunta ay may nakatingin. Maganda ang intesyon ng palabas para maipakita ang iba’t ibang klase at pag uugali ng tao kaso minsan parang nagiging lab rats na lang ang mga kasali.Napag lalaruan ang mga damdamin kahit hindi sinasadya at sinusubukan ang determinasyon. May mga namumuong pag kakaibigan pero sa katotohanan ay may kanya kanya din namang hidden agenda sa bawat isa dahil lahat sila ay magkaka kompetensiya. Ewan. Nasa manunuod na rin naman kung paano niya tatanggapin ang mensahe sa likod ng mga palabas. Yun ay kung pinapagana pa ng mga nanunuod ang kanilang mga utak para iproseso ang mga bagay na dapat nilang matutunan. Nawawala kasi yung mensahe ng bawat palabas kapag nanunuod lang ang isang tao dahil may inaabangan ito, may gwapo o maganda. Hindi na nag aabala pang silipin ang rason kung bakit may mga palabas na ganito.”
“Hoy! Tutulungan niyo ba kami o mag dadaldalan muna kayo jan?” sigaw ni Monique.
“Si Kuko.. Si Kuko!” naalala ni Uno ang kalagayan ng kaibigan. Nag bayanihan sila sa pag buhat at itinakbo nila sa laboratoryo ni Dr.Jones ang pasyente.
Itutuloy….
Facebook: https://www.facebook.com/pages/Wawell-Lim/133109050043854
IKATLO - Tagpo XIV
Hindi na maimulat ni Kuko ang kanyang kaliwang mata. Namamaga ang mga pisngi at hindi na maigalaw ng maayos ang buong katawan. Tila pinag papawisan na ng dugo kung titingnan ang damit na bumabalot sa kanyang mga laman. Butas na ang ilang parte ng sinusuot niyang pang ibaba dahil sa paulit ulit na pag gasgas nito sa lupa at semento sa tuwing bumabagsak. Galit pa rin ang bumabalot sa puso ni Kuko. Pero sa kabila nito, hindi pa rin naaalis ang mga ngiti sa labi kasabay ng patuloy nitong pang aasar sa katunggali.
“Yun na ‘yon? YUN NA ‘YON PONCE?! Hahahahahaha!” pang aasar habang pinipilit pa ring tumayo mula sa huling pag kakabagsak. Nakatuon ang kanang kamay sa lupa at nakahawak ang kaliwang kamay sa kanyang dibdib. Umaagos ang sariling dugo sa bibig.
“Isa na lang at pang dalawampung beses ka ng humahalik sa lupa. Hindi naman kita dapat papatulan pero pinilit mo ko, Neil.” nakatayo sa harap ni Kuko. Walang galos. Walang bakas ng sakit. “Mahal ko si Monique. Hindi naman niya sinabi agad sakin. Kung nalaman ko sana, matagal na kong nakipag usap sa pamilya niyo ng maayos. Pananagutan ko siya.”
“Sus.” Dinura ni Kuko ang mga dugong di pa rin mapigil sa pag agos. “Marami pa siyang pangarap. Sinira mo. Sinira ng mga makamundo mong pag nanasa!” tuluyan ng nakatayong muli si Kuko. Ihahakbang pa lamang niya ang kanyang mga paa ng harangin siya ng lalaking nang galing sa kanyang likuran. Si Uno.
“Ba’t di ka maghanap ng katapat mo?” Pinatunog ni Uno ang leeg habang inihahanda ang mga kamao para maibawi ang kaibigan.
“Buy.” Hawak ni Kuko ang balikat ni Uno. “Sino ka?”
Nagtataka si Uno. “Kuko. Huwag kang tanga.”
“Uno?! Nawala ang mga peklat mo! Nawala!” masayang pag kagulat ng kaibgan. “Pero napaltan ng An-An?” pahinang tono na idinagdag nito.
“HINDI NGA KASI NAARAWAN NG MATAGAL!” pasigaw na sagot ni Uno. “Ehem..” Muling humarap kay Ponce. “Pag babayaran mo ang pangloloko mo kay Boks!” sinugod ng binata ang kausap. Nagpalitan ng malalakas na suntok. Bawat batong pag sugod ni Uno ay agad namang napapalitan ni Ponce.
Simula ng namatay si Boks, si Ponce ang pangunahing suspek sapagkat ito lamang ang huling nakasama ng biktima. Itinuring na matalik na kaibigan ni Boks si Ponce pamula ng pag bawalan siyang makisama at makipaglaro kina Uno at Kuko. Hindi naman nawala ang komunikasyon ng tatlong magkakaibigan noong sila’y maliliit pa hanggang sa maka abot sa kolehiyo. Tumatakas kasi noon at gumagawa ng paraan si Boks para makasama ang kababata. Si Ponce, sa murang edad ay namasukan bilang katulong at nanirahan sa pamilya ni Boks. Ayon kasi sa kanya ay ulila na siya at wala ng matitirihan. Sa pangungulila ni Boks sa mga kaibigan at pag aasam na magkaroon ng kapatid, halos tunay na kadugo na ang itinuring nito kay Ponce.
“Alam kong sinadya at nakaplano ang lahat. Narinig namin noon na nag bilin si Boks na mapapasayo ang nabili niyang tambayan kung sakaling mawala siya.” Bumwelo ng malakas na suntok sa sikmura si Uno.
“Aksidente ang lahat! Maniwala ka!” isang malakas na sipa sa dibdib naman ang bumalik kay Uno.
“Ibinangga mo ang sinasakyan niyo para mag mukhang aksidente ang lahat. Sinayang mo ang kabaitan ni Boks. Itinuring ka niyang higit pa sa kapatid at pinagkatiwalaan ng lubos. Pero ginamit mo lang siya!” nag patuloy ang sagupaan ng dalawa. Medyo maga na rin ang mga mukha ng dalawa. Putok na ang kilay ni Uno at putok na din ang labi ni Ponce. Bawat suntok ay ilang pulgada ang inilalayo ng bawat isa dahil na rin sa lakas ng mga pwersa.
Dumating si Monique. Natigilan si Ponce kaya nabigyan ng pagkakataon si Uno para buong pwersang pakawalan ang napakatinding suntok. “Para yan sa pang aagaw mo ng pulang buddha beads ko!” Talsik sa tambakan ng yero si Ponce. Nagkanda sira sira ang mga damit. Nilapitan at mangiyak ngiyak si Monique ng makita ang kalagayan ni Kuko. “Kuya, I’m sorry.” Dumaloy na sa mga pisngi ng dalaga ang mga luha.
“Para sayo. Alagaan mo magiging pamangkin ko ha?” bulong ni Kuko kasabay ng malalaman na ubo.
Namanhid na rin ang buong katawan ni Kuko. Hindi na sapat ang natitirang lakas para pigilan ang dalawa. Bumagsak na rin sa lupa ang mabigat at sugatang katawan. Nakatitig sa kaibigan at sa dating kabarkada. Natatawa parin siya. Nag aalala ngunit hindi maitatangging naaliw sa mga nangyayari. Hindi makapaniwala sa lalim ng kinahantungang dala ng panahon. Muli siyang tumingin sa kapatid. Hinawakan ang mga kamay at ngumiti. Sa dami ng natamong sugat, masyado ng maraming dugo ang nawala sa kanya. Bumulwak ang huling buga ng dugo sa kanyang bibig. Dahan dahang nag sasara ang mga pilik mata. “Siesta time.” ang mga huling nasabi ni Kuko.
Itutuloy….
Facebook: https://www.facebook.com/pages/Wawell-Lim/133109050043854
IKATLO - Tagpo XIII
Patuloy parin ang heart-to-heart nina dok at Uno. Nakaharap naman sa isang malaking flat-screen LCD si Ryan. Lumapit si Alexia sa kapatid para linawin pa ang ilang bagay na bumabagabag pa rin sa isip ng binata. “Kuya, sa kabila ng mga usap usapang napag tripan ka ni nanay ng sanggol ka pa kaya ka may marka, nag kakamali sila.” Pinakita ang kamay na may marka, ‘2’. “Ikaw ang unang dumaan sa proseso ni Dr. Jones, ako naman ang pangalawa. At isa pa, hindi pa yumayao si nanay, nandito siya at siya ang nag palaki sa akin. Lumabas lang siya saglit para mag paload.”
“Bakit kailangan pa ng marka?” painis na tanong ni Uno.
“Hindi basta basta tinta ang ginamit jan. Mayroong kinalaman sa pag galing at pag lakas niyo ang sangkap na hinalo sa tinta. At isa pa, mad scientist ang drama ng lola Jones mo, kaya kailangan niyang gumawa ng eksenang malayo sa mga pangkaraniwang ginagawa ng mga doktor.” Sabat naman ni Ryan habang nakatitig pa din sa malaking LCD.
“Ba’t tong si Ryan di nyo pag eksperimentuhan ng mas tumigas at maging TUUUUNNAAAY na lalaki. Hehehe.” Asar ni Uno.
“Hindi ako Beki!” mabilis na depensa ng pinariringgan.
“Ops, wala akong sinabi! Napansin ko lang naman na anlagkit makatingin ng nagmamanman sakin. Di naman ako makakawala. Hehehe.” Patuloy na panunukso ng binata.
“Trabaho ko yon, ‘teh. Walang personalan.”
“Kung sabagay. Anlaki laki ng katawan ni Ryaaaan! OH EHMMM. Sarap pisil pisilin. Anong pills kaya ang gamit niya?” nagboboses babae na si Uno.
“Shutanginabels! OO na! Bakla na ko! Jusko. May problema ka ba sa bakla??” Lumapit na si Ryan kay Uno. Matinis na ang boses ng nagpakatotoo. Ang lahat ay natigilan. Nabitawan ni Dr. Jones ang hawak na cylinder na may lamang radio active chemicals.
“Ang hirap kasi. Juskooo. Sa mga kagaya niyong mapang lait at mapang husga, paano mag kakaroon ng kalayaan ang mga paru-parong kagaya ko? Pinaliliit nyo ang mga mundo naming dapat naman talaga ay kasama nyo. Nahihirapan ang mga kabibeng ilabas ang kanilang mga perlas dahil alam nilang itataboy nyo lang sila at ibabatong muli sa kalagitnaan ng karagatan. Bakit ba kayo ganyan? Hindi naman namin sinisira ang buhay nyo ah? May mga kanya kanya rin naman kayong kapintasan! At hindi ito kapintasan! Regalo ito! Hindi naman namin ito kasalanan. Hindi namin ito pinili dahil kung lahat tayo ay makakapili, matagal na kong cover ng FHM. Pareparehas tayong nilalang. Pareparehas tayong kumakain ng kanin kaya huwag nyo naman sana kaming husgahan ng dahil sa pagkatao namin. Talentado kami at marami kaming pwedeng gawin! Sana yun ang bigyan nyo ng kulay sa aming pagkatao. Sana tingnan nyo rin kami ng kapantay ng lahat. That’s all and I thank you. Mabuhay!”
Palakpakan ang tatlo.
“Ryan. Sorry na.” himas ni Uno ang likod ng nagsanaysay ng damdamin. “Proud pa din kami sayo, kasi hindi ka gumamit ng babae para matakpan ang pagkatao mo. Hindi ka rin nag patawag ng ‘papa R’ sa kabila ng laki ng dibdib mo at pamamalagi sa gym. Proud kami sayo dahil isa ka na ngayong ganap at malayang paru-parong handang sumipsip ng nectar. Bongga ka!”
“Alexis, hindi mo ba itatanong kung sino at nasaan ang kapatid mong si Alexander para makapag reunion na kayo?” mabilis na iniba ni dok ang eksena. Baka kung saan pa daw ito mahantong.
“Isusulat ko na nga sana sa wish-kulang, nasaan na nga po ba ang ikatlo?”
“KUYA!” sigaw ni Alexia. Pinakita kung anong nagaganap sa malaking flat-screen na LCD. “Ang kaibigan mong si Kuko at Ponce, nag babasagan ng mukha!”
“Tangina, yan ang may kasalanan kung bakit namatay ang kababata kong si Boks.” Alalang alala si Uno sa kaibigan, pero dala ng pagtataka ay hindi na nito napigilan pang mag tanong para sa huling pagkakataon. “Dok, paano kayo nagkaroon ng surveilance camera sa mga kalsada? Hindi ba pang superhero ang mga ganyang gadgets?” Pinag pipilitan at umaasa pa ding siya ay isang magiting na superhero.
“Hinack ni Ryan ang system ng MMDA para makuha ang coverage ng camera sa mga kalsada. Para sa mga harabas na tsuper at mga krimen yan, pero ginagamit namin para sa pagmanman sayo. Dalian mo na kung gusto mo pang abutang buo ang bungo ng kaibigan mo.” Payo ni Dr. Jones.
Itutuloy….
Facebook: https://www.facebook.com/pages/Wawell-Lim/133109050043854
IKATLO - Tagpo XII
“Kay Alexia, sigurado ako. Pero sa inyong dalawa ni Alexander, hindi.” Umupo si Dr. Jones. Sinyales na mahaba haba ang magiging usapan.
“Alexander? Teka teka teka, gumugulo lalo. Pero kung sa kalusugan lang din naman, masasabi kong malakas ako, at ‘mukhang’ tagumpay naman ang operasyon na nangyari noon.”
“May mga pagbabagong nangyayari sa katawan nyo simula pa man noon. Yun ang naging misyon ni Ryan, ang sundan ka. Normal si Alexia. Pero naging iba ang pag tanggap ng sistema ng katawan mo sa mga prosesong naganap noon. Isa sa mga katibayan ay ang pagkakaroon ng sobrang balat sa mukha mo.”
“Akala mo naman peklat. Konting kuskos lang yun at babad sa betadine matatanggal na. Bukod sa tamad ka maligo, masyado mong pinang-emo-han ang mukha mo kaya hindi na kami magtataka kung bakit yan nagtagal.” Dagdag na paliwanag naman ni Alexia.
“Di ko gusto tabas ng dila nito ah. Eh bakit mas maputi pa rin ang mga bahagi ng mukha kong to, kumpara sa buong balat ko? Aber?!”
“Dok, kulang din ata sa neurons ang utak nito eh. Malamang ho KUYA, matagal hindi naarawan yan. Babalik at papantay din yan pag tagal.” Mariin ang pagkaka sambit ng ‘kuya’ at tila nang aasar.
“Ang pisikal mong lakas ay mas mataas kumpara sa mga pang karaniwang nilalang. Tanda mo noong Tagpo IV? Yung flashback? Kaya mo nadurog ang lapag dahil sa taglay mong lakas.” Pinutol ni dok ang namumuong pag tatalo ng magkapatid.
Habang nakikinig sa doktor, ay nakatitig naman si Uno sa mga kamao. Inililibot din ang tingin sa buong katawan. Manghang mangha sa mga narinig. “Sabi ko na nga ba. Magiging superhero ako tama ba? At kaya nyo ako kinuha dahil bibigyan nyo ko ng magagandang gadgets, codename at tights. ” Huminga ng malalim ang binata. “Marami na kong responsibilidad sa bahay pero kakayanin ko ito, para sa bayan.”
“May sayad nga ata to Ryan.” Bulong ni Alexia.
“Kaya ka namin kinuha, dahil may nakatagong code sa kulubot ng peklat mo. Kailangan na ni dok yon para matapos na ang gamot na ginagawa niya sa sakit na hadhad.” Pinakita ni Ryan sa binata ang tinanggal na balat galing sa mukha na sa kasalukuyan ay naka frame na.
“Superhero?” lumapit at inakbayan ni Dr. Jones si Uno. Napangiti naman si Uno, umaasang sasabihin na ang totoo patungkol sa unang magiging misyon niya. “Lahat tayo may responsibilidad sa bayan. Lahat tayo may sapat na lakas para mag tulungan. Subukan mong tanungin ang kababayan mo na kung mabibigyan sila ng pagkakataong magkaroon ng kapangyarihan, ano ang gagawin nila? Puro kasamaan lang din ang lalabas. Kamanyakan o pang lalamang sa kapwa. Masakit pero yan ang totoo Uno. Kalokohan ang magkaroon ng isang tagapagligtas na handang tumulong sa bawat nangangailangan. Sa realidad, sampu hangang tatlumpung trahedya o kasamaan ang nangyayari sa Pilipinas ng sabay sabay. Sa tingin mo kaya ng iisang tagapagligtas yon? Hold-up, rape, masaccre at iba pang krimen lang ba ang pangunahing problema ng mga tao? Hindi ba korapsyon, pabahay at kawalan ng trabaho ang dapat intindihin? Lahat ng mamamayan ay tagapagligtas ng isa. Walang saysay ang pag lipad, pagiging sobrang malakas at pagkain ng bala kung wala ka namang puso. Lalo na kung ginagawa mo lang ang mga bagay na ito dahil alam mong ikasisikat at ikatutuwa ng ibang tao. Malasakit sa kapwa, pag mamahal sa kapaligiran, pagiging disiplina at pag papahalaga sa buhay, yan ang mga tunay na kapangyarihan Uno. Kapangyarihan na akuin ang bawat responsibilidad na akma at mapapakinibangan ng lahat. Tayo tayo lang din ang nag nanakawan. Tayo tayo lang din ang nag hihilahaan pababa. Kung matututunan nating lahat na mag tulungan paakyat at mag katalikurang lalabanan ang mga bagay na ikababagsak ng isa, walang maiiwan sa baba. Walang maghihikaos at wala ng mag mumura ng ‘shet’.”
Itutuloy….
Facebook: https://www.facebook.com/pages/Wawell-Lim/133109050043854
IKATLO - Tagpo XI
Ilang oras ang nag daan bago pa muling magising si Uno. Malabo pa ang paningin ni Uno pero nahuhulma na ng kanyang mga mata ang hugis at pigura ng dalawang taong nasa harap niya. Pamilyar ang lalaking malaki ang katawan na basag ang mukha, nakatayo hindi kalayuan sa harapan niya. Sa tabi naman nito ay isang matandang nakasuot ng puti at mahabang uniporme. Makapal ang salamin, puti ang buhok at meron ding balbas na kakulay ng tuktok. Parehas nakatitig sa kanya. Wala pa din siyang maalala sa mga nangyari at kung bakit siya naroroon. Unti-unting lumiwanag at luminaw ang kanyang paningin. Nang makita ang lalaki, bumalik ang lahat ng alaala na naganap ilang oras lang ang nakakaraan. Umakmang pasugod si Uno sa lalaki pero masyadong makapal ang mga bakal na mistulang nag tatali sa kanyang kinauupuan. Takot man, pero nilapitan ng lalaki si Uno para alisin ang nakatakip sa bibig, utos na rin ng lalaking nakaputi sa kanyang tabi.
“Sino kayo?? Asan ako?? Anong kailangan nyo sakin??” derederecho ang mga tanong ng binata.
“Alexis, wag ka matakot. Ako si Dr. Ken Jones. Ito naman si Ryan, ang assistant ko.” Dahan dahang itinaas ni Ryan ang kanyang kamay para kumaway. Malakas na tawa naman ang isinagot ni Uno.
“Lumang gimik na to. Pakawalan nyo na ko. Ayoko manakit ng matanda. Sa komiks at hindi mabentang blog site na lang lumalabas ang mga ganyang kwento.” Natatawa tawang kutya ng binata. Babanatan pa sana niya ng matitinding lait ang dalawang kausap ng matigilan ito sa pinakita ni Dr. Jones.
“May sinasabi ka ata bata?” hawak ang salamin sa tapat ni Uno. Hindi makapaniwala ang binata sa kanyang nakikita. Wala na ang kanyang peklat.
“Paanong….”
Pinindot ni Ryan ang hawak na remote. Lumuwag at tuluyang natanggal ang mga bakal na humahawak sa buong katawan ni Uno.
“Hindi naman kasi peklat yan.” Nakangising paliwanag ng doktor. “Side effect lang yan ng mga gamot na itinurok ko sayo ng sanggol ka pa.”
“Teka, wala akong maintindihan.”
“Jowa dati ni dok ang kaibigan ng asawa ng bestfriend ng pinsan na kinakapatid ng ermat mo Uno. Wala pa mang yahoo o mga social networking sites noon, nag kakilala ang dalawa sa pamamagitan ng optic-chat.com. Isang sa mga kauna-unahang website kung saang malaya kayong –“
“Ryan!” Sigaw ni Dok. “Hindi mo na kailangan pang idetalye.” Muli siyang humarap sa binata para magpaliwanag. “So ayun nga, basta related kami ng ermat mo.”
Nakatitig pa din sa salamin at hindi padin makapaniwala sa nakikita si Uno.
“Lumapit sa akin ang nanay mo dahil sa kalagayan niyo.”
“’NIYO’?”
“Triplets kayo.” Tiningnan ni dok si Ryan. Agad naman itong umalis para magtungo sa isang kwarto. Sapat lang ang oras na lumipas para makapag luto ng pancit canton. Muling bumalik si Ryan kasama ang isang babae.
“Siya si Alexia. Kapatid mo.” Nakatindig ang babae sa harap niya. Pilit ang mga ngiti at itinaas ang birth certificate para magpatunay sa sinasabi ng doktor.
“Alexis—ay, kuya pala. Tutal ikaw ang unang lumabas kay nanay. Huwag ka ng magtaka kung hindi tayo mag kamukha. Naging triplets tayo hindi dahil nahati sa tatlo ang sperm cell na nakipagtagpo sa egg cell. Tatlong mag kakaibang sperm cell ang sabay sabay na nakapasok kaya tayo nabuo at kaya rin hindi tayo mag kakamukha.” Inunahan na ng dalaga ang pagpapaliwanag ng makita nitong litong lito pa din si Uno.
“Simula ng manganak si nanay, hindi na ko umalis dito sa puder ni dok. Ikaw, nahiwalay dahil kinuha ka ni tatay. Akala niya ikaw lang ang nakaligtas sa operasyon.”
“Operasyon?”
“Alexis, nakadikit na ang mga leeg nyong mag kakapatid sa kalawit ni kamatayan ng subukan ko kayong iligtas. Hindi naman ako nabigo dahil ‘mukhang’ naging maayos naman ang operasyon.”
“Bakit hindi ka sigurado? Anong ibig mong sabihin?” nag aatubiling tanong ni Uno.
Itutuloy….
Facebook: https://www.facebook.com/pages/Wawell-Lim/133109050043854
IKATLO - Tagpo X
Idineretso ni Kuko ang mga napamili sa kusina. Samantalang si Monique ay nanatiling nakatayo sa harap ng pintuan. Nakatitig sa kanya ang inang kasalakuyan ay natigil sa pakikipag bunong-braso sa kabarkada niyang boksingero. Hindi makatingin ang dalaga sa ina pero mahahalata ang pagkainis nito sa kanyang mga mukha. Nakatikom ang mga kamao, nang gigigil at nag pipigil ng mga salitang maaring hindi niya masalansan ng maayos kapag binuga. Tila nag aabang ang dalawa kung sino ang mauuna sa walang katapusang bangayan. Hindi na ito bago sa tatay ni Kuko na sa kasalukuyan ay nanunuod ng telebisyon habang nakataas ang kaliwang paa sa kinauupuan. Bagamat may katagalan na sa paninirahan sa Pilipinas, hindi pa rin gaano nakakaintindi ng tagalog ang tatay ni Kuko na lumaki sa Nigeria. Isa na rin ito sa mga dahilan kung bakit wala itong pakialam sa sagupaan ng dalawang bunganga na mangyayari sa ilang sandali.
“Umuwi ka pa? Asan ang pasalubong mo?” pinangunahan na ng ina.
“Hin..di…..Hindi ko pa nasasabi..”
“Hindi ba’t sinabi ko sayong wag kang uuwi ng hindi mo bitbit ang gagong yon?”
“Hindi ko pa nga masabi!” nagsisimula na ang labanan nina Darna at Balentina.
“Gago ka, pinasok nyong dalawa yan, dapat marunong kayong lumusot. Panagutin mo yang lalaki mo at wag mong hayaang ako na ang magsabi. Baka magsabay ang kasal nyo sa libing niya.”
“Akala mo ba ginusto ko to? Aksidente ang lahat! At hindi namin sinasadya!”
“Adik ka no? Sino bang matinong estudyante ang sasadyain ang ganyang pangyayari? Ayan ang sinasabi ko sa inyo noon pa ng kapatid mong isa pang gago eh, tigil tigilan nyo ang panunuod ng tween-love at kung ano ano pang palabas-teen-ager. Puro na lang ka-kikay-an at kalandian, wala namang naituturong mabuti!”
“Hoy, nung panahon ko, siyensiya-eskwela, math-i ni idol, epal apple, hiraya-kunyari at art ni bogart ang uso. Kung hindi moral lesson, mga tunay na aralin sa eskwela ang matututunan!” payabang na pagbibida ni Kuko matapos ayusin ang mga pinamili sa kusina.
“Kuya. Wag ka ngang epal!” masama ang tingin kay Kuko. “At wag nyo ngang sasabihing kapatid ko yang kulot-salot na yan, dahil magkaiba kami ng tatay! Pasalamat siya tinatawag ko pa siyang ‘kuya’ at may kaunti pa kong respeto sa ngalan ng pinagaralan ko.” Mabilis na depensa ng dalaga.
“Ang yabang mo ah! Porket puti ang tatay mo, at itim ang tatay ko?—“
“I heard that.” Sabat ng tatay ni Kuko ng makaintindi ng kaunti sa pinaguusapan.
Ilang segundo ang nagdaan bago napawi ang pagkakatitig nilang lahat sa padre pamilya.
Lumapit ang kapatid ni Kuko –
“Hindi ko nga siya kapatid!”
Lumapit si Monique sa bintana para makasagap ng kaunting hangin. Nakakadagdag ng init ng ulo ng dalaga ang init sa loob ng kanilang tahanan.
“Maganda ka lang, nagkataon lang na hindi masyadong uso ang mukha ko, pero hindi ibig sabihin non, di mo na ko gagalangin. Kapatid ang turing ko sayo simula noong una pa lang, pero pilit mo kong pinandidirihan at ikinahihiya sa mga kaibigan mo dahil sa kulay ko. Alam ng lahat ng kaibigan ko kung paano kita ipinagmamalaki sa kanila. Simula ng mabuntis ka, galit na galit ako kay Ponce, kinalimutan kong minsan ko siyang naging kaibigan. Pero sayo? Kahit katiting na hinanakit wala akong itinago. Mahal kita bilang kapatid. Mahal na mahal. Sa kabila ng trato mo sakin, binaliwala ko lahat iyon. Dahil naiintindihan ko na sa mundong ito, magaganda lang ang bida. Walang lugar para sa mga taong kagaya ko na hinuhusgahan ang pagkatao sa panlabas na anyo. Mundong hindi patas. Mundong hindi para sa lahat. Pero kailangan ko pa ding ituloy ang buhay sa kabila ng lahat ng ito. Kung hindi man pinapahalagahan ng mga taong nakakakita sa akin ang itsura ko, pinagmamalaki ko namang ang buhay na pahiram sa akin ng may Kapal! At hinding hindi ko sisirain ang mga pangarap ko sa maliliit na pagsubok ng buhay ko. Ikaw? Kakakaunting problema susuko mo na?” bulaslas ng sama ng loob ni Kuko sa kapa— sa itinuring na kapatid.
“Kuya…”
“Si Uno nga eh, kahit wala na siya dapat maihaharap na mukha sa buong mundo dahil sa laki ng peklat niya at kahit mukha na siyang makopang nabubulok. Hindi pa rin ito naging hadlang para sa mga pangarap niya sa buhay.” May idudugtong pa sana si Kuko sa kanyang talumpati pero biglang nag ring ang kanyang pang kaskas ng yelo/pang hilod/cellphone.
“Tangina mo hayop ka, nandamay ka pa.” pamilyar ang boses ng lalaki pero hindi ito pinansin ni Kuko.
“Isa pa yon. Kung hindi sana nalugi sa pag pepedicure si nanay, edi sana lumaki akong mayaman. Edi sana hindi ako ganun mag mura. Sa panahon ngayon pati sa pananalita mo nagiging batayan na ng estado mo sa buhay. Kung lumaki akong mayaman, mas nasanay sana ako sa murang ‘shit’ at hindi ‘shet’.
“Kita mo na Labs, magaling ako magpalaki ng anak.” Habang nakakandong ang nanay ni Kuko sa kanyang kasalukuyang asawa. Ito naman talaga ang nagiisa niyang asawa. Nasalisihan lang ng isang kano ng minsang mamili ito ng paputok para sa bagong taon. Si Monique ang resulta. Pamula noon, hindi na ito lumabas ng bahay.
Nagmamadali lumabas ng bahay si Kuko. Hinahabol ng kapatid ngunit hindi na naabutan. Tinunton ni Kuko ang dating tambayan na sa kasalukuyan ay tirahan ni Ponce. Naabutan niya itong nagyoyosi habang nag kakamot ng singit sa labas.
“Para kay Boks!” suntok mula sa kaliwang kamay ang natanggap ng mukha ni Ponce galing sa malaking braso ni Kuko. Hindi pa man nakakabangon at punong punong ng pag tataka ay hinabol pa ito ng isa pang suntok.
“At para sa kapatid ko!” kanang kamay na suntok muli ang natanggap ng mukha ni Ponce. Mas malakas. Mas pwersado. Mas puno ng galit at pag higaganti. Sa pag bwelo, naapakan ni Kuko ang isang bungkos ng pagkaing naproseso na sa tiyan ng aso.
“Ay, shet.”
Itutuloy….
Facebook: https://www.facebook.com/pages/Wawell-Lim/133109050043854
IKATLO - Tagpo IX
“kunshingatikpoknikwayiloylatimpaksyonikwekwesilelepusal ang mga ito.”
Hindi naintindihan ni Kuko ang sinasabi ng kausap na tsuper dahil sa lakas ng ingay ng makina ng dyip na sinasakyan. May kalumaan at kaliitan ng bahagya kumpara sa ibang dyip ang nasakyan niya. Pauwi na si Kuko galing sa pamamalengke. Ayaw na ayaw nitong namimili sa palengke pero dahil na rin sa takot sa ina, ay hindi na lang siya pumapalag. Katulad ng pangkaraniwang byahe ni Kuko, hindi siya nasakay sa likod ng dyip, bagkus ay palaging nag hihintay ng bakanteng pwesto sa harap. Sa kanyang taglay na kalakihan, ayaw na din naman niyang makaabala sa iba pang pasahero kaya mas minamabuti nitong sa harap na lamang sumakay kahit na abutin siya ng katagalan sa pag hihintay. Hilig at parang sakit na din ni Kuko ang makipag kwentuhan sa bawat tsuper na nakakatabi sa pag byahe.
“’Kung tumawid ng basta basta, parang hindi nag aral ang mga ito.’ ang sabi ko.” Inulit ng tsuper.
“Nasa Pilipinas tayo manong, mga simpleng disiplina sa sarili dito sa atin, kinakailangan pang gawing batas bago sundin.” Kahit na may kabagalan sa pag proseso ang pagiisip ni Kuko, mahilig itong makipag debate at makipag diskusyon sa mga ganitong bagay. Mabilis niyang nasasabi ang mga bagay na wasto at hindi. Natalong konsehal kasi ang tiyuhin nito kaya kinalakihan niya ang maagang pag mulat at pagintindi sa ikauunlad o ikababagsak ng bayan.
“Natural na raw sa mga Pilipino ang pagkakaroon ng “dyslexia”. Baliktad kung magbasa. Hindi kayang iproseso ng utak natin ang tamang pag intindi kaya taliwas ang ibinibigay nitong kahulugan. Bawal umihi, iihi. Bawal mag dikit, mag didikit. Bawal yosi, mag yoyosi. Labo!” dagdag pa nito.
“Kasi, natural na din sa mga Pilipino ang mapang asar. Pag alam na ikaiinis ito ng isa, gagawin pa din kahit bawal. Ikatutuwa naman niya eh. Nananadya, ika nga. Minsan nga pang asar na din yung mga nakapaskil kagaya ng ‘bawal umihi dito, aso lang, aso ka ba?’ wala pading epek. Mas lalo lang mang aasar. Iihi pa ang mga ito habang nakahol. Meron naman tayong sapat na batas kagaya ng ibang maunlad na bansa. Kaso wala tayong disiplina sa pag sunod dahil na rin sa kakulangan ng kaparusahan sa mga umaabuso sa batas na hindi naman kinakakatakutan.”
“Mapang asar? Hahaha.” Malusog na tawa ni Kuko. “Naalala ko noon, nasakay pa ko sa likuran ng mga dyip. Minsan pag iniaabot ko ang bayad ko, mag tutulugtulugan, mag bubusy-busyhan, mag bingibingihan o mag tatanga tangahan yung mga nakaupo malapit sa drayber. ‘Di ko alam kung nang aasar o ano.”
“Tamad kasi.”
“Manong, lahat ng bagay, kilos at pwesto ng isang tao may kaakibat na responsibilidad. Umupo ka malapit sa drayber, responsibilidad mong tulungan ang malalayo. Sa gobyerno na lang, kaya nga nagtalaga ng mga mamumuno sa mga malilit na bayan o siyudad para tulungan ang mga taong malayo at hindi na marinig ng mga nasa itaas. Kaya sila iniluklok sa kanilang mga pwesto para may maglapit sa atin. Sila yung nasa tamang pwesto. I-abot naman sana nila yung mga daing at hiling natin hindi lang dahil malapit sila pero responsibilidad nila yun. Kung tamad kang mag abot ng pamasahe ng iba, hindi ka na sana pumwesto at naupo sa kinalalagyan mo.”
“Ma, para ho.” Sabi ng aleng nakasakay sa likuran. May kabilisan ang takbo ng dyip dahil hindi naman kadalasang binababaan ang lugar na ito. Medyo napalayo ng kaunti bago sila nakahinto.
“Ano ba naman yan. Ang layo layo manong! Nag para nga ako dun para di ako mahirapan tapos asdkhsadwlksdnsal asdlsadndwlsn;fggpqhan;cspa….” putak ng ale habang nababa.
“Tingnan mo yun.” Sabi ni Kuko. “Magpa-para mismo dun sa tapat ng babaan. Kita namang mabilis ang takbo natin. M’anong pumara ng may kalayuan bago sa eksaktong bababaan. Ano tingin niya sa dyip nyo? Isang break tigil agad? Edi dumikit ang nguso nun dito sa salamin.”
“Maraming ganyan. Sanay na din ako. Kulang pa nga ibinayad noon, bayad estudyante, mukha namang principal. kung tutuusin abunado pa ko sa pagkakapreno ko. Hehehe.” Nag tuloy pa ang kwentuhan ng dalawa. Ilang kilometro pa ang nagdaanan, muling may nag ‘para’ upang bumaba.
“Saglit lang ho ate, itatabi ko lang ho. Tska bawal ho dito, sa kabilang kalsada pa ho.”
“Ano ba naman yan, lalayo pa ko.” Kunot ang mukha ng kolehiyalang napigilan ang pag baba. Pero pilit parin itong bumaba ng makatyempo ng kabagalan sa pagtakbo ang sinasakyan.
“Isa pa yan. Bababa e alam naman niyang nasa gitna tayo. Tapos sinabi na ngang bawal sige pa rin. Ang mga tao ngayon, hindi mo alam kung nag kukulang sa laman ang bungo o nasosobrahan sa vetsin at panunuod ng telenovela.”
“Tapos kami ang sisitahin at huhulihin ng mga buwakanang buwaya.”
“Lahat ba buwaya talaga?”
“Hindi naman, may mga tapat pa rin pero kung baga sa hayop, indeynjerd spisis na.”
“Hahaha. Manong pakibaba nga ho ako dun sa waiting shed.”
Bumaba si Kuko at nagpasalamat sa naka-ututang dila. Dinerecho ang mga eskinita papasok sa kanilang lugar. Bitbit ang mga pinamili, sinuguradong walang kulang dahil pag nagkataon siya ang kakatayin ng kanyang ina. Tanaw na ni Kuko ang kanilang maliit na tahanan ng makita niya ang isang babaeng nakatayo malapit sa kanilang pinto. Akmang papasok ngunit alangan.
“Ba’t ngayon ka lang? Inumaga ka na naman.”
“Huwag mo kong badtripin, na engkanto ako kagabi. At wala ka namang pakialam sakin kuya di ba?”
“Kahit papano,may natitira ka padin palang hiya sa pamamahay na to, Monique.” Binuksan ang pinto at pinauna ang kapatid.
Itutuloy….
Facebook: https://www.facebook.com/pages/Wawell-Lim/133109050043854
IKATLO -Tagpo VIII
Maagang nagising para sa araw ng sabado si Uno dahil narin sa kahulan ng mga african love birds ng kapit bahay. Nag unat ng mga buto at lumabas ng bahay para lumanghap ng sariwang hangin. Umupo siya sa tapat ng kanilang bakuran at masayang tinititigan ang mga sinampay ng kalapit na tahanan. Dahil sa kabagutan, binibilang ang bawat pag tulo ng tubig mula sa mga basang damit. Aliw na aliw sa mga batang nagtatakbuhan papalayo ng siya’y makita at sa mga plastik na lumalangoy sa kanal malapit sa kanyang kinauupuan. Inililista ang mga brand ng sabon na madalas lumabas at magpakita sa nasabing kanal. Masaya din niyang pinapanuod ang masiglang pag laki ng bawat buteteng palangoy langoy sa nasabi pading kanal na itinuturing na niyang alaga. Sa ganitong paraan inaaliw ng binata ang kanyang sarili at sa ganitong paraan din niya pinalilipas ang kanyang oras.
Dumaan si Tonying. “Oy!” sabi niya.
“Oy!” sagot naman ni Uno.
Tuyo na ang mga sinampay ng kapit bahay ng maisip niyang tanghali na, at kailangan na niyang mag saing para sa kanilang mag ama. Tatayo na sana si Uno ng makita nanaman niya ang lalaking noon pa may matagal ng nagmamasid. Tumakbo ang lalaki ng mapansing nakita siya ni Uno. Hahabulin na ni Uno ang lalaki pero nangalay ang kanyang mga binti dahil narin sa tagal ng pagkakaupo. Nakaramdam siya ng parang mga kuryenteng dumadaloy sa ugat sa tuwing iginagalaw. Muling dumaan si Tonying. Nangingimay at hindi maigalaw pa rin ng maayos ni Uno ang mga binti. Ngiting sindikato ang bumalot sa pagmumukha ni Tonying.
“Huwag mong subukang gala—“
“Oy!…Oy!..Oy!” bawat salita ay pasundot sundot ng daliri si Tonying sa mga binti ni Uno, habang hindi naman ito makagalaw sa hindi mapaliwanag na pakiramdam. Malakas ang tawa ni Tonying habang paasar na pinagtritripan si Uno.
Umuwi ng ngumunguya ng sariling ngipin si Tonying. Nang mawala ang pangangalay, hinabol parin ni Uno ang lalaki. Tinakbo niya ang bawat eskinitang posibleng daanan ng estranghero. Nagbabakasakaling aabutan ito. Hindi naman nagkamali at nakita ni Uno na nabili ng saging sa nakahintong kariton ang lalaki. Ngunit agad din siyang nakita kaya kumaripas ito ng takbo. Hindi na rin naman bago sa estranghero ang lugar dahil mahigit dalawang dekada nadin niyang minamanmanan ang binata. Hinabol siya ni Uno. Tumakbo sya sa kabilang kalye, tinabig ang mga bagay na maaaring magpapabagal kay Uno sa pag habol. Pero hindi nagtagumpay ang lalaki sapagkat nasisira lamang ang kahit anong bagay na madaanan ni Uno na nakaharang sa kanya. Halos pigil na ang bawat pag hinga ng lalaki. Bawat pag apak ng pag takbo ay siya namang pagbigat ng katawan. Hirap ng lumunok dahil sa katuyuan ng lalamunan. Ngayon lamang siya pinagpapawisan ng ganito dala na rin ng pinag halong pagod at takot. Hindi alam ang gagawin dahil alam niyang ito ang araw na kanyang pinangangambahan. Malayo layo na ang naabot ng kanyang mga paa. Narating na niya ang lugar kung saan hindi na siya halos pamilyar ang kanyang mga mata sa nakikita. Sa takot kay Uno, hindi niya mapaliwanag sa sarili kung paano niya nagawang takbuhin ang halos limang kilometrong daan kung ito’y pag dudugsong dugsungin. Huminto na ang lalaki. Lumingon sa likod, at nakipagtitigan sa mga taong kapwa nakatitig din sa kanya. Mga pawang nagtataka sa mga pangyayaring nagaganap. Ibinababa niya ang kalahati ng kanyang katawan at itinuon ang dalawang kamay sa mga tuhod. Namumula at nagluluha na ang kanyang mga mata dahil sa sobrang kapaguran. Ilang minuto pa ang nag daan bago ito mahimasmasan. Huminga siya ng malalim at dahan dahang inangat ang katawan. Hindi pa man nakakatayo ng tuwid ay sinalubong agad ng kanyang mukha ang isang malakas na suntok mula kay Uno. Bumagsak ang six-footer na lalaki. Sa kabila ng lapad at laki ng katawan, kinaladkad ni Uno ang lalaki papunta sa isang eskinita.
“Walangya ka, sino ka?!” naka amba pa ng suntok si Uno. Kapwa nanlilisik ang dalawang mata. Labas ang mga ugat sa leeg at noo. Halos hindi na maibuka ng maayos ang bibig sa pag sasalita dahil narin sa gigil.
Habang pawisang nakatitig kay Uno, pasimpleng kinapa ng lalaki ang nakatagong bulsa sa ilalim ng kanyang suot na damit.
“Na-na-na…..napag utusan la-lang ho ako.” Pangatal na sagot nito.
“Nino?? At sino ka nga?!” mas malakas ang boses ni Uno at mas humigpit ang hawak sa mga leeg ng lalaki.
“Pa..pasenya na po….” kinuha ng lalaki ang nakatagong panturok sa bulsa. Mabilis na tinarak sa tagiliran ni Uno. Napasigaw ang binata. Dahan dahang nanghina at bumagsak sa lupa. “Kailangan kong gawin to..”
“Pakyungsaninabich…” mahina at mga huling salitang nabitawan ni Uno bago tuluyang tumirik ang mga mata at mawalan ng malay.
Itutuloy….
Facebook: https://www.facebook.com/pages/Wawell-Lim/133109050043854
IKATLO - Tagpo VII
Dahil na rin sa pag ka badtrip sa kaibigang si Ponce at sa dinadalang problema, imbis na umuwi ay dumeretso si Monique sa Santos’ 24-hours siomai house. Hindi rin ito kalayuan sa pinanggalingan. Lalakad lamang siya ng derederecho, liliko sa kanan, tapos kakaliwa, kakanang muli at sa mga oras na yun, may dadaang mag babalot na sisisgaw ng malakas na “Balooooot!”. Lalagpasan niya ito, tatawid sa kabilang kalsada at maaalalang mali ang kanyang dinaanan. Muli siyang tatawid sa kabilang kalsada at nandun na siya sa nasabing kainan. Kilala na siya rito dahil siya ay masugid suki ng Santos’ 24-hours siomay house. Iba iba talaga ang pagkakasulat sa salitang ‘siomay’ o minsan naman ay ‘siomai’ sa kanilang mga karatula dahil hindi nila alam ang tunay na spelling nito. May kalakihan ang siomai house na ito kumpara sa ibang siomai house na stall lang naman talaga. Sa katunayan meron itong dalawang waiter at dalawang babaeng naghahati ng shift sa cashier. Alas-onse na ng gabi at sapat na din ang dalawang dosenang siomai na nakain niya para sa gabing yon. Emo trip na ang dalaga at magsisimula na niyang sisihin ang lahat ng masisisi. Oorder na siya ng pang himagas na siopao ng lumapit sa kanya ang batang babaeng may kwintas ng sampaguita. Dahil iritable siya sa araw na yon, nakahigop na siya ng saktong hangin na kinakailangan para sa kanyang pag bulyaw ngunit nakita nito ang maamong mga mata ng mga bata. Natigilan si Monique at pinaupo sa kanyang tabi. “Iha may gusto ka ba? Sabihin mo lang ako bahala. Nag hapunan ka na ba? Halika sabayan mo ko.” Sabay ngiti at kindat sa bata.
“Anak po ako ng may ari nito.” Sagot ng limang taong gulang na kausap. May katabaan ang mga pisngi, naka tirintas ang maninipis na buhok ng bata. Naka sandals, nakashorts na chekered at dirty-white na t-shirt ito. “Ako po si Jodi. Jodi Anne.” Ngumiti ito na halong pangigigil.
“Ako naman si Monique. Ikaw pala yung kinikwento ni Ate Salve na anak niya. Bakit ngayon lang kita nakita dito?” sumenyas sa waiter na oorder siya ng dalawang siopao.
“Nagbabakasyon po ako eh.” Muli. Ngumiti ang bata.
“Bakit ka naman may sampaguita sa leeg at bakit ka lumapit kay ate?”
“Ambaho ko na daw kasi!” titingin ang bata sa paligid at bubulong. “Mukha po kasi kayong may problema. Ano po bang problema nyo?”
“Naku, ineng, madami. Pero dahil mukang gusto mo naman makipagkwentuhan, sayo ko na lang ibubuhos ang hinanakit ko.” Dumating na ang dalawang siopao na order ni Monique. “Gusto mo Jodi Anne?” tumango ng pag sang ayon ang bata. “Waiter, isa pa nga.”
Nagsimulang mamasa at mag tubig ang gilid ng mga mata ni Monique. “Buntis ako.” Agad namang buhos ng mga luha nito.
“Kaya mo yan ate.” Hagod ang likod ni Monique. “Kaya mo yan.”
“Alam na naman ni mama at ng kapatid ko. Nagalit noong una pero wala akong pakialam at wala na din naman silang magagawa. Pero hindi pa alam ng sira ulong lalaking yun. Di ko alam kung kaya ko pa mabuhay. Andami dami ko ng sakripisyo sa pamilya namin. Sa sarili ko. May mga pangarap ako Jodi! Pero lahat ng yon nasira dahil sa isang pagkakamali ko! Hindi ko pa kasundo ang pamilya ko. Konting undyok na lang sakin ng demonyo sa tabi ko, magpapakamatay na ko.”
Nanlaki ang mga mata ni Jodi.
“Hindi, hindi ikaw ang tinutukoy ko.”
“Alam mo ate, okay lang mag labas ng sama ng loob. Pero sasabihin mong magpapakamatay ka? Aba, kamangmangan na yan ‘teh.” Nag iba ang tono ng bata na kanina lang ay malambing. “Hindi lahat napagbibigyang mabigyan ng buhay at mabuhay. Wag kang selfish. Lahat ng tao may problema at normal ito. Isipin mo na lang kung walang problema. Pano ka kikilos? Pano ka hahakbang sa mga desisyon mo? At anong pag dedesisyunan mo kung wala kang pagpipilian? Di pwedeng sarap buhay dito ‘teh, kailangan may challenge. Si super Mario bago niya makuha ang prinsesang paulit ulit at masayang masayang nagpapakid-nap sa mga deformed na goons, pahirap ng pahirap ang stage na nilalagpasan niya. Kaya kung nararamdaman mong nahirapan ka na sa buhay mo, isa lang ibig sabihin niyan, lumelevel-up ka ‘teh. Ito yung mga bagay na dapat mong lagpasan. Partida ha, alam na ng magulang at kapatid mo. Yung iba nga jan hindi magkanda ugaga sa gagawin para masabi ang mga pangyayari sa kamag anak. Kung tutuusin napaka liit niyang problema mo. Milyon-milyong tao sa mundo ang walang makain pero naghihikaos mabuhay, samantalang ikaw kung maka lamon ng siomai. Ilang tao ang walang tirahan samantalang ikaw may mauuwian. Ilang mga tao ang may posisyon at nahalalal sa Pilipinas ang hindi alam ang gagawin sa milyon-milyong perang nakamkam sa bulsa ng mamamayan? Ilang proyekto ng gobyerno ang tinipid para maka-kickback, dahilan para mabilis na masira ang mga nasabing proyekto na isa pa ulit sa dahilan para maglabas muli ng pondo para sa pagpapa ayos nito? Ilang porsyento ng tax na binabayaran mo buwan buwan na pinapakinabangan ng mga opisyal ang talagang napupunta sayo kahit na pinaghirapan mo ito? Ilang batang kagaya ko ang nasasangkot sa mga child labor at sexual issues? Ilang album pa ni Justin Bieber ang lalabas? Mag isip ka ‘teh. Hindi cool ang may mga bakas ng laslas at lalong hindi cool na ipangangalandakan mong magpapakamatay ka para maka agaw ka ng atensyon, tapos alam mo namang hindi mo rin itutuloy. Piece of advice, magbasa basa ka ng librong makakamulat sa isipan mo, hindi yung puro telenovelang wala namang naituturong maganda! Bahala ka nga jan! Ang henerasyon talaga ngayon!” nag walkout si Jodi Anne.
“Ano daw?” habang nagpupunas ng asado sauce sa pisngi si Monique. “Waiter! Saan ba nauwi ang anak ni ate Salve? Di ba dito na rin nakatira yun?”
“Po? Isa lang po ang anak ni ma’am Salve.”
“Alam ko, ang tanong ko saan nauwi yung bata.”
“Isa nga lang po anak ni ma’am Salve…………………….at limang taon na pong patay.”
<insert ‘suspense’ music here>
Itutuloy….
Facebook: https://www.facebook.com/pages/Wawell-Lim/133109050043854
IKATLO - Tagpo VI
Nagpapartihan na ng napanalunan sa pustahan ang magkakaibigan sa katatapos lang na laro. Masayang masaya si Kuko dahil sa tuwing naglalaro si Uno ay saka lamang ito nakakatikim ng pagka panalo.
“Alam mo Uno dapat nagtry-out ka noon pa man sa mga malalaking unibersidad eh.” Inupuan ni Kuko ang bola habang binibilang ang parte niya. “Minsan lang kita pupuriin pero malaki pagasa mo.”
“Manang, Mineral nga. Yung sachet.” Tuktok ni Uno sa kalapit na tindahan ng pinaglaruan. “Sus. Palakasan na din naman ngayon.” Hinarap ni Uno si Kuko.
“Malakas ka naman ah?” kinuha ang supsop na iniinom ni Uno. Isang plastic na kung nabigyan sana ng kaunti pang panahon ay isa na sanang ganap na yelo.
“Palakasan ng kapit sa loob.” halos hindi pa natatapos sa pag sasalita si Kuko ng sumagot si Uno.
“Isa pa, wala kong panama sa mga itsura ng mayayaman no!” dugtong pa nito. “Bayad mo utoy?” sabi ni manang.
“Baya_ mo daw Uno.” halos maibuga ni Kuko ang iniinom. “Eto ho, nakakabit.” Patol ni Uno habang nakaturo ang mga nguso sa gitna ng mga hita.
“Teka, isports ito buy! Hindi Mr. Pogi. Iskils ang labanan ika nga, hindi padamihan ng kamuka sa showbiz!” matawa tawang balik ni Kuko.
“Kala mo lang! Kung gusto mong sumikat at makilala sa panahon ngayon, isa na sa requirement ang itsura. Wala ng pakialam ang tao kung may ipapakita kang talento o wala. Kung may saysay ang mga sinasabi mo o walang katuturan. Kung may laman ang utak mo o puro tubig. Kung kamukha mo si Chris Evans, wala kang magiging problema kahit sabaw ka magisip.”
“Ganun ba yun?” tila nawawalan na ng pag asa sa mga pangarap si Kuko.
“Mabibilang mo na lang sa daliri ngayon mga sumisikat na kamukha ni Gollum. Pahirapan pa yun ah? Maaaring sobrang galing nito talaga o kaya naman iwas pusoy ang mga judges ng reality show na nasalihan. ‘For a change’ daw pero may halong pulitika na. Kung di ka naman talentado at wala ka din namang ihaharap pero ikamamatay mo ang di pag sikat, ihanda mo ang sarili mo sa matitinding role kagaya ng katulong, boy,pang pantaserye o boses ng iguana. Pwede na din yung mga sidekick na palaging binabatukbatukan ng bida. “
“Bah, mabilis sumikat ang mga sidekick ha!”
“Sikat? Karamihan nga sa mga yun namamatay ng hindi kilala ng mga tao ang pangalan.”
“Mag youtube ka na lang. Kumanta ka! O magpatawa!”
“Dalawa lang paraan para sumikat jan, pwedeng napaka galing mo, o sobrang mukha ka ng tanga sa mga pinagagagawa mo. Pakapalan ng mukha don.”
“O kaya kung may itsura ka, mag post ka ng video ng pick up lines. Tiyak sisikat ka. Pero kung kagaya mong mas malaki pa ang peklat kaysa sa sariling pangarap, huwag ka ng umasa dahil kukutyain ka lang ng mga taong walang pagpapahalaga sa buhay at mga akala mo kung sinong maganda o gwapo. Waiiit, isports tayo di ba? Wala ka naman sigurong balak mag showbiz.”
“Ganun na rin yun Kuko. Minsan nagiging stepping stone na ng mga pogi ang sports. Kung di makalusot sa audition, mag lalaro na lang at sasali sa sikat na team.”
“Talent pa din yun buy!”
“Di lahat.” Ibinilog ni Uno ang plastik ng pinaginuman at itinapon sa basurahan. Pero bago nya itinapon, sinugurado muna niyang nasa tamang segragation ito.
“Sabagay. Yung team asskelz nga eh. Wala pa atang naiiuwing ginto pero hayop sa endorsement p’re, mapa damit o brip! Samantalang yung dragong vote team natin, mahigit limang ginto na ang naiiuwi sa Pilipinas wala pa ata kong nakikitang inindorse nila. Balita ko nga nag karon sila ng laban sa Malaysia o Thailand, ata yun? Ewan, basta nanghiram pa ng sagwan sa kalaban.”
“Karamihan kasi ‘don pinoy na pinoy talaga.” Namamangha si Uno sa mga sinasabi ni Kuko.
“Yun na nga eh, bubuo sila ng iba’t ibang kupunan na mag rerepresenta sa ating bansa, pero karamihan naman ng kukunin ay hindi purong pinoy.Puro half-ganito, half-ganyan. Piling pilipa talaga yung may mga itsura at may abs. Philippine team pa ba yon? Tapos yun ang susuportahan dahil alam nilang mas madaming hakot at mas madaming magpapaendorse.”
“Naligo ka no?” proud na proud si Uno para sa kaibigan.
“Hindi. Pero nag hilamos ako. Narinig ko lang yun sa nadaanan kong nag iinuman kanina. Hehehe.”
“Mga animal kayo, kung mag chichismisan lang kayo sa tapat ng tindahan ko, mag silayas kayo! Andami nyong alam puro utang naman kayong mga damuho kayo! Layas!” malambing na pakiusap ni manang sa mag kaibigan.
Itutuloy….
Facebook: https://www.facebook.com/pages/Wawell-Lim/133109050043854
IKATLO - Tagpo V
“Nakakahalata na po ata.”
-“Ha??? Bawas bawasan mo kasi ang pagkendeng mo sa paglalakad!”
“Po? Hindi ho! Hindi yon! At witchekelibambambini summer fresh baby cologne ang mga ini-isplukchinabels ng mga echuserang froglets sa background tungkol sa akirameimei! Hindi ako ganun!”
-“Hmmm. Hindi ka takot sa asin?”
“Witchels!”
-“Kung sabuyan kita ngayon ng lumabas ang kaliskis mo. Shoke!”
“Sirena po!”
-“Huli!”
“Ahhhhhhh… Hindi po talaga, nakukuha ko lang yan sa mga palabas sa TV kung saan maraming kapakipakinabang kang matututunan.”
-“Eh ano nga bang sinasabi mo?”
“Si Uno po.”
-“Wala akong pakialam. Basta sundan mo siya.”
“Yung kasama niya kasi….”
-“Yung mukang bakulaw?”
“Oho..”
-“Natatakot ka don? Kaya nga kita binigyan ng sapat na gamit para sa mga pagkakataong kinakailangan mo.”
“Saging?”
-“Paborito nya yan.”
“Ako din. Hihihihihi!”
-“Ha?”
“Ahh. Wala ho. Ano pa nga ho ba ang balak nyo, kung sakaling matapos ko ang mission kong ito?”
-“Wala pa.”
“Wala pa kayong balak?”
-“Hindi, wala pa kong papasweldo sayo.”
“Patay tayo jan.”
-“LOL. Jokes lang.”
“Plural?”
-“STFU. Basta ayusin mo ang trabaho mo.”
“K.”
-“Kamusta naman ba siya?”
“Mabuti naman po. Simula pa naman noon, nakikita ko na sa kanya ang mga resulta.”
-“Sa tingin mo nagtagumpay ako noon?”
“Hindi ko pa ho masasabi. Pero kung titimbangin ko ayon sa mga obserbasyon ko, 60% naging matagumpay kayo.”
-“60% lang??”
“Sige 75%.”
-“Malalaman natin ang lahat sa tamang panahon.”
“At sa tamang —“
-“Teka, napapansin mo ba?”
“Na ano po?”
-“Shhhhhh….”
“Ano po ba—“
-“Sssshhhh….Pakinggan mo..”
“Ay? Oo nga ho? Hihihihihi.”
-“Galing no?”
“Ang kulit lang nung nagbabasa nitong dialogue natin kung paano niya baguhin ang mga boses sa isip niya sa tuwing natatapos ang ating mga linya. Hihihihi.”
-“Oo, nga. At tigilan mo na din ang pag tawa mo ng ganyan. Hindi bagay sa laki ng katawan mo.”
Itutuloy….
Facebook: https://www.facebook.com/pages/Wawell-Lim/133109050043854
IKATLO - Tagpo IV
January 14, 2012
Alas dos ng hapon, mataas ang sikat ng araw ngunit sapat ang dami at kapal ng ulap para saluhin ang buong init nito. Sinundo ni Boks ang dalawang kaibigan para tumambay sa nakagawiang lugar. Dito ay may mga malalaking tila tubong putol putol na gawa sa semento na pinagpatong patong kung saan sana gagawin ang isang establisimentong hindi na natapos. Bakanteng lote na pinaliligiran ng mga bahay na noo’y isang abandonadong lugar na lamang. Inangkas sa likod ng bisikleta ni Boks ang kaibigang si Uno at gamit naman ni Kuko ang sariling bisikleta na gawa sa iba’t ibang chop-chop na parte ng iba pang bisikleta. Ito’y binuo lamang ng kanyang ama. Pula ang manibela nito na magkaiba ang gomang bumabalot sa magkabilang hawakan. Berde naman ang kulay ng buong katawan ng bisekleta na may mga nakasulat na “spid lemit 3000”. Mayroon ding iba’t ibang kulay ng palamuti sa bawat hibla ng bakal na sumusuporta sa buong gulong. Mas malaki naman ng bahagya ang kapares nito sa likuran na nakuha naman sa lumang mountain bike ng kapit bahay.
Mabilis pa ang andar ng bisikleta pero bumaba agad si Kuko sabay mabilis na tumakbo, para mauna sa pinakamataas at pinaka preskong pwesto ng mga bilog na bato. Walang pakialam sa pagkakabunggo ng kanyang sinakyan sa ibang bato. Inakyat ni Kuko ang patong patong na bato, pumasok sa loob ng konkretong bilog at nahiga. Samantalang nanatiling nagbibisikleta si Boks sapagkat may kabigatan ang dalawa para sa sinasakyan.
“Ba’t siya nagmamadali? Andami namang kapantay nung pwestong ‘yon. Kasya nga tayo sa iisang bilog e. Kahit kailan talaga tong si Ku—-“ naputol ang sinasabi ni Uno ng mapansing pabilis ng pabilis ang takbo nila ni Boks.
“Anong gi—-???”
“HINTAYIN MO KOOO KUKOOOOO!” malakas na sigaw ni Boks. Pawis na pawis, labas ang lahat ng ugat sa leeg habang tinitipa ng buong lakas ang mga pedal.
Mabilis pa ang andar ng bisikleta pero bumaba agad si Boks sabay mabilis na tumakbo, para habulin sa pinakamataas at pinaka preskong pwesto ng mga bilog na bato si Kuko. Walang pakialam sa pagkakabunggo ng kanyang sinakyan kasama ang kaibigang si Uno sa ibang bato.
“Uy, may taong grasa oh!” asar ni Kuko sa kaibigang may grasa sa mukha galing sa mga pedal at putikan ang damit. Tinawanan naman agad ni Boks. Hindi naman pinatulan ni Uno ang dalawa.
Tipikal na araw ito para sa tatlong magbabarkada. Suot ang kanya kanyang Buddha beads na may kanya kanyang kulay. Ang bawat beads ay may kanya kanya ding chinese character o symbol na hindi naman nila naiintindihan. Sinimulan na ng isa ang ritwal. Lumabas ng bilog, bumaba at pumorma na si Boks. “Sa kapangyarihan ng hangin….” Itinaas ang kanang kamay kung saan nakasuot ang berdeng Buddha beads. “Ako….” sinuntok ang kamao sa kanang parte ng kinatatayuan. “si Boks!….” tumayo siyang tuwid. “tinatawagan ko kayo……” sa pagkakataong ito, naghahanda na ang isa pang kaibigan. “….ngayon din!!” Umupo siya at pinagdikit ang dalawang kamay habang nakataas ang dalawang daliri. Halos kasabay ng pagkakaupo ni Boks ang pag hawi ng mga kamay sa hangin ni Kuko. Dahang dahang inikot ang dalawang braso ng magkasunod, suot ang dilaw na Buddha beads. “Sa kapangyarihan ng kuryente….” yumuko si Kuko para maka bwelo. “Ako…..” marahang inangat ang ulo at tinakbo ang pinaka malapit na poste ng kuryente. Yinapos niya ito. “Argggghhhhhhhhhhhhhh!” mabilis siyang bumitaw at bumalik malapit sa pwesto ni Boks na kasalukuyan paring nakaupo at naka pose. “Si Neil…bran…don!” pinagpapawisan pa siya ng sabihin ng may pagka utal ang buong pangalan. Nahawi ng katahimikan ang mga sandaling ‘yon. Nakatitig sa kanya si Uno at Boks na pawang nawala sa konsentrasyon. “Kuko…..” mahinang binuga ang mga salita at napalunok ng laway. “ako si…..Kuko pala..” hindi nanaman maipinta ang mukha habang sinasabi ang mga ito. “Ako ang meralc—“ Babanat pa sana ng biro si Kuko pero naunahan siya ng masasamang titig ng kaibigan. “Ako ang pinagmumulan ng kuryente!!” Itinaas ang kanang paa at bumalanse. Itinaas ang dalawang kamay nitong tila letrang M kung siya’y titingnan. Naglalakad na noon si Uno papalapit sa dalawang kaibigan. Mabibigat ang bawat pag yabag ng paa. Bigla niyang inangat ang kaliwang kamay, suot ang brown na Buddha beads. Pula sana ang bibilin niya sa peryahang pinagkunan nilang tatlo ng nasabing beads, pero nasingitan siya. “Sa kapangyarihan ng….uhm…” huminga si Uno ng malalim. “….Lupa!” Apoy naman talaga sana ang itatalaga sa kanyang kapangyarihan kung hindi siya naagawan sa kulay na gusto niya. Nagpipigil ng tawa si Kuko. Patalon talon at naibababa na ang itinaas na paa. “Ako..” Ibinaba ang mga tuhod, at pinorma ang mga kamay na parang mag kakarate. “Ang peklat ng ina ko!” malakas na singit ni Kuko. Pero agad naman siyang tumigil sa pagkakatawa ng batuhin siya ni Boks ng tuyong sanga na nadampot nito, hindi kalayuan sa kinauupuan. “Lechong sunog.” Bulong ni Uno. “Si Uno!” Mabilis niyang dugtong. Tumayo pero nakatupi parin ng bahagya ang mga tuhod, bumwelo ang mga kamay. “Ang hari ng…” naubo ng bahagya matapos ang malakas na ihip ng hangin dahilan para bumuo ng makapal na alikabok. “Ang hari ng lupa!” sinuntok ang lupa. Nabitak ang pinaglagpakan ng kamao. Hindi ito napansin ni Uno pero nakita ni Boks na agad nitong kinagulat. “Uno…” Malaki ang mga mata at namutla ng kaunti si Boks. “Bakit nashimerr ni ahh bididip ting puk yan?!” Hindi naintindihan ni Uno ang tinatanong ng kaibigan dahil sa malakas at sunod sunod na ubo ni Kuko. “Ano ba yan.. *ubo* mas malakas ang kapangyarihan mo Uno pag putikan ang t-shirt mo! Lakas mo sa alikabok! *ubo* ” hinahawi ang maduming usok sa paligid. “Ano kamo Boks?” balik ni Uno. “Yung..”
*beeep! beeeeeep!* malakas at mahabang busina ng puting sasakyang tumigil kalapit nila. Sasakyang may malaking pusang kulay tanso sa harapan. “Boks nanay mo!” babala ni Kuko. Mabilis namang nagtakbuhan ang dalawa sa likod ng mga sementong bilog para magtago. Lumapit na si Boks sa nasabing sasakyan.
“I told you not to play with those……” mga salitang binitiwan ng ina ni Boks habang binabanat ang leeg para tingnan kung sino ang kasama ng anak. “Let’s go home.” isinakay ang anak, habang mabilis na itinataas ang bintana. Diring diri sa maruming paligid. “Teka, yung bike ko ‘ma.” Binalikan ng tingin ng ina ang bisikletang nakatiwangwang. “Sabe ke seyo anaek, ang gosto leng nila ay mga gamet mo. I’ll buy you a new one neleng. Madumi na yen.” Parang may diperensiyang sagot ng ina. Mabilis silang umalis pero nanatiling nakadungaw at nakadikit ang nguso ni Boks sa bintana ng sasakyan.
“Wala na sila. Kuko, lumabas ka na.”
“Halika dito!” Malakas na bulong ni Kuko sa kausap at hinigit ito pabalik sa likod ng mga bato. “Anjan pa sila!” dugtong nito.
“Wala na.” tumayo si Uno. Sumilip si Kuko, “Ayun oh!” tinuturo ang lalaking nakatayo at daliang inalis ang mga tingin ng mapansing nakatitig sa kanya ang dalawa. “Hindi na ‘yon kamag anak ni Boks, walang sasakyan eh. At bakit magpapaiwan yon?” Sagot ni Uno. “Tambay lang yan.” Natatawa si Uno pero seryoso padin ang kaibigan. “Sabagay lagi siyang anjan pag nandito tayo.” nagtatakang tono ni Kuko. “Pinapanuod niya tayo.”
Hindi mapakali si Kuko. Kanina pa ang himas sa sariling mga braso at tingin ng tingin sa paligid.
“Bakit? Okay ka lang?” Lumapit si Uno at Inilagay ang kanang kamay sa kaliwang balikat ng kaibigan.
“Astig.” Sabay himas at haplos na rin sa katawan ng kausap. “Black and white tayo. Hehehehe.”
Ang mga pangyayaring ito’y naganap labing dalawang taon na ang nakakalipas.
Itutuloy….
Facebook: https://www.facebook.com/pages/Wawell-Lim/133109050043854
IKATLO - Tagpo III
Matapos ang klase sa pang karaniwang araw, nagmamadali umalis si Monique para dumaan sa bahay ng kabarkada niyang nakatira isang kanto lang ang layo sa kanyang pinapasukan. Dito siya palaging napunta pag kakatapos ng kanyang eskwela at dito na rin minsan nag papalipas ng gabi kapag natitiyempong badtrip siya sa kanila. Dumeretso ang dalaga sa maliit na sala, naupo sa matigas na upuang gawa sa kawayan, isinalampak ang dalawang paa sa kalapit na mesa na pawang gawa din sa kawayan. May tao man o wala, malaya siyang nakakapasok at nakakapag pahinga dahil ang bahay na ito’y nabili ng mayaman nilang kabarkada na maagang nawala dahil sa isang trahedya. Hindi naglaon ay tinirhan na ito ng matalik na kaibigan ng yumao. Ulila na kasi ito at wala na ring matitirhan. Ilang linggo na rin ang lumipas buhat ng huling mapadpad si Monique sa nasabing bahay. Ikinagulat naman ng husto ng kaibigan niya ang muling pag dalaw na sa kasalukuyan ay nagpapakain ang alagang asong rabbit— sa tamagochi.
“Long time no see ah? O, mag yosi ka muna.” banat ang kamay na iniaabot ang isang kaha ng sigarilyo na may dalawang pirasong pa lamang ang nababawas.
“Ayoko.” Mahina at tipid na sagot ni Monique.
“Grabe no? Tatlong buwan na pero hindi pa din nabibigyan ng hustisya ang mga pangyayari.” Sinimulan ng kaibigan ang usapan kagaya ng palaging nangyayari simula ng mawala ang matalik nitong kaibigan habang sinisindihan ang ikatlong stick ng yosi ng ikalawang kaha niya para sa araw na ‘yon. Napansin nitong wala pading kibo ang kausap. “Ang bait pa naman ’non. Kaya nga malapit talaga kami sa isa’t isa kasi mabait din ako. Hahahaha! Pero sabagay, wala naman atang namamatay na masama. Lahat pag tinanong mo sasabihin mabait yun, walang bisyo yun, gwapo ‘nun, ewan! Hahahaha! Eh mas mukhang adik pa sakin yun eh. Hahahaha!” Patuloy nyang kwento na pilit na ring pinapatawa ang dalaga. Wala naman sa wisyo si Monique para makinig. Alam kasi nitong paulit ulit na rin naman ang mga sinasabi ng kausap at isisisi lang sa mga awtoridad ang mga pangyayari at mabagal na pag aksyon ng mga ito.”Kung may pera lang ako, ako na mismo maghahanap ng hustisya, hindi ko na iaasa pa sa mga parak. Puputi na ang uwak, wala pang nangyayari sa kaso. Hindi ko alam kung naghihintay lang ang mga buwayang ‘yon ng lagay o talagang wala silang magawa.” Derederecho parin siya sa pag kwekwento kahit na napapansin niyang kanina pa walang imik ang dalaga. Naka isip naman siya ng agarang pag bwelo para sa kausap. “Hindi naman lahat ng pulis syempre. Alam ko namang yung iba may dignidad pa din kahit papano.” Naalala nitong pulis din ang tatay ni Monique. “Wala naman problema sa mga pulis eh.” Kabig ng kaibigan. “Minsan pumapasok sila rito ng walang bahid ng dumi, pero dahil na rin sa ilang garapal, nahahawa na lang yung iba. Ang ugali nga daw ng tao, parang ketong. Humahawa. ‘Tell me your prengs, and i tell you who you are’ ba yun? Pati yung ‘birds with the same feather, flocks together’? Mga patunay na ang kinabibilangan mong pulutong, ay magdidikta kung sino ka. Kaibigan mo ang isa sa mga humuhubog ng pagkatao mo. Hoy, problema mo ba? Binagsak ka nanaman ng teacher mong kulugo?”
“Hindi.”
“Nag away nanaman kayo ng nanay mo?”
“Wala ng bago ‘don.”
“Ng kuya mo?”
“Tss.”
“Wala kang pera?”
“Oo, pero hindi ‘yon.”
“Meron ka no?” patuloy na usisa ng kaibigan.
“Huh?”
“Menstr….”
“WALA!! AT TIGILAN MO NGA KO SA MGA BIRO MO PONCE! WALA KANG ALAM!!” lalong uminit ang ulo ni Monique. Tumayo ang dalaga, hinawi ang buhok at padabog na dinampot ang mga gamit. Sumigaw ng napaka lakas hudyat ng sukdulang pag ka badtrip at mabilis na lumisan. Ipag papalipas ang panibagong pagka inis sa kung saan madatnan. Sanay na sa ganitong mood-swing si Ponce. Natawa at pinagpatuloy na lamang ang pag hipak sa yosi. Binubugahan ng makapal na usok ang mga walang kamalay-malay na langgam sa pader ng kanyang pinagsasandalan. “Magka lung kanserrr kayoo!” halakhak ang sumunod na bumalot sa maliit na tahanan.
Itutuloy….
Facebook: https://www.facebook.com/pages/Wawell-Lim/133109050043854
IKATLO - Tagpo II
January 8, 2012
“Alexxxxxiiiiisssssssssssss!!!” Sinundan ng malakas na tunog na nag mula sa matikas na pag tulak ng dila sa ngalangala. Tunog pitik ngunit sa bibig nanggaling. Takel ang tawag ng magbabarkada rito na nakagawian na nilang paraan ng pagtawag sa isa’t isa simula noong maliliit pa lamang sila.
Inilabas ni Uno ang ulo sa bintana habang nakasabit sa kaliwang balikat ang pulang kupas na twalya. Sumenyas na maghintay muna ang kaibigan saglit.
“Ano nanamang problema mo Kuko? At bakit ba tyagang tyaga ka sa pag tawag sa akin ng pangalan na yan, sinabi ko na nga sayong mas sanay na ko sa Uno. “ Paulit ulit na pangaral nito.
Alexis ang tunay na pangalan ni Uno. Naging “Uno” na lamang ang bansag sa kanya dahil sa numerong UNO na naka tattoo at marka sa kanyang kanang braso mula pa noong sanggol siya. Pinaniniwalaang napagtripan ng kanyang yumao at adik na ina. Si Kuko naman ang ka-edad niyang kababata na may pagkasira ulo—kagaya niya. Neil Brandon Onwuatuegwu ang buong pangalan nito. Neil-Cutter naman ang bansag sa nanay nitong mas brusko pa sa tatay niyang galing sa Nigeria. Iharap mo na ang lahat ng siga sa kanya, wag lang ang nanay niya dahil siguradong titiklop ito. Pino ang pagka kulot, may katabaan na maihahambing sa tatlong Uno ang sukat at mas maputi ang balat ng bahagya kaysa sa kulay ng kilay nito. Astig na astig si Kuko sa tattoo na nakamarka kay Uno. Alam kasi niyang kahit magpalagay siya nito ay hindi rin ito halos makikita. Matapang si Kuko, pero hirap siya mag isip ng wasto lalo na pag hindi siya nakakaligo –na bihirang bihira naman kung mangyari dahil narin sa kakulangan ng supply ng tubig sa barangay nila. Siya na lamang ata ang nagtyatyagang tumawag sa kaibigan ng tunay nitong pangalan dahil ayon sa kanya mas tunog-mayaman daw, pero ang tunay na dahilan sa likod nito ay upang tawagin din siya sa tunay niyang pangalan na hindi naman pinapatulan ng kaibigan na tuloy parin sa pag tawag sa kanya ng ‘Kuko’.
“Nagyayaya ng pustahan sina Tonying mamaya. Tara lumaro ka na!”
Umupo sa gutter si Uno kasabay ng pagkutkot ng daliri sa paa. “Ayoko. Ba’t ‘di mo yayain si Ponce? Hahaha!”
“Konyatan ko yung gagong yun eh.”
“Hanggang ngayon ba hindi ka padin nakakamove-on nang minsan niyang sundutin ng lapis ang pwet mo?” sundot na tanong ni Uno.
“Tangina bagong tasa yun eh. Tska ano ba, wala na sakin yon!”
“O, baka naman dahil yan noong minsan niyang nilagyan ng elmer’s glue ang toothpaste mo? Tagal na ‘yon ha! Supot ka pa nun!”
“Alam mo kung iisa isahin mo ang ka demonyohan sakin ng demonyong mas demonyo pa sa demonyo na ‘yon, mauubos mo ang attention span ng mga sumusubaybay. Isa pa, huwag mong idadahilan na supot pa ko ng mga panahong yun dahil last year lang ‘yon buy.”
“O eh bakit nga wagas ang pagkaka-init ng dugo mo sa kanya?” natigil sa pagkukutkot si Uno at tiningnan ang kaibigan.
“May malaki siyang atraso sakin. Samin. Teka, hindi yan ang ipinunta ko dito. Ano? Maglalaro ka ba o ano? Anohin kita jan eh!” Gusot na ang mukha ng kaibigan.
Nanatiling nakatawa si Uno. Tila may mga bagay na naglalaro sa mga isip.
“Pareparehas na tayong walang pera dito Alexis—“
“—Uno nga.”
“Kung di ka pa din gagawa ng paraan. Bahala ka. O baka naman natatakot ka jan sa stalker mong bakla? Hahahaha!”
“Kung bakla ‘yon, walang silang mapapala sakin.” Nabura ang mga ngisi sa mukha ni Uno.
“Palagay ko may iba pa siyang pakay. Ewan.”
Tumayo na ang binata, nagpagpag at pinahid ang duming nakalkal sa daliri ng paa sa kaibigan. Tinawag na siya ng kanyang ama para mag tanghalian. “Tangina mo Alexis. Yari ka sakin mamaya! Magsapatos ka para maganda laro mo, magsasapatos ako! See you later lover boy! ”
“Gago wala kang sapatos.”
Itutuloy….
Facebook: https://www.facebook.com/pages/Wawell-Lim/133109050043854
IKATLO - Tagpo I
January 7, 2012Malakas ang ulan pero hindi nito natinag ang balak na pagalis ng binata patungo sa hindi kalayuang simbahan. Sa pinakasulok at dulo ng upuan sa may bandang likuran ang paborito niyang pwesto sa bawat linggong pagbisita sa bahay ng Lumikha. Sa pagkakataong ito, medyo malakas ang paghalik ng bawat pagpatak ng ulan sa yero ng simbahan kaya may kahirapan sa pagintindi ng sermon ng pari ang binata. Kalagitnaan na ng misa ng maagaw ng mga batang kalalakihan ang atensyon ni Uno. Pagandahan, pamahalan at kanya kanyang pagbibida ng kani-kanilang mga suot ang nasabing kalalakihan. Abalang abala sa pagputak ang bawat isa sa pagkukwento kung saan galing at kung kanino ang pinakapamosong kasuotan para sa linggong ito, hindi alintana ang mga katabing taimtim na nakikinig sa misa at mga nagdarasal. Nahati ang atensyon ng binata ng marinig naman ang kabi-kabilang tunog ng mga cellphone mula sa iba’t ibang pwesto sa loob ng simbahan.
“Hindi ko alam kung nalilimutan ba ng mga tao na mag silent o gumagawa lang sila ng paraan para mapansin ang mga modelo ng telepono nila.” Bulong ni Uno.
Sa tabi naman niya ay magsing-irog na hindi mapakali sa pagkakaupo na tila nasa ibang mundo at walang pakialam sa ingay ng tawanan na dulot ng mga pasimpleng kilitian. Nais niya sana itong pagsabihan ngunit halong inis, awa at tawa na lang ang naramdaman niya ng marinig na sa tuwing may misa na lamang nagkikita ang dalawa dahil sa higpit ng mga magulang ng babae.
Bumabalik na ang linya ng kaisipan ni Uno sa misa ng bigla naman nitong marinig ang katapat na ale na nagdarasal. Sunod sunod ang hiling ng matanda. Walang paghingi ng pagpapatawad at pagpapasalamat sa pang araw araw na narinig ang binata. Parang batang tumutuktok sa harap ng tindahan para sa mga kending nais makuha, hindi alam na ang mga kending ito ang sisira at bubungi rin sa sariling mga ngipin.
“Manalangin tayo.”
“Panginoon, pagpalain mo ang iyong bayan.” Tugon ng mga tao . Pero ang kay Uno, may kasamang kaunting ngisi.
Isang batang lalaki naman ang hindi mapirme sa kalalakad at agad namang natigilan ng makita si Uno. Nagulat ang binata at agad na ibinibaba ang kalahati ng katawan para mas mailapit ang mukha sa bata. Naka itim na jacket, makinang na kwintas, maluwag na pantalon at itim na converse. Ahit ang magkabilang bahagi samantalang makapal at tayu-tayo naman ang gitnang parte ng buhok. Aakalain mong matanda kung umasta. May pagka dismaya pero na cute-an din naman si Uno kaya marahan nitong tinakpan ng dalawang kamay ang mukha at mabilis namang bubuksan para makipaglaro. “Bula—-“ sapat na ang pagkakabuka ng kanyang kamay para maaninagan ang bata na sa kasalukuyan ay naka taas ang kamao at naka angat ang gitnang daliri sa tapat mismo ng pagmumukha niya. Sa gulat ay mabilis nitong naiangat muli ang sarili kasabay ng pagdating ng isang babaeng naka itim, mahaba at kulay pink ang buhok na bumuhat sa nasabing bata. “At least, nagsisimba sila…” mabilis na nasambit ng binata kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso buhat sa pagkakagulat.
Malapit ng matapos ang misa nang mag anunsyo ang pari na magkakaroon ng pangalawang pangongolekta ng donasyon. Ito’y para sa pagpapaganda at pagpapaayos ng simbahan na dalawang taon na nilang naririnig. Agawan ang mga bata sa paghingi sa kani-kanilang mga magulang ng barya para maghulog sa basket na kinatutuwa nila ng husto. Ang ilan naman ay buong pwersang nakatikom ang palad, walang makakapagsabi kung magkano o kung meron ba talagang inihulog samantalang ang iba naman ay kabilaan ang tingin sa bawat taong makakasaksi kung gaano kalaki ang kanilang ihuhulog. Eksenang hindi na bago sa paningin ni Uno. Dumukot ang binata sa magkabilang bulsa, kinuha ang lahat ng baryang nakapa at inihulog.
Nakasanayan na ng binata ang palaging magsimba bagamat parati naman itong nagiisa. Sanay siya magisa. Mabibilang sa daliri ang mga taong nagtyatyagang samahan siya. Beinte-dos anyos, may katangkaran ngunit katamtaman lamang ang katawan. Itim na itim ang makapal at bagsak na buhok. Madali siyang makikilala dahil sa malaking peklat na halos sakupin ang kalahati ng kanyang kaliwang mukha. Peklat na naghihiwalay sa kanya at sa mundong kinalakihan. Peklat na nagturo sa kanya ng napaka daming bagay na kailanman ay hindi mauunawaan ng mga taong wala naman sa kanyang kalagayan. Ibinuka na ni Uno ang payong na karamihan sa mga kawad na humahaligi sa pangsaklob nito’y bali. Papalabas na siya ng simbahan nang mapansing hindi parin umaalis ang isang lalaking nakatayo, hindi kalayuan sa poste ng kuryente na kanina pa niya napapansing nagmamasid sa kanya. Hindi ito ang unang pagkakataong napuna niya ang lalaki.
Itutuloy….
Facebook: https://www.facebook.com/pages/Wawell-Lim/133109050043854
WAWELL LIM sa face book. :)
September 23, 2010http://www.facebook.com/pages/Wawell-Lim/133109050043854?v=wall&ref=ts
para sa mas madling transaction at updates.
maaring mag komento,tumatanggap ng suhestyon at kung anu pa! Godbless mga kapatid!
Kabanata XIV - pagkakamali
April 19, 2010
Malapit na ang eleskyon. At madalas itong natatapat sa kaarawan ko. Hindi ko alam kung pahiwatig ito ng mapayapang halalan o isang madugo at magulong eksena. Kung pag sasama samahin kaya natin ang mga ginastos ng mga kandidato, ilang eskwelahan na kaya ang napatayo? Ilang mahihirap na kaya ang TUNAY na matutulungan? At malamang, nabawasan na siguro ang utang ng pilipinas kahit papano. Kung talagang gusto nilang tumulong sa mahihirap, hindi na nila kailangan pang tumakbo at umupo sa pwesto. Kahit sino naman pwedeng tumulong. Perokinontra din ako ng sarili ko, naisip ko, kaya gusto nilang tumakbo at maluklok sa pwesto, ay para makapag patupad sila ng mga batas na makakatulong sa bawat isa, na hindi naman kayang gawin ng wala naman sa katungkulan. Pero bakit marami parin sa atin ang init na init ng ulo sa mga tumatakbo? Dahil ginagamit nila ang limpak limpak na pera para sa kanilang tv ads, banners, tarpaulin, at kung ano-ano pa. Kung ako lang, hindi ko aaksayahin ang pera ko para ipangalandakan ang muka ko sa kalye, telebisyon at kung saan saan pa. Hindi bat’ mas mainam kung makilala ka dahil sa pagtulong mo (gamit ang perang imbes na ipang gastos sa pangkampanya) kesa makilala ka sa dami ng iyong nagastos sa pagpapa imprenta ng mukha mo sa kung saan mang poste. Ika-sampu ng mayo sa taong ito, isang desisyon ng mga nakararami na maaring mag bago sa kinabukasan ng lahat ng pilipino.
•••
Boy: Sabihin mo 10x ang leather.
Girl: Leather leather leather leather leather leather leather leather leather leather!
Boy: Ano english ng pakpak?
Girl: Feather!!
Boy: Mali, WINGS!
Girl: huhuhuhuhu. :’(
•••
Kinabukasan.
Girl: Sabihin mo 10x,makapal.
Boy: Makapal makapal makapal makapal makapal makapal makapal makapal makapal makapal!
Girl: Ano apelyido ni Gloria?
Boy: Romero.
Girl: huhuhuhuhu. :’(
•••
Nung nag sisimula pa lamang akong magsulat, may nakapag sabi sa akin na dapat daw may tagline o slogan ako, pang akit daw. Dito rin daw nakasalalay kung magmumukang interesante na agad ang mga isusulat ko, dapat dito palang, nakakahumaling na. Mahirap magkamali sa pagiisip nito. Dito kukuha ng unang impresyon ang mga mambabasa. Mukang exciting kaya sabi ko, magiisip ako. Mahilig ako mag isip ng mga gantong bagay. Mga Acronyms kagaya ng mga slogan nung tumatakbo ako sa student council nung highschool, ako din nagiisip. Pero sa pag kakatong ito, hindi ko maisip ang nararapat na ikabit sa pangalan ko kaya kumunsulta ako sa isa sa mga anak ng siyensiya, ang internet. May nahanap akong parang generator ng mga slogan, at ito ang mga lumabas:
If wawell lim don`t have it, you don`t need it. - para namang kung ano lang meron ako yun din sayo.
Pure wawell lim . Pure Power. - pwede sana to kung isa ko sa mga power ranger, sasabihin ito bago ko mag trasform. “PURE WAWELL LIM! PURRRREEEE POWERRR! HIYAAAAA!!”
wawell lim save your nerves. - pang doctor.
wawell lim for a better tomorrow. - pang kandidato.
Any time is wawell lim time. – pang commercial ng relo.
wawell lim for a livelier life. - pang insurance.
Think. Feel. wawell lim. – trip ko to, parang nabubuo mga pangarap ko pag naririnig ko. THINK. FEEL. WAWELL LIM. O yeah.
There is no life without wawell lim. – ayoko, masyadong superior.
Made like, taste like wawell lim. – sarap! Tikman na!
wawell lim is your inspiration. – thank you! Muah!
wawell lim for pleasure and energy. – malaswa. Parang commercial ng Viagra.
The wawell lim effect. – ang tawag sa kakornihan ng mga bagay bagay sa mundo.
wawell lim check your life, but not your freedom. – coooooool.
It’s real, it’s wawell lim. – i labbbbb et!
Naisip ko tuloy kung dito rin nakuha ang mga kakandidato. Magaganda. Yung iba parang timang. Pero iba padin kung ako magiisip. Kaya eto, hanggang ngayon, wala parin. Mahirap na. Baka magkamali.
•••
30wH pF0uh! 1th0u pf0uH 4Y k4hvH4n4T4 nh4 P1Nh4M464Th4n6 ‘p46K4K4m4L1′ .
JEJEMON. Hindi naman ako galit sa kanila pero lalong hindi ako kabilang sa kanila. Nakakabahala lang ang mga sunod sunod na pag batikos sa kanila. trip nila yun eh. bakit ba. Parang gay linggo lang yan, kanya kanya, trip trip, pero hanggat wala naman itong ginagawa sayo, wala ka dapat iputak. Pagkakamali bang maituturing kung ganon talaga sila mag type o magtext? Sa totoo lang, matagal na sila nag naninirihan dito sa mundo, elementarya pa lamang ako, uso na to, pero ngayon lang sila pinangalanan ng kung sino man. Normal naman at matiwsay ang buhay nila noong wala pa silang pangalan, normal naman ang ikot ng mundo, at wala namang masamang nang yayari sa mga taong hindi ganito mag type o magtext. Pero bakit bigla silang sumikat at kinainisan ng nakakarami? Hindi naman puputok ng ganito ang trip nila kung hindi sila pinangalanan. Sino ngayon ang may problema? Sila na matagal ng nageexist samantalang wala naman silang ginagawang masama at nasasagasaang tao o yung gumawa ng pangalan nila para lang may mapag usapan at may mapag tawanan? Sinong nagkamali?
•••
Bilang tao, paulit ulit ako sa pagsasabing lahat tayo ay may problema. Pero dapat, nagdudugo pa lang gamutin mo na, wag mo ng hayaan pang lumalim ang sugat na maaring magdulot pa ng panibagong karamdaman. Kung alam nating mali, wag na nating ituloy pa dahil mauuwi lang ito sa mga susunod pang pagkakamali na maaring hindi na natin pa kayang itama.
Kabanata XIII - talino
April 13, 2010
Guro: Ito ang mga resulta ng inyong nakaraang eksaminasyon. Juan, nakakuha ka ng 99%……..
Juan: Oha! Oha! Ganyan talaga pag nag aaral! Palibasa ang tatamad niyo mag aral! Mga bobo! Sa susunod nga mag aral naman kayo, hindi na kayo nahiya sa mga magulang niyo! Nakakawalang gana talaga mag aral o….
Guro: ……..At ang lahat ay nakakuha ng 100% marka.
Isang lumang kwento na kalat na kalat sa internet at cellphone. Matalino si Juan. Nagkataon lang na mas matalino ang mga klasmeyt niya. Maraming klase ng talino. Kaya iritang irita ko sa mga malalakas ang loob na sinasabihan ang iba na “BOBO” samantalang hindi naman lahat ng alam niya ay alam ng isa, at hindi lahat ng alam nung isa ay alam niya (Kaya siguro iritang irita ako sa sarili ko.).
•••
Noong Highschool, may isang proyekto kaming ginagawa bawat taon. Ang nakakatakot at pahirap na ito ay tinatawag na Investigatory Project. Baby-Thesis. Research Paper. Parang pinaghalo-halong pagpapahirap. Kung may dapat ka mang isipin para sa isang taon, yun ay ang title ng magiging proyekto mo. Ito ay ginagawa ng mga mababait at mahuhusay naming guro upang maihanda raw kami sa kolehiyo. Sa unang taon mo sa hayskul hanggang sa pangatlong taon ay papayagan ka pang magkaroon ng kapareha para sa nasabing proyekto. Ngunit sa ika-apat na taon mo bilang hayskul ay minumungkahi na mag solo ka para sa iyong research. Nasa pangalawang taon na kami ng mapauso ang exciting na investigatory project na ito. Unang proyekto namin ng kapartner ko na si chibby (ang bida sa kabanata VII- mannerism), gumawa kami ng isang aqua filter..(mga batang nagbabasa:WOOOOOWW.) at hindi lang basta basta panlinis ng aquarium mga bata, ito ay ginawa lang gamit ang mga resiklong bagay kagaya ng 1.5 litrong plastic na bote ng softdrinks at iba pa! (mga bata:ah ok. Hindi common kuya. Bagong bago. wow.). Uso ang oil-spill isyung mga panahon iyon. Kaya ang nais naming iparating gumamit ng mga plastic ng bote para ipunin lahat ng langis sa dagat. Galing no. Sa murang edad naisip namin yun. At maniwala ka man o hindi, hindi talaga kami nag best research, medyo sumama talaga loob namin ni chibby. Pero bagamat hindi kami nag best reasearch sa kabila ng magnipikong ideya namin, nag best in product naman kami. Ganyan talaga ang buhay, hindi man dumating ang bagay na gusto mo, may papalit na mas nararapat para sayo. (Nasabi ko ba na kami lang ata ang grupo na may produkto?).
Pag dating ko ng ikatlong taon, nagdesisyon na akong magsolo,kahit na hindi naman ito sapilitan. Hindi ko alam ang tumakbo sa isip ko kung bakit ko ginawa yun pero marahil siguro mas gusto ko talagang gumawa ng isang bagay na ako angkumokontrol. Ayan ang pagkatao ko. Parang pagkatao mo na hindi ko basta basta mababago. (Dahil hindi mo ko kasintahan at hindi tayo magkakilala.) Sa panahong ito naman, maraming mga energy drink ang unti unting umuusbongat patuloy sila sa pag dami. Isang produkto ang naisip ko. Pagkain. Kung maraming inuming pampalakas ang naglalabasan, maglalabas naman ako ng pagkaing makakapagpalakas sayo, sa kanya at sa ating lahat. Bukod sa spinach ni popeye at broccoli ng wonderpets, naisip ko ang ENERGY BAR!(tenenenennnn!) Ito ay isang chocolate bar na nakakapagpalakas. Maraming bond paper din akong nasayang sa pagsasaliksik na ito pero wala akong natapos. Sa araw ng aking pagpreresenta, kelangan kong maipakita ang aking ENERGY BAR!(tenenenennn!) Hindi ako nakagawa pero may dala ako. Kung alam mo yung Milo chocolate bar, yun ang pinakita ko. Binalutan ko lang ng harina at kung ano-ano at tska in-oven. Voila! Meron na kong ENERGY BAR!(tenenenennnn!)
Ika-apat at huling taon ko na sa hayskul. Kada period o “GRADING” ay dapat maipasa mo at mapacheck-an ang bawat “chapter” o kabanata ng iyong pananaliksik. Madaming umuulit rito kapag hindi naaprubahan ang kahit isang kabanata lang ng iyong proyekto. Ito ang kinaharap kong problema. Ipasa ko man lahat ng subject ko at magkaron ng mataas na average, hindi parin ako makakagraduate ng wala ito. Dumaan ang una, pangalawa, PANGATLO hanggang huling period ng taon, wala parin akong gawa kahit pamagat. Masyado kaming marami para malaman na wala akong naipakita kahit isang kabanata sa buong taon. Hindi ko maalala kung naubusan na ba ako ng topic o inatake ako ng katamaran buong taon. Tapos na ang final exam at napasok na lamang kami para sa clearance makita ko ang pangalan ko sa bulletin board bilang unang unang mag prepresenta ng proyekto BUKAS. Umuwi ako ng maaga para magisip ng gagawin. Hindi na ako maaring gumawa ng isang proyekto na may produkto dahil wala ng oras para magawa ko ito. Wala kong pagpipilian kung hindi research paper na hindi hamak na mas mahirap dahil dito, papel lang ang ipapakita mo, dapat intro pa lang, wala ng sablay. Walang produkto na pag babatayan sa grade mo, kundi sa lahat ng sasabihin mo at lahat ng mababasa sa papel mo. Patuloy ang pagtakbo ng oras kasabay ng pabilis ng pabilis na pagpintig ng puso ko. Blah blah blah. Hindi ko alam kung anong nagyari pero pinuna ako ng nanay ko bago siya umakyat ng kwarto para matulo, gabi na raw at matulog na rin ako, agad ko namang kiniwento sa kanya ang kalagayan ko. “Ayanang sinasabi ko eh. Ayusin mo yan. Malilintikan ka sakin.”. Bakit nga kaya ang hilig nilang magsabi ng “ayan sinasabi ko eh.” gayong wala naman silang sinabi? (Natawa ka kasi nakarelate ka. At natawa ka ulit dahil alam ko.). Nagising na ulit ang aking ina at naabutan parin ako sa harap ng kompyuter na gumagawa. Natapos ako ng may pamagat na “7 kinds of intelligence”. Isang pag aaral kung saang pinagaralan ang iba’t ibang klase ng talino. Hindi ko maalala kung saan ko ito nakuha, at hindi ko na rin mahanap kung anu-ano ang pitong iyon at kung pito ba talaga. Pag dating ko sa aming paaralan, dumeretso ako sa aming prinsipal para humugot ng lakas ng loob. Bilang presidente ng aming paaralan ng mga panahong iyon, sa kanya rin ako madalas lumapit para humingi ng opinyon sa mga bagay-bagay at kilala ko siya bilang nagpapalakas ng aking loob. Agad kong inabot sa kanya ang makapal na papel na hawak ko. Pagkabasa niya ng pamagat, natawa siya. Hindi ko alam kung maiinis ako o matutuwa sa mga sasabihin niya. “Kaya mo ba to i discuss? E pang teacher to eh!”. Agad akong nagpasalamat sa pagpapalakas ng loob niya sakin. Hindi ko na idedetalye kung anong nangyari mismo nung ako’y nasa harap na. Pero isa sa mga hindi ko makakalimutan ay nung tanungin ako ng isang panel kung bakit ‘march ??’(hindi ko na maalala ang saktong araw) ang nakalagay na date sa harapan ng aking papel samantalang april 5 noong araw na iyon.”Ay?exam po kasi namin yan, pasahan ng final paper, hindi ko na po na edit.”. “Okay,please proceed.” Na ang totoo ay sinadya ko para hindi na masilip ang pagpapasa ko. Natapos na ang lahat ng estudyante. Isang bagay ang gumulat sa akin. Ako ang Best presentor at Best research, na iginawad din sa akin noong graduation day. Nadaan ko ba sila sa pag english ko na tila alam na alam ang lahat ng sasabhin? Nadala ko ba ang mga salitang kagabi ko lang din nalaman? Oo, bilang estudyante, madaya ako. Alam ko. Naging bobo ba ako dahil hindi ako agad nakaisip noong una pa lang? O naging matalino ako sa maling pamamaraan?
•••
Mahilig ako mangolekta ng mga libro. Mga librong tumatalakay sa mga bagay na hindi mo naman basta basta matututunan kagaya ng mga hayop, kung paano sila mamuhay, kung paano sila makipag usap sa kanilang mga kauri, mga bagay na nakakamangha. Lalo na yung mga may kakaibang topic kagaya ng alien, mga lamang lupa at pagka gunaw ng mundo. Basta mga interesanteng bagay, kinakagat ko. Pero ang naging problema ko sa kabila ng pagkahilig ko sa libro, Hindi naman ako masyadong mahilig mag basa. Medyo lang. Yung tipong kapag nasa wisyo lang ako at ganado ang mga mata kong takbuhin ang bawat pahina at handa ang utak ko na magisip kung paano ito lalabas sa kokote ko. Marami akong nakatambak na libro, pero marami rin dito ang hanggang ngayon hindi ko pa nababasa. Gustong gusto ko sila basahin. Pero humahanap ng paraan ang sarili ko para sabihing “ako ay busy” at walang panahon para sa mga ganitong bagay. Tamad. Yun lang talaga siguro ang gusto kong sabihin, pinahaba ko lang para may dating. Maliit pa lang ako (pre-school), malaki na ang pagmamahal ko sa mga libro. Binigyan ako noon ng mga magulang ko ng isang libro na tumatalakay sa mga kakaibang isda, mula sa goldfish hanggang sa mga fish na mukhang hindi fish. Hard bound ang libro, at parang papel ng magasin ang bawat pahina ngunit mas makapal ito, colored ang mga litrato ang talagang malinaw ang mga kuha. Pag kabigay sa akin nito, agad ko itong nagustuhan at bukod sa Bible, nagkaroon na ko ng bagong “peybuyit buk”. Kinausap ko agad ang sarili ko at kinumbinsing dalin ito sa aming paaralan para maipagyabang, este maipakita sa mga klasmeyt ko. Pero tinutulan ako ng sarili ko. “AYOKO. Maiinggit sila at baka kuhain nila ito sa akin.”. Madamot ako sa libro. Lalo na noon. “Eh di lagyan mo ng pangalan.” sabi ko sa sarili ko. “Tama! Talino mo talaga! Pero…. baka punitin nila ang mga pahina na may magagandang larawan ng isda at angkinin!” sigaw ko sa sarili ko. “Uhm… eh di lagyan mo ng pangalan bawat pahina.” Walang salita na kong narinig pa sa sarili ko at agad ko itong ginawa. Ilang araw din ang nagdaan bago ko naisulat ang panagaaaaaaalan ko sa bawat pahina ng libro. Kinabukasan, dinala ko agad ito sa aming paaralan at naiuwi ko naman ito ng buo at walang nakapag tangkang angkinin ito. Pag uwi ko ay pinakita ko ito sa aking magulang. Gulat na gulat sila, ngiting ngiti naman ako sa pagaakalang nagustuhan nila. Agad naman nila akong pinagalitan dahil sa aking kadamutan.
•••
Ako ang estudyanteng hindi nabili ng ballpen. Mahalaga daw ang ballpen. Ito ang ginagamit ng bawat estudyante sa pagsusulat, pag hindi nakasulat, walang marka, pag walang marka, babagsak. pag bumagsak, masisira ang pag aaral, pag nasira ang pagaaral, walang trabaho, pag walang trabaho, walang pera, pag walang pera, walang pambili ng mga gamit, inumin at pagkain, pag hindi nakabili ng pagkain, mamamatay. Ganyan kahalaga ang ballpen. Pero hindi parin ako natinag. Hindi talaga ako bumili ng ballpen simula unang taon ng aking hayskul hanggang sa makagraduate ako. Isang mahabang pagsubok at pananaliksik para sa aking sarili kung ako ba ay makakatagal. Salamat sa mga regalo, heram, arbor at pulot kong ballpen, naka graduate ako. At sa tingin ko’y hindi naman nasira ang pagaaral ko. Ang abilidad kaya ng isang tao na gumawa ng paraan para sa mga bagay na kinakailangan nito ay matatawag mo ring klase ng talino? Sa tingin ko ay Oo. Gumagamit rin naman ang mga maabilidad na tao ng isip kung papaano nila malalagpasan ang bawat pagkukulang na kinakailangang punan.
•••
Kung talino at kaalaman lang naman ang paguusapan, bukod kay Ernie baron at kuya Kim, si Albert Einstein na ang papasok sa ating isipan. Hindi ko na ikwekwento kung saan siya pinanganak at kung papaano siya namatay pero naging malaki ang ambag niya sa siyensiya. Napakarami ng kanyang imbensyon at tuklas. Ngunit hindi lahat ng ito ay nagamit sa tama. kagaya ng pinaka sikat niyang formula na E=mc2 na ginamit sa pag gawa ng atomic bomb. Isang bomba na ginagamit sa pang malawakang gera sa iba’t ibang parte ng mundo na ginamit noon at patuloy na ginagamit hanggang ngayon. Hindi naman siya ang dapat sisihin dito dahil hindi naman niya alam na sa masama gagamitin ng ibang tao. Sadyang may mga tao lamang na sakim na pang sarili lamang ang iniisip.
Imbensyon. Marami ng imbensyon ngayon. Kagaya ng mga sasakyang hindi gumagamit ng gasolina. May mga sasakyang dekuryente at detubig na lamang. Ngunit pumatok ba ito? Hindi. Dahil hindi ito sinu-suportahan. Alam kasi ng mga mataas na tao na hindi sila kikita dito. Kapag dumami ang mga bagay at produktong ito, mapapasawalang halaga ang pag gamit ng mga gasolina o krudo. Wala silang kita. Kaya anong saysay ng pag suporta sa mga ganitong imbensyon kung hindi naman sila ang makikinabang. Kung TOTOONG magkakaisa lang sana ang bawat nilalang rito sa mundo, mas magiging maayos at masagana ang pamumuhay ng tao. Sadyang may mga tao lamang na sakim na pang sarili lamang ang iniisip. (Oo, inulit ko lang.)
•••
Matapos kong isulat ang mga ito, tska ako kinulbit ng sarili ko at binulungan, “Search mo kaya sa google?” na agad ko namang sinang ayunan. Napag alamanan ko namay siyam na klase ng talino at hindi pito (pero pito talaga yun eh, baka kababago lang.). At kung anu-ano man ang siyam na yon, ikaw na mag search. Ang bawat talino ay mapapaghatihati mo sa kung paanong paraan mo ito titingnan. Maaring matalino ka sa mga numero ngunit wala ka namang sapa na kaalaman pag dating sa musika. Talento. Isa rin ito sa mga talino na maari mong ipag malaki. Bawat kaalaman mo sa buhay ay maari ring matawag na talino. Naalala ko noong maliit pa ko sa tuwing inaasar ako ng mga kalaro ko habang bumubuo kami ng mga hugis sa clay.
Kalaro 1: Uy hindi ganyan ang statue of liberty!
Kalaro 2: Oo nga,bobo mo talaga!
Ako: Wala po kayang taong bobo! BOBO! (sabay walkout)
Maaaring bobo (uh?mahina pala.) tayo sa ibang bagay, pero siguradong matalino naman tayo sa MAS maraming pagkakataon. Kadalasan malaking tulong ang pagiging matalino ng isang tao. Ngunit sa maraming pagkakatao, nagagamit ito sa kasamaan. Wala naman akong gustong sabihin o patamaan sa mga salitang ito (politika. politika. politika. politika. politika. politika.) Ang sakin lang, hindi ba’t mas masarap sa pakiramdam na makilala ka sa katalinuhan mo ng dahil sa mabuti at hindi sa katalinuhan ng panloloko?
Kabanata XII - saya
October 31, 2009
Noong una ay di makapaniwala
Na siya ay biglang mawawala.
Ngunit isang iglap
Ikaw na ang pangarap
Mahagkan ka lang at mayakap
Ako’y nasa langit na
At hindi ka lang Makita
Ay tila mamamatay na
Refrain:
Kung hindi narin lang ikaw
Huwag na lang
Dahil ang mabuhay ng wala ka
Ay kulang
Chorus:
Pangarap na pang magpakailanman
Ay makasama ka sinta
At tanging ikaw lamang
Ang nararapat at hinahanap-hanap
Hindi ko nanaisin pang
Ibalik ang nakaraan
Kung ika’y din ay wala
Hindi na rin nanaisin pang
Mabuhay pang muli
Kung ‘di na makilala
(Repeat refrain)
(Repeat chorus)
(Instrumental-malupit na lead)
Huwag mag alinlangan
Sapagkat ang aking pangako
Ay mananatiling totoo
Hanggang ako’y maglaho
Maglaho0oo0o0o0oooo…
Wooohhhhh……
Wooohooo0o00o00ooooooooo…….
(Repeat chorus)
Get?Get? Aawww!!
Get?Get? Aawww!!
(Then fade)
(….forever)
Huwag mag alinla…
(FADE sabi e.)
…….
Nagsimula akong maging baduy simula ng pinagawa kami ng teacher namin sa M.A.P.E.H. (music,arts,physical education at health) noong higschool ng isang kanta. Dahil sa antok na antok ako ng mga panahong yun, tinapos ko agad ang nasabing gawaing pang upuan. Hindi naman ako masyadong nahirapan sa pagbuo ng mga salita, dito ipinakita ko rin ang pagmamahal ko sa musika. At pinakita rin dito… na ayaw sakin ng musika. Isang sorpresa pa ang bumulaga sa akin bago matapos ang araw na iyon. Bumalik ang guro namin at nagdala ng isang hindi masyadong kagandahang balita. Aawitin namin ang aming kantang nilikha, BUKAS. Nawala ang antok ko. Mabilis na dumaloy muli ang kanina lang ay natutulog kong dugo. Hirap na hirap ako sa pag gawa ng tono, kaya gumamit na ko ng call a classmate. Magaling siya, hindi siya nahirapan sa pag gawa ng tono. Pero nahirapan daw siya sa mga salita ko. Wala sa ayos, hindi pinagisipan at wala raw kwenta ayon sa kanya habang nakabungisngis na ngiti sa akin. Bago ko pa isaksak ang bolpen ko sa leeg niya, hindi ko maiwasang magtanong. “Ang hirap naman kasi, Ba’t ikaw?Hindi nahihirapan?”. Sumagot siya habang nakanguso, tila binaliktanaw ang unang araw ng aming klase at inisip kong nasa tamang edad na nga ba talaga ako. “Simple lang. gusto ko kasi to, masaya ko rito. Masaya ko sa pag kanta, masaya ko sa pag gawa ng mga letra at tono. Masaya kami.”. Tama naman. Agad ko itong sinang ayunan. Kung gusto mo ang isang bagay, at masaya ka rito, hindi ka mahihirapan. Madali mong mapapakisamahan ang isang bagay kung uunahin natin silang mahalin at di pag tagal, sasaya na habang ginagawa ang mga bagay na ito. Kinabukasan. Oras ng pag awit. Sabi ko sa guro namin, bunutan, para parehas sa iba, walang dugaan para sa mga eksayted na bata (na siguradong hindi ako). Nagpahuli na ko sa pag bunot, anak ng kulangot, tumataginting na “1” ang nabunot ko. Wala na kong nagawa. Mahirap talaga takasan ang tadhana, lalo na ang kahihiyan. Natapos ko naman ang pagkanta ko, 88% ang grade ko. 87.5% para sa paggigitara ko, .5% naman para sa pagkanta ko.
•••
-“kuya, pakilala ka..”
“ako po si..”
-“tapos po define happiness..”
“huh?”
-“define happiness po..”
“uhm..kelangan po ba talaga yun?”
-“opo,lahat po sila sumagot din nun.”
“kuya.”
-“po?”
“pedeng assignment na lang?”
-“ah?sige po kahit wag nyo na lang po sagutin.”
Isa sa mga itinanong sa akin pag dating ko sa isang pagpupulong ng isang organisasyong kinabibilangan ko sa komunidad at sa loob man ng aming paaralan. Ano nga ba ang kasiyahan? Nakakahiya man, pero hindi ko agad nasagot. O, hindi ko talaga nasagot. Kaibigan, pamilya, karangalan, edukasyon, Panginoon. Ilan lamang sa mga posibleng sagot. Patunay na bawat indibidwal ay may kanya kanyang dahilan para maging masaya. Tinatamad ako magsulat. Tamad ako. Pero masaya ako pag nagkwekwento. At mas masaya ako pag maraming nakakarinig nito. Ayoko namang magsalita ng magsalita. Kaya napipilitan akong magsulat. Masaya na rin ako sa pagsusulat. Magulo, pero konektado. Maaring may mga bagay ka ngayon na hindi mo gustong gawin, pero para mas maging masaya ka o maging masaya ang iba, wala kang ibang pagpipilian kundi gawin ang hindi mo naman gusto. Hanggang sa hindi magtatagal, magiging masaya ka na rin. Ika nga ng karamihan sa atin, kung may bida, may kontra bida, kung may angel, may demon, kung may busog, may gutom, kung may pogi, may panget, kung may darna, may valentina, kung may bacteria sa tiyan, may yakult at kung may ikaw, nandito naman ako, na handang harapin ang lahat ng (prrrrttt!! taympersss…taymperssss…ibang usapan na yan. Kalma. Kalma. Lumalabas nanaman ang pag ka-‘J’ mo.behave.) okay. Ang ibig kong sabihin e, kung may saya, may problema. Isang bagay na walang sinuman ang makakaiwas. Pero nasa mga kamay naman natin ang resulta at magiging resulta ng bawat problemang ito. May karapatan tayong pumili kung ano ang tama na reresulta sa tama at pagkasaya natin o ng ibang tao. Pero mas pinipili parin natin ang mas kumplikadong paraan, nagreresulta ng mas matinding problema. Madalas na nating kalimutang isipin muna, at isiping muli, at isipin nanaman, ang mga bagay o kilos gagawin pa lamang natin. Sa bawat problema na nalalampasan ko, iisa lang ang natututunan at paulit ulit kong natututunan at natututunan ko talaga na bago ka gumawa ng isang desisyon o hakbang sa buhay mo, dapat mo muna itong isipin, 1,000,000,000,000,000 na beses bago ka sumigaw ng, SURE NA! Bago ka pa ma-game over sa buhay na punong puno ng tukso.
•••
Tambayan. Musmos pa lamang ako e may tambayan na kami noon ng mga kaibigan ko. Isang bakanteng lote sa hindi kalayuang street sa amin ang tinambakan ng malalaking bilog na bato. Mga bato na gingamit sa pag gawa ng mataas na gusali o bahay. Marami ito na patong patong. At sa loob ng mga bilog na ito kami namamalagi. Madalas tanghali. Malamig at presko kasi. Tinawag namin ang lugar na “araw-araw-gabi-gabi”. Hindi ko na maalala kung kaninong kokote sa aming magkakaibigan nabungkal ang napaka exciting at cool na pangalang ito. Marahil siguro ilang araw at gabi naming pinagisipan kung anong itatawag ngunit wala talaga kaming maisip. Masayang tumambay. Lalo na pag kasama mo ang mga kaibigan mo at sabay sabay kayong nangangarap sa buhay. Sabay sabay niyong pinapangarap na balang araw magiging miyembro kayo ng power rangers at kanya kanyang agawan sa kulay kung sino si blue, red o pink. Naalala ko noon sa tuwing nag kikita kami, kailangan namin tawagin ang aming sariling kapangyarihan. (may mga naka-assign ng super powers ang bawat isa sa amin.). Yung isa sa kaibigan ko at naturingang pinaka matanda sa amin, tintaglay niya ang kapangyarihan ng tubig. Dahil mahilig siyang utusan ng kanyang ina na mag-igib. Isa pang dahilan ay sipunin siya. Yung sumunod kong kaibigan ay tinataglay naman ang kapangyarihang hangin. Hahanginin ka pabalik ng bahay nyo sa tuwing pupuntahan mo siya sa kanila dahil sasalubungin ka sa mga extra ordinary niyang mga kwento na tipong kahit panaginip mo, hindi mo man lang maiisip na isipin. Ako? Tinataglay ko ang kapangyarihan ng KURYENTE!(*soundeffect:kidlat,kulog). Ako ang nagpauso sa aming lugar tuwing pasko na sirain ang isang bumbilya ng christmas light, mag hawak hawak at sundutin ng alambre ang dulong wire nito. May mga kanya kanyang budha-beads din kami na may chinese character sa bawat beads, bagamat hindi naman namin ito naiintindihan, pinaniniwalaan naming ito ang nagbibigay sa amin ng lakas. (May mga kulay din ang aming bracelet, Blue-tubig, Green-hangin, at pinaka maporma, Yellow-kuryente.)
Sina tubig at hangin din ang lagi kong kasama sa karerahan ng bike. Tuwing hapon, hindi maaaring hindi kami mangangarera. Sa mga oras na ito naman sumasanib sa amin ang kapangyarihan ng BTX. (isang cartoon na palabas noon na may mga bakal na kabayo, pagong, at kung ano-anong hayop na lumilipad.) Ngunit isang karera namin ang hinding hindi ko malilimutan. Nakasanayan na naming ikutin ang buong dalawang street (na magmimistulang oval) ng tatlong beses bilang LAP. Dahil pawang magagaling na kaming magmaneho ng bike noon sa murang edad na tumatakbo ng 10kph, madalas naming pinaparampa ang unahan ng bisikleta namin sa tuwing may humps. Ngunit sa huling lap ng aming nasabing laban, isang aksidente ang naganap sa kaibigan kong nagtataglay ng kapangyarihan ng tubig. Pag rampa niya, hindi inaasahang natanggal at malaglag ang nasa unahang gulong ng kanyang bisikleta dahilan para sumubsob siya at humalik sa semento. Resulta? Libreng bunot ng limang ngipin sa taas, at anim na ngipin sa ibaba. Dahil dito, pang habang buhay na natigil ang karera namin tuwing hapon. Badtrip. Ansaya pa naman. Epal kasi yung ngipin, hindi kumapit.
•••
Maliit. Cute. Pula. Minsan orange. (O kaya brown.) Masarap daw. Kaya hindi ko nanaman muli napigilan ang pag ka mausisa kong bata. Nasa anim na pitong gulang ako noon ng una kong matikman ang santan. Sabi nila hindi ka dumaan sa pagkabata kung hindi mo ito natikman. Bukod sa alatiris at bulok na abokado,marami na kong natikman noong bata at madami rin akong hindi malilimutang masasayang sandali ng mga panahong usong uso pa ang cheese curls. Hindi ko na matandaan kung sino ang may toyong nagturo sakin na manguha ng sandamakmak na santan at alisin ang malahiblang nasa gitna nito at sipsipin habang ako’y napapapikit at napapa “hmmmm…saraaaaaapppp…” kahit na wala naman talaga itong lasa. Sa katunayan, naging hobby ko ito ngayon. Hindi ko alam kung bakit pero masaya ko sa pag sipsip nito noon sa kabila ng katotohanang niloloko ko lang sarili ko. Patunay na kung paniniwalain mo lang ang sarili mo na masaya ka sa isang bagay na kinatutuwa mong gawin, hanggat wala kang naaapektuhang ibang tao o hindi ka nakakasakit, magiging masaya ka.
•••
Kung usapang bata lang naman, e napaka dami ko talagng maibabahagi at maikwekwento. May kasambahay kami noon, na taga alaga ko rin sa tuwing napasok sa trabaho ang mga magulang ko. Siyempre, may kaibigan siya at nagkataon na may alaga rin ang kaibigan niya. Dahil sa palagi siyang nakikipag tsikahan sa kaibigan niya, madalas at pinagsasawaan ko na din ang pagmumuka ng alaga ng kaibigan ng nagaalaga sakin (hinga.). Akala ko mas madali ko siyang makikibagayan at makakasundo sa paglalaro dahil parehas kaming lalaki. Hindi pala. Noong una naging maganda at masaya pa ang paglalaro namin. Subalit hindi naglaon, tila tinatamad na siya sa mga larong inaalok ko sa kanya kagaya ng baril-barilan (na tinatawag kong sundalo-sundaluhan noon.), ultra-ultramanan (isang laro kung saan ako si ultraman, siya ang kalabang higanteng gulong, bubble gum o yema.) at pakikipagusap sa paborito kong batman action figure. Isang araw, nabasag ang kanyang katahimikan habang nakikipagusap ako kay batman. Tila may gustong kumawala sa kanyang pagkatao noong mga oras na yon. “Laro naman tayo ng parlor-parloran.” Panandalian akong kinain ng narinig ko. Isang laro na kahit minsan hindi ko naisip laruin, at hindi ko nanaising laruin. “uhhhh..a-a-anooongg gagawin ko?”..Pautal kong sagot. “Wag ka magalala, wala kang gagawin, uupo ka lang.” Daglian akong yumuko at sumimangot, ayoko kasi ng laro na wala akong gagawin at hindi ako ang bida. “O sige,ako na lang muna ang uupo. Alam mo na ba ang gagawin mo?”. Dahil wala akong alam sa napaka chalenging na larong ito, umiling ako. “Pagagandahin mo lang ako, maglagay ka ng pampaganda sa buhok ko.” At dahil wala naman akong interes sa ganitong bagay, sinuklayan ko ang medyo makapal at mahaba niyang buhok. “Pikit ka muna para surprise!” sambit ko habang nagkukunwaring nageenjoy pakisamahan lang ang kaibigan. Kumuha ako ng kung ano-ano sa may drawer ng nanay at tatay ko.
Pinahid at inispray at kung ano-anong bagay na nakuha ko.Mahigit sampung iba’t ibang kemikal ata ang nailagay ko sa bumbunan ng kalaro ko. Kahit papano naenjoy ko naman. Siya mukang hindi. Dahil kinabukasan, halos makalbo siya sa paglagas ng buhok niya. Simula noon hindi na ako nakalabas ng bahay at katapusan narin ng pagkakaibigan ng taga alaga ko sa taga alaga niya.
•••
Masaya ako sa tuwing nabibili ko ang isang bagay na matagal ko pinangarap na mabili. Kapag may gusto ko,pagiipunan ko ito hanggang sa mabili ko. Masarap sa pakiramdam na natatapos mo o nakakamtan mo ang isang bagay na matagal mong pinangarap. Ngunit madalas, mas mainam na huwag madaliin ang mga pangarap na ito. Kagaya ng madalas na nagyayari sa akin. Sa tuwing nakakaipon na ako, bibilin ko agad ang ninais ko. Kinabukasan, malalaman ko, 50% off. Sale. Sarap. May tamang panahon at tamang oras para matupad ang mga pangarap natin. Minsan nakakalimutan nating ipaubaya sa Kanya ang mangyayari at pinangungunahan siya. Marahil hindi mo matatamo o makakakamit ang kasiyahan na hinahangad mo ngayon ngunit paniguradong may mas magandang nakahanda at nakaplano para sayo. May mga basehan ang bawat indibidwal kung paano ito sasaya. May mga antas o batayan ito. Ngunit kung aalamin lang sana muna natin kung papaano pahalagahan ang mga bagay sa paligid natin, material man ito, maliit, o malaki, makikita natin na kahit sa anong bagay, o sa kahit anong paraan, magagawa nating maging masaya. Hindi ka naman talaga dapat nalulungkot, hindi mo lang ginagamit ang tamang pagkakataon para pumili at piliin ang mga bagay na magpapasaya sayo.
•••
-”kuya,balik sayo, define happiness po..”
“HUAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA..”
-”GUARD?!GUAAAAAARDDDDD!!!!eeeeeeeekkkkkkkkK!!!!”
Kabanata XI - isip
July 13, 2009
Madalas kong balik balikan ang mga litrato ko noong bata pa ako. Tuwang tuwa kasi ako pag nakikita ko ang pagkakaiba ng cute na cute kong itsura noon at sa mukang kuyukot kong itsura ngayon. Naisip ko lang tuloy kung gaano kahalaga ang mga litrato noon. Noon na wala pang mga kompyuter o cellphone na maaring makakuha at makapag tago ng mga nasabing litrato. Isang ebidensya na masaya ka sa habang kinukunan ka ng litrato. Kaya nga nakangiti tayo sa tuwing may magbibilang ng isa hanggang tatlo. Kadalasan pa nga e mas bungisngis pa ang kukuha ng larawan sa atin kesa sa atin mismo. Ngiti na nakakapagtago ng tunay mong nararamdaman. Maskara para mailayo mo ang sarili mong pagkatao sa sarili mong pagkakamali at pagkabigo. Palagi akong ngumingiti, hindi ko na iniisip kung may tinga ako o wala. Ang mahalaga, mangitian ko ang lahat ng tao na madadaanan ko. Parang tatakbo bilang pagkapresidente o baranggay tanod. – na agad namang hindi sinangayunan ng halos lahat ng kakilala ko. Suplado daw ako. O kaya masungit. Daig pa ang dalagang dinadatnan o aleng minomenopause. Sa totoo lang, hindi ko alam kung papaano ako naging suplado o masungit. Sabi nila, hindi raw ako namamansin. Pero papaano ko sila papansinin kung hindi ko naman sila nakita (Sila nakakita sa akin, pero hindi nila ako tinawag o pinansin. E sino ngayon sa amin ang suplado o masungit? Labo ‘no?) Pero siguro dahil mahiyain ako, may mga panahon talaga na pag nakikita ko ang isang kakilala ko sa malayo,nayuko na ko. Kunyari di ko nakita. Nahihiya kasi ako. Ewan ko. Kaya siguro nagmumuka akong natagusan. Badtrip.
Nakakalungkot mang isipin pero minsan, yung pagiging suplado ko o ng ibang tao ay nauuwi sa maling tingin ng ibang tao. Maraming may ayaw sa akin. Marami ring naiinis o nayayabangan. Hindi ko alam. Pero nakakapagtaka na hindi ko naman sila kilala. Sa mukha siguro, Oo. Pero hindi yung nakakausap ko talaga ng madalas. Kahit papano e nasanay narin naman ako sa mga ganitong tao. Siguro may mga bagay lang talaga (ako) tayong nagagawa na iba ang nagiging pagtanggap nila o iba ang dating sa kanila, kaya nag bibigay dahilan para maisip nila na BAKA o MARAHIL ay ‘ganito’ tayong klaseng tao. Mga unang impresyon sa atin na hindi mo maalis sa ibang tao hanggat hindi ka nagpapakilala sa kanila ng lubos. Pero kagaya ng sinabi ko, hindi ko sila kilala. At hindi nila TALAGA ako kilala, kaya malamang, iba ang tingin nila sa akin.
•••
Sikat. Naisip ko noong nakasakay ako sa bus habang binabaybay ang kamaynilaan. Paano nga ba sumisikat ang isang tao. Kinakailangan nga ba ng mga nagsisilakihang billboard, TV commercials, Soap opera, pelikula at scandal para lang sumikat? Bakit nga ba napaka halaga sa napakaraming tao ang maging sikat? Ano ba ang sikat? Paano mo masasabi na sikat ang isang tao? Bakit si Jose Rizal sikat hindi lang dito sa pilipinas kundi pati narin sa ibang bansa kahit na hindi uso wala pang mga billboard, TV commercials, Soap opera, pelikula at scandal noon? Wala siyang ibang ginamit kung hindi papel, pluma at higit sa lahat - isip. Hindi niya rin hinangad ang kasikatan. Pero sumikat siya dahil hangarin niyang imulat ang karamihan sa katotohanan. Pagiging totoo at pagmamalasakit sa kapwa. Yan ang katotohanan sa likod ng kasikatan. Pero sa panahon ngayon, hindi ko alam kung bawat paghahangad sa kasikatan ay may magandang hangarin. Nagiging susi na rin kasi ito sa mga maiitim na balak galing sa maiitim na batok ng mga masasamang loob. Parang kapangyarihan kasi ang kasikatan. Kung taglay mo ito, nasa kamay mo narin ang kasagutan kung gagamitin mo ito sa tama o mali. Maaari kang makatulong sa kapwa mo kahit na hindi ka marunong lumipad o wala kang kili kili powers. Maraming paraan sa pagtulong. Maraming dahilan sa pagtanggi sa responsibilidad na kaya mo naming gawin. Sa katunayan, hindi kailangan ng kasikatan sa pag tulong, tamang pagiisip at pagmamalasakit ang talagang may malaking puntos.
•••
“ whaaaaatttttt da pok!! ”
“ hindi na toooo makataooooooo….. ”
“ ****!!!! ”
” ‘di ko na carry!!! “
“ ang HIRAAAAAAAPPPPPP!!!!! “
Mahirap. Sa totoo lang hindi ako naniniwala sa salitang nabanggit. Naniniwala ako na nasa isip lang ito. Natatawa nga ako sa tuwing may magpapatulong sa akin magbuhat, humila o humatak. “well,patulong naman o.”. Markang marka ang pagka asim sa muka dahil sa bigat ng itutulak. “oo nga, ng mapadali kaming dalawa dito.”. Dugtong ng isa ko pang kaibigan. “Kaya nyo na yan, dalawa na nga kayo e.”. Tamad na tamad na sagot ko bilang butihing kaibigan. Sinubukan ng dalawa na itulak muli ang mabigat na bagay pero walang nangyari. “Hindi nga kaya, kaya nga nagpapatulong e.”. Buwelta ng dalawa sakin na parang tatalupan ako ng buhay kapag hindi pa ako tumayo para tumulong. Dahan dahan akong lumapit para kumapit sa nasabing bagay na balak nilang ilipat ng pwesto. “Isa… dalawa… tatlo!”. Sambit ko para sabay sabay naming bigyan ng pwersa ang bagay. Asim na asim ang mukha naming tatlo habang nagtutulak. Sa wakas, naurong namin at naiusod ang bagay na dapat itulak. Sa kabila nito, pilit kong itinitago ang tawa ko na pilit rin namang inilalabas ng isang sikreto na ginawa ko – hindi talaga ako nagtulak. Walang paghihirap na naramdaman ang katawan ko. Pinaniwala ko lang sila na tumutulong ako. Kaya naitulak nila. Pinaniwalaan nila na kaya na nilang itulak ang nasabing bagay dahil tatlo na kaming magtutulak. Naloko sila ng isip nila. Isip na kanina lang ay pinaniwala sila na mahirap ang gagawin. Pero isip din nila ang dumaya sa kanila. Kaperahas na dahilan at pakiramdam na nararamdaman ko kapag nagtratraining kami. Pinatatakbo kami palagi. Na mabilis kong ikinakapagod. Pero isang beses, may isa kong bagay na pinroblema. Hindi ko alam kung bakit at paano pero napaisip ako bigla, nagkakadiabetes ba ang langgam? Iniisip ko ang bagay na ito buong araw. Hindi ko napapansin ang nasa paligid ko. Dumating na ko sa gym ng eskwelahan namin para magtraining, pero wala padin ako sa sarili. Pinatalon-talon na kami at kung anu-ano pa. Dumating na sa punto ng pinaka ayaw kong parte ng training. Ang pagtakbo. Patatakbuhin kami ng ilang minuto, o minsan aabutin ng mahigit isang oras. Pero hindi ko ito napansin dahil sa iniisip ko. Namumutla na ang mga katabi ko, pero wala parin akong nararamdaman. Isang bagay na nagpatunay na kung ibabaling mo sa ibang bagay ang isa pang bagay na nahihirapan ka gawin o lagpasan, hindi mo na ito maiisip pa. Kung matututunan nating huwag masyadong isipin ang isang bagay na nagpapahirap sa atin, sa halip ay mas isipin ang ibang bagay na ikatutuwa natin habang ginagawa ang mga kumplikadong bagay, hindi tayo mahihirapan. Sa madaling salita, nasa isip lang paghihirap. Kung kukumbinsihin mo ang isip mo na madali lang ang isang bagay, hindi ka mahihirapan. At kung hindi mo maintindihan ang mga sinasabi ko, huwag mo ng isipin. Mapapaisip ka lang.
•••
“ youuuuu…layt ap may hartttt..yu geyb me howppp..tu keri owwnnn..esmele bes sha siiii…shemene te la la.. lala lala….ho ho ho… ang lamig! get get awww! ”
Hilig na nating mga pinoy ang pag pagkanta. Kaya hindi maitatangging kahit saang kasiyahan ka magpunta e may videoke. Basta masaya, may salo salo, hindi mawawala ang kantahan. Natatawa na lang ako pag nakakarinig ako ng mga kumakanta ng “ happy! Shalalala! It’s so nice to be happy! Shalalala! ” o kaya ng “ when you’re happy and you know,clap your hands!*clap clap clap* ” sa videoke - sa lamay. Hindi ko alam kung papaano nauso ang videoke sa lamay. Sa probinsiya kasi namin, pag lamay, lamay lang talaga. Kaunting biskwit, kape at baraha lang. Patunay lang talaga siguro na napakahilig nating mga pinoy sa pagkanta. Naisip mo ba kung bakit napapakanta ka sa CR? Tipong hindi mo rin maisip kung bakit hindi mo mapigilan ang sarili mo sa pagkanta ng malakas – at palakas pa ng palakas – na lalakas pa. At saka mo maiisip na nasa CR ka ng mall na pinuntahan mo pag napansin mo ng nakatingin na sayo ang lahat ng tao na sabay sabay nagdadasal at pinaalis ang kung sinumang sumapi sayo. Kahit ako madalas ang konsyerto ko sa CR namin. Kinukunsumo ng konsyerto ko ang walongpu’t siyam na bahagi ng oras ko sa loob ng banyo. Mas marami pa kong nakanta kesa sa nasabon ng katawan ko. Hindi ko mapigilan. Parang ispirito ng videoke ang sumasapi sakin. Mahilig din kasi akong magvideoke. Sa katunayan, ayaw ng umalis sa isip ko ng mga numero ng mga kanta sa videoke na palagi kong kinakanta. Kahit sa pagtaya ko sa lotto e numero na ng kantang “spegeti” ng sexbomb sa videoke ang naitataya ko. Pero naisip mo ba kung bakit nga ba talaga napapakanta tayo pag dating sa banyo? Oo, napapakanta tayo sa mga sarili nating kwarto, pero nakokontrol natin. Kung baga e,nasa sa atin kung kakanta ba tayo sa kwarto natin magisa o hindi. Bakit kapag nakakita ka ng tao na nakanta sa kwarto magisa na may kasamang pag nguso at pilantik ng kamay at kilay, napapaisip na tayo kung tatawag na ba tayo ng pulis o psychiatrist? Samantalang pag nakakarinig tayo ng nakanta sa CR, deadma lang. At alam na natin na ‘ganun talaga.’. Isa lang ang ekspalanasyon KO para sa bagay na yan. Mas maganda ang boses natin sa loob ng banyo. Perpekto ang pagkakalagay ng bawat tiles sa paligid ng banyo natin,dahilan para sumabay at humalo sa tunog na lumalabas sa bibig natin o boses sa tinatawag nating ‘echo’. Echo na isa pang malaking bahagi sa pag pili natin ng mikropono na gagamitin. May mga mikropono na maganda ang tunog dahil na rin sa perpektong echo nito, at may mga mikropono naman na hindi masyadong maganda. Pag maganda ang pagsasama ng boses mo at ng echo mula sa tiles sa paligid mo, na nagkukulong ng tunog sa buong banyo mo, gaganda ang resulta, na pilit mong pinaniniwalaan na “omaaayy gaash, ang ganda ng boses ko.”. Sanhi upang bumalik balik ka sa CR para kumanta. Kaya kung magpapatayo ako ng isang ‘videoke house/shop/café/salon’ e banyo style, tiles ang paligid at inidoro ang upuan. 2-1 service pa.
•••
Kung may nagbabasa at magbabasa man ng sinusulat ko, gusto ko pilipino. Madami at dumadami na rin ang nagtatanong sa akin kung bakit tagalog ang mga isinusulat ko. Kaya ko magsulat ng ingles kung gugustuhin ko. Pero mawawala na yung ako kapag ginawa ko yun. Pag ingles, sosyal ka. Pormal. Pag tagalog (lalo na kung malalalim ang tagalog mo) jologs ka. Baduy. Nasa pilipinas ka, mag tagalog ka. Wala akong pinipilit na magbasa ng mga kalokohan kong ito, kung gusto mo ito basahin, ayos lang. Kung hindi ka marunong magtagalog, pero gusto mo itong mabasa, ikaw ang mag-aadjust(‘bat ka nagiingles?’), hindi ako. Katulad na lang ng kapag dito sa atin, sa pilipinas, sa tuwing may dayuhan na dumating at magtatanong, mag iingles tayo maintindihan niya lang, dahil malamang, hindi siya marunong mag tagalog. Sa ibang bansa, kapag hindi ka marunong mag ingles, hindi sila mag tatagalog para sayo. Pag purong pinoy ka, at madalas ka mag ingles, napaka sosyal mo. Pero walang purong amerikano na nagtagalog na tinawag ang kanyang sarili na sosyal. May mga bansang hindi nakikipagsabayan sa ingles. Kung dadayo ka sa lugar nila, kailangan mong alamin at gamitin ang salita nila. Wala silang pakialam kung anong lahi mo, marunong ka magingles, o marami kang alam na ibang lingwahe. Pinagmamalaki nila ang salita nila. At para sa kanila. Mas pormal yun. Mas nararapat. Oo, mahalaga ang ingles, pero para sa akin, hanggat maaari, pangalawa lang ito sa kung anong wika natin. Isang bagay na sana maisip nating lahat. Na sana, magkaroon tayo ng tamang pagmamahal sa sarili nating wika.
•••
“Kung walang knowledge,walang power.”
-Ernie Baron
Isa sa mga salitang matindi ang dating sakin. Simple lang ang mga salita, ngunit kung iisipin at bubungkalin mo pa ng mas malalim ang nasa likod ng mga salitang ito, mas mararamdaman mo na may gusto siyang iparating. Masyadong lumalaki at lumalago ang interest ko pagdating sa kakayahan ng isip. Hanggang saan nga ba ang kaya nating maisip. Maraming tao ang nagaaral at nagsasaliksik tungkol sa mga bagay bagay na maaaring magpagaan sa mga gawaing tao ng tao. Pilit na nilalagpasan ang teknolohiya na kung anong meron ngayon. Hindi na ata matatapos ang pag unlad ng teknolohiya, pag babago, at pag diskubre sa kung anong mga bagay na resulta ng labis na pagiisip ng tao. Ikaw, naiisip mo ba kung papaano mo naiintindihan ang mga salitang nababasa mo ngayon? Mga maliliit na kurba, pabilog at pahabang guhit lang naman ang mga ito na pinagsama sama, kusa ng naiintindihan ng utak mo. Paano nagagawa ng utak mo ito? Isip na hindi naman pisikal pero patuloy na gumagana. Paano ito nabubuo? Paano nagkakaroon ng mga larawan, salita at alaala sa loob ng ulo mo? Maraming bagay ang nakikita ng tao na hindi nakikita ng iba. Maraming bagay pa ang kulang sa hinahangad na eksplanasyon ng tao. Maraming tanong ang nanatiling tanong at naghahanap ng kanya kanyang mga kasagutan. Maraming misteryo pa sa mundong ito ang pilit na inaalam at pinagaaralan ng mga taong pilit nilalagpasan ang kapasidad ng kanilang mga isip. Maraming teorya na pinaniniwalaan ngayon,na madalas nakakalimutan ng mga taong naniniwala dito na tao lang din naman ang mga bumuo nito sa pamamagitan ng isip. Hindi ako masyadong bilib sa mga horoscope na nababasa ko, masyado kasing malawak ang mga panghuhula. Tipong kahit sino magbasa ay mapapasabing “Oo nga no?Ang galing, paano niya nalamang gigising ako ngayong araw na to?Akalain mo?”. Pero siguro, hindi lahat, may mga totoong may kakayahang makakita ng hinaharap(alam ko iniisip mo dahil sumagi rin sa isip ko yan, pero hindi yan ang ibig kong sabihin.) o kinabukasan ng bawat nilalang. Pero aminado rin ang karamihan sa kanila na hindi ito masyadong konkreto. Kahit ako minsan, may mga bagay na hindi ko maiwasang mapatanong at mapaisip. Madalas kapag hindi ako nagsusulat, tulog o kumakain, laging may nakasalpak sa tenga ko, nakikinig lang ako sa kanta na bumubuhay sa dugo ko, may mga pagkakataong kapag nakikinig ako ng radyo, may papasok sa isip kong kanta, at magugulat na lang ako na yun nga ang kasunod. Sa labas ng bahay, kapag naglalakad papasok ng eskwelahan o may pupuntahan, may maiisip akong kanta, na hindi magtatagal, may dadaang tricycle na may malakas na tugtog - ang kantang nasa isip ko, o kaya naman ay may madadaanan akong bahay, tindahan o spaceship na nagpapatugtog - muli, ang kantang naisip ko. Kapag nanunuod ako ng TV, may maiisip naman akong commercial, na agad namang lalabas sa screen ng TV namin. Ikinagugulat ko talaga ang ganitong pangyayari. Pero mga mabababaw lang na halimbawa ang mga yan, mga karanasan akong talagang hindi ko masabi kung bakit at kung paano. Paano nagagawa ng isip ko na makita ang mga susunod na mangyayari? Hindi kaya sinyales ito na magkakapwesto ako sa Quiapo pag dating ng araw? Bukod sa kili kili powers, hindi ko sinasabi na may kakaiba kong kapangyarihan sa halip ay may mga katotohanan lang talaga na nagtatago sa likod ng isip natin na hindi pa natin nalalaman o nadidiskubre.Maaaring may mga bagay pa na kaya nating gawin o isipin, hindi pa nga lang natin alam kung papaano ito gagamitin. Maraming naglalabasang mga manghuhula ngayon. O kahit noon. Na marami sa kanilang mga hinulaan ay nagkakatotoo. Kadalasan, pagtatapos ng mundo ang tema ng mga manghuhulang ito. Hindi natin masasabi kung totoo o hindi. Isa lang ang dapat paniwalaan, na dapat ay alagaan natin kung anong meron tayo. Tanggapin natin ang mga hula at prediksyong ito bilang babala, hindi pananakot. Huwag na nating hintayin pang mangyari ang mga ito. Tandaan, ang mga bituwin sa langit, guhit ng palad at kulugo sa muka ay gabay lamang sa iyong buhay. Nasa ating mga kamay parin nakasalalay ang ating kinabukasan.
•••
Doraemon. Paburitong paburito ko talaga ang palabas na ito noong maliit pa ko. Pero may isang episode itong pinalabas na tumatak talaga sa kokote at imahinasyon ko. Yung tinapay na (tasty ang tawag sa amin) kapag idinikit mo sa ‘notes’ o mga papel na aaralin mo, didikit ang mga letra sa tinapay at pag kinain mo ito, Voila! Wala ng kahirap hirap na kabisado mo na agad ang mga ito. Simula noon hanggang ngayon sa tuwing may nalalapit na quiz, exam o survey form na kailangan sagutan e ito agad naiisip ko. “Sana may doraemon din akong handang sumalo sa katamaran ko sa buhay.” sabay kamot sa ulo. Hangang hanga ako sa nakaisip ng konsepto ni doraemon. Kuhang kuha niya ang panlasa at kiliti ng bawat bata. Pero sa bandang huli ng kwento, laging may kapalpakan na nagpapakita na hindi lahat ng bagay ay maiiaasa mo sa iba. Iba pa rin yung tumatayo ka sa sarili mong paa. Marami akong natutunan sa palabas na iyon. Tuwang tuwa ako sa parteng pinagsisisihan na ni Nobita ang pagkakamaling ginawa niya. Nakikita ko ang sarili ko sa katauhan niya. Isang musmos na palaging nauuwi sa pagsisisi ang mga ginagawa. Hindi ko alam pero kahit na hanggang ngayong malaki na ko e nagangarap pa rin ako sa isang doraemon na handang maglabas ng kung anu-mang bagay mula sa bulsa niya at tutulong sa bawat problema ko. Hanggang ngayon na nagpapatunay lang na nakakulong parin ako sa sariling kapalpakan. Nakakainis lang na karamihan sa atin, ay nakakagawa muna tayo ng maling bagay bago pa natin maisip na may iba pang paraan. Dito bumebenta ang mga salitang “Sayang”, “Sana ganoon na lang ang ginawa ko”, o “howw may gaassshh, i want tuu daayyy…”. Kung iisipin lang sana muna natin ang bawat kilos na gagawin natin, Kung iisipin lang sana natin MUNA ang mga susunod na mangyayari bago ang ngayon, Kung pagiisipan muna nating mabuti mga bawat salitang bibitawan ng mga labi natin, sa huli, maiisip mo, na wala ka ng dapat pang isipin pa. At kung naguguluhan ka sa mga sinasabi ko, normal lang yan. napapaisip ka lang. Isipin mo na lang na ang bawat problema ay isang pagsusulit sa math, maaaring mahirap, mahaba, mahirap o mahaba man, kapag naisip mo ang tamang solusyon,long term man o short term, iisa lang ang papatakan mo at magiging resulta nito. Sa tamang sagot.
Find the factors / Find the quotient and its degree:
1.) -84a6b - 12a5b
2.) -1n6 -10n5 -7n4 -25n3 +77n2 +42n -48 ÷ -1n4 -1n3 -4n2 +5n +8
3.) +104y3x + 8y2x
4.) -20q5 -56q4 -47q3 +38q2 +65q +20 ÷ +4q4 +8q3 +3q2 -10q -5
5.) +y3 + y -x5y
6.) +x - y -x2y2
7.) -80p3/q3 + 160p2/q2 - 10p/q
8.) -70p5 -6p4 -2p3 +14p2 +32p +32 ÷ +10p2 -2p +8
10.) +2a5 -23a4 +77a3 -74a2 -4a +16 ÷ -2a3 +9a2 -6a -4
11.) -70p5 -6p4 -2p3 +14p2 +32p +32 ÷ +10p2 -2p +8
12.) -24v5 +18v4 -45v3 +113v2 -6v +80 ÷ +4v2 +3v +10
13.) 133x4y2 - 19x2y2
14.) +8z3 -52z2 +92z -90 ÷ -4z2 +8z -10
15.) -30w5 -42w4 +106w3 -126w2 +88w +20 ÷ +3w2 +6w -10
16.) -p5q3 + p3q2-q
17.) -8w6 +62w4 +4w3 -16w2 +24w -21 ÷ +4w2 +8w -7
18.) +32p4 -96p3 +52p +12 ÷ +4p2 -10p -3
19.) +4a6 -136a4 -26a3 +190a2 +38a -28 ÷ -2a3 -10a2 +8a +7
20.) +x - x -x2y2
Note: kung hindi mo naisip o napansin na walang number 9. Bagsak ka na.
(o,babalikan pa niya.tsk.)
Kabanata X.2 - ugali part 2
June 27, 2009(**bukod sa sobrang haba, habang ginagawa ang orihinal na KABANATA X-UGALI, ay may umepal bigla. Si Brownout. Kaya nabura lahat ng naitayp na kwento. Kaya kulang ang unang bahagi ng kabanata x dahil inalala pang muli ni WL ang mga naburang kwento. At ito na ang mga tatapos na kwento ng UGALI.)
•••
Sobrang ingay ng isip ko. Sa totoo lang, maraming pagkakataon na hindi ko ito makontrol. Na nauuwi sa takot. Takot na nauuwi sa masarap na tulog. Pag natatakot kasi ako,lalo na pag nagiisa, pumipikit lang ako. Hindi ko kasi magawang labanan ang isip ko. At pag pumikit na ko at sinusubukang labanan ang imahinasyon ko, wala na, pag hilik na kasunod.Kahit nasaang lugar ako,hindi mababakante ang utak ko sa mga imahinasyon na nakalat sa kokote ko. Pero may masamang epekto ito sa isip ko, dahil puro negatibo ang pumapasok sa utak ko. Sabihin natin sa jeep, kapag mag papagasolina ang sinasakyan kong jeep, naiisip ko na sasabog ito, o kung anu pa man. Napapapikit na lang ako. O kaya naman e kahit simpleng takbo lang ng jeep,naiisip ko na mababangga ito. Napapatingin lang ako sa mga kasabay ko at katabi ko sa upuan, maiisip ko na, ganitong ganito yung eksena sa mga pelikula, mga simpleng kwentuhan sa jeep pero di nila alam na mababangga pala sila. Minsan, pag nasa unahan naman ako ng jeep, maiisip ko na lang bigla na may isang adik kaming madadaanan at bigla akong pagsasasaksakin o kaya naman e may ligaw na bala na tatama sa ulo ko. Kapag naglalakad ng gabi pauwi, papasok na lang sa isip ko na bigla akong mahoholdup at gigilitan ng ulo gamit ang nail cutter. Pag sa eroplano naman, lagi kong naiisip yung mga napapanuod ko sa tv kagaya ng final destination na bigla na lang mag mamalfunction ang makina ng eroplano at biglang sasabog, o di kaya naman e babagsak to. Adik na nga ang tawag sakin nung mga kaklase ko nung highschool na nakakaalam sa paguugali kong ganito. Maaari kodaw ikabaliwito, na agad ko namang sinangayunan. Ngunit subalit datapwat, wala naman din akong magawa dahil hindi ko siya makontrol. Binabalot lang ako ng takot. Buti na lang may isa kong sandata na kahit kailan hindi ako binigo - ang dasal.
•••
Mahalaga para sa atin na mabati tayo sa araw ng kaarawan natin. Parang hindi na maiiwasan ngayon na hindi ka magtampo kapag may nakalimot ng kaarawan mo lalo na kung nakasama o kilala natin sila ng mahabang panahon. Isang araw kasi ito kung saan napapakita natin kung papaano natin pinahahalagahan ang pagkabuhay natin dito sa mundo at isang paraan narin ng pagbati sa atin kung napapahalagahan din ito ng iba. Siyempre iba parin yung pakiramdam na maiisip nila na alam mo pala kung kailan ang araw ng kapanakan nila, masarap sa pakiramdam kapag maraming nagpapahalaga sayo at sa araw mo. Hindi ba’t parang nakakahiya kung lagi mong kasama ang isang tao, laging mong nakakausap o kahit sabihin na lang nating,lagi mong nakikita pero hindi mo man lang alam ang kaarawan niya? O kaya naman nakalipas na pala pero hindi man lang natin nabati. Usong uso sa panahon ngayon ang mga GM’s o Group message sa cellphone lalong lalo na sa mga kabataan. Ito ay isang uri ng text o mensahe na maaari mong batiin lahat ng tropa at kaibigan mo na para bang nasa wowowee ka. Ito yung uri ng text na iisa lang ang laman,pero madami ang makakatanggap. Kaya tinawag itong Group message. At dahil nga malaya kang sabihin ang lahat ng gusto mong sabihin dito at nababati mo lahat ng kakilala mo, minsan nababanggit dito na isa pala sa mga tropa nyo ay my kaarawan. Kung baga e nagsisilbi rin itong reminder sa atin. Halimbawa:
Gabi na,nakatanggap ka ng isang mensahe galing sa isang kaibigan,GM ito. Pagbasa mo,
”GM ko.
gandang gabi..blah blah..
rizal - salamat kanina..blah blah..
apolinario - pumunta ka ba sa blah blah….
piolo - ui HAPPY BIRTHDAY sayo..blah blah blah…
at sa lahat, kain na kayo ng dinner nyo,kung gusto nyo pati breakfast nyo kainin nyo na.blah blah,.”
-tska mo maalala na kaarawan pala ng tropa mo.
o kung hindi naman ganyan ang matanggap mo, maaring ganito,
“GM ko.
gandang gabi sa lahat!
sa lahat ng BUMATI sakin maraming salamat.. blah blah..
sa mga di bumati, bahala kayo sa buhay nyo! blah blah blah…”
-tska mo lang din maalala na kaarawan pala ng nagtext sayo.
Pero sa panahon ngayon maraming paraan para lumusot sa mga ganitong sitwasyon. At ito ang mga tip na kahit ako mismo ay gumagamit ng ganitong klaseng palusot.
1. Maaari ka ring gumamit ng GM sa pagbawi o paghabol ng bati.
Halimbawa:
“GM
Guys nagbago ba ng number si [pangalan ng nakalimutan mong batiin]?
kanina ko pa siya tintext at binabati pero hindi siya nagrereply e. pasend naman tong message ko sa kanya,thanks!”
Mahalagang sabihin o banggitin ang salitang “GM” kapag nag g-GM para mas mag muka itong GM.
2. Itext mo ang may kaarawan.
“Nrcv u ba ung txt me kahapon?binati kita ah?”
kapag ng tampo dahil hindi mo daw siya binati,sumagot lang ng,
“huh?y ganun?naku,sira ata ang network kgbi,ngtxt tlga me,pramis![mangako na parang sinusumpa ang sarili,halimbawa:pangako!mabaog man ako!] “
3. Kapag nalaman mo na kaarawan pala ng kaibigan mo, pero hindi pa tapos ang araw, batiin o itext mo siya ng mga 11:59pm ng gabi bago matapos ang mismong kaarawan niya.
“akala u cguro nkalimutan me yung bday u no?hndi ata no!gs2 me lang na me ang huling babati sayu!hinintay ko patalga me tong oras n to pra surprise me, u!d me ata malilimutan bday mo!happy bday!muah!tsup!tccic!imy!ily!14324!5254!mmda!slex!nlex!fbi!!muahugzzzzz!!”
Naalala ko nung isang beses na nakalimutan ko na kaarawan pala ng dati kong guro,mga 11:50’s na ang oras nung naalala ko,tinext ko siya ng:
“mare!(mare ang tawagan namin dahil simula nung grumaduate ako, naging kaibigan namin siya at dahil bata parin siya at di masyadong nagkakalayo ang edad namin. Nag ninong at ninang din kami sa anak ng isa pa niyang co-teacher noon kaya mare ang tawag ko sakanya.) happy birthday! kala mo nakalimutan ko na kaarawan mo ah? ingat po palagi, Godbless.
-nagulat ako sa sagot niya.
“pare,sa *******(2 araw pa bago ang mismong bday niya) pa bday ko.hehehe.pero sa lamat narin sa bati..blah blah..”
-muntik ng magising ang kapit bahay ng kapitbahay namin sa lakas ng tawa ko sa kwarto ko nung nabasa ko. Pero siyempre, kelangan panatiliin ang pagiging pormal kong tao kaya sumagot ako sa kanya ng,
“waaaaa…mali mali!! isasave ko pa lang dapat talaga yun sa DRAFTS ko mare,naisend ko lang..”
-sabay hagalpak na lang ulit ako sa katatawa matapos ko sabihin yung palusot.
*Kaya sa susunod na makakatanggap kayo ng ganyang dahilan. Alam mo na.*
•••
Napunta na rin lang tayo sa kaarawan, dumerecho na tayo sa inuman. Malabo ng mawala to kahit sanggol pa ang may kaarawan. Masama ang alak - pag sobra. Pero maraming pag aaral ang nagpatunay na maganda sa katawan at KAILANGAN din ng katawan ang mga taglay nitong sangkap, partikular sa alcohol. Yun nga lang,hindi na maganda kung mapaparami. Kumplikasyon na ang magiging kapalit nito. Bukod sa solvent, (na nakaugalian na nating mga pilipino na tawaging rugby dahil sa mabentang brand na ito. Sa ibang bansa pag sinabi mong adik ka sa RUGBY, tinutukoy mo ang isang isport sa kanila, sa pilipinas pag sinabi mong adik ka sa RUGBY, in ka, nasa uso ka ayon sa mga kanto boys.) isa sa mga kinahuhumalingan at kina aadikan ng karamihan ang alcohol o alak. Pero bukod sa gastos mo, malalasing ka pa. Yan ang benepisyong makukuha mo. Astig di ba? Maniwala man o hindi (di wag,di naman kita pinipilit, bakit ba? ha? ayos mo ah! wag kang ganyan.), may mga kilala kong nasagot ng mga kasintahan nila ngayon dahil sa kalasingan. Pag lasing daw kasi, lalakas ang loob mo. Lalabas ang tunay mong ugali o yung mga kinikimkim mo sa loob. Sabi nga ng isa kong malapit na kaibigan, “Pag may gusto kang malaman sa isang tao, lasingin mo, tska mo tanungin ng tanungin, malalaman mo ang totoo.” Na hindi nagtagal ay ako rin ang naging biktima. Hindi ko hilig ang uminom, nasusuka ko, mapait kasi, mabaho pa. Hindi totoong nalalasing ang tao, kinukulong lang nito ang isip niya sa katotohanan na uminom siya, kaya iniisip niyang lasing siya. Yan ang mga huling naalala kong kataga na binitawan ko bago ako pagtripan ng mga kaklase ko noon. Ugali na namin ng mga dati kong kabanda ang tumambay. Pero isang pagtambay ang hindi ko malilimutan(kahit na nalimutan ko na ang ibang detalye). “Inuman tayo,sagot ko!” Bitiw ng isa naming kasama. Sabay sabay ang pag sang ayon ng lahat maliban sakin. Habang nag totoka na sila kung sino ang may sagot sa pulutan at yelo, abala na kong gumagapang patakas at palayo sa mga kasama ko. Pero nabigo ako. Inakbayan nila kong lahat para kantahan ng “KJ song”. “Ehem ehem..di ako tatakas,hinahanap ko lang yung bag ko,nalaglag kasi,gumulong ata sa ilalim ng sofa.” Matikas na sagot ko sa kanilang lahat. “Try mo kasi uminom ng maranasan mong malasing.” Simula noong mga oras na yun, wala na kong nagawa, pakiramdam ko may mga sinturon ni hudas, plapla, super lolo, kwitis, watusi at boga boga na nakabalot sa katawan ko na handang sumabog kapag sinubukan ko man lang tumakas sa mga mukang terorista kong kaibigan. Hindi ko na nabilang kung ilang drum ng isopropil alcohol ang nalaklak ko. Nagising na lang ako na nakahiga sa sofa ng bahay ng pinagininuman namin. Katabi ang mga kaibigan kong parang nirape at ng suka ko. Nahimasmasan na kaming lahat. Akala ko tapos na ang kahihiyang nagawa ko. Pero nagulat na lang ako sa mga kwento nila at sa napanuod kong video. Video na ako ang bida. Nagkayayaan pa lang lumabas noong gabing nagiinuman kami, hindi ko na naalala. Kitang kita ko ang pag abot ko sa mga banderitas na nakasabit dahil piyesta noong mga panahong yun sa lugar ng pinangyarihan. Hindi ko alam kung bakit ko inaabot. “Ako si superman!Abot ko yan!Ikaw?abot mo ba yan?Wala ka pala eh!”. Ilan sa mga sinisigaw ko habang pilit na inaabot ang mga banderitas. Di pa ko nakuntento. Humiga pa ko sa kalye at nagtatawag ng kung sinu sinong pangalan at santo. Simula noon, ayoko ng malasing. Totoo pala yun. Totoong lumalakas ang loob mo, pero hindi parin ako naniniwala sa mga palusot kapag may nagawang mali habang lasing na “HINDI KO ALAM GINAGAWA KO.”. Alam mo ang ginagawa mo, yun nga lang, nakakalimutan mo kinabukasan. Sariling pananaw ko lang naman yan. Pero wag mong sisihin ang sobrang alak na pinadaloy mo sa utak mo na sana naman talaga e sa tyan lang. Ayoko na ulit malasing. Lumabas tuloy ang pagkatao ko,(na mabilis akong malasing) nalaman tuloy nilang bukod sa impluwensiya ng alak e nakalunok din ako ng solvent. Sa tuwing may magyayang inuman, madalas akong tumanggi, pero minsan, nakikisama naman ako. Nainom ako, pero di ko na hihintayin pang malasing pa ako. Umaarte na lang akong sumasakit na ulo ko o kung anu pa man tigilan lang ako sa hindi natatapos na ikot ng tagay. May mga pagkakataong nakakatulong ang pagkalasing para masabi mo ang mga bagay na hindi mo kayang sabihin, o aminin ang mga pagkakamaling nagawa. Pero wag sana natin kalimutan na hindi alcohol o alak ang sagot para magpalakas ng loob natin. Huwag natin tong gawing dahilan. Pagkatiwalaan mo ang sarili mo, isang bagay at pinaka epektibong paraan para lumakas ang loob.
•••
Pag may nag alarm, gigising ka. Malamang. Kaya ka nga nag alarm para gumising. Ako? Hindi. Ang hilig at ugali ko na kasing makipag bargain sa oras. Kunyare, alas sais nag alarm, gigising ako hindi para patayin ang alarm at bumangon na, gigising ako para iadjust o dagdagan pa ng labing limang minuto. “15 mins pa. Maaga pa naman e.” Bulong ko sa sarili ko. Dala ng antok, mapapapikit lang ako tutunog na agad ulit ang alarm. “Parang pumikit lang ako naka labing limang minuto na agad?”. Pagtataray sa sarili. “Last na 15mins pa. Bibilisan ko na lang pag ligo”. Pag tunog, “5mins pa, di na ko kakain.” Pag tunog ulit papatayin ko na lang ng wala ng sabi-sabi pa. Pag nagising na ko ulit, tska ko mumurahin ang sarili ko, tska pa lang ako mabubuhayan ng dugo, late na ko. Kakatawad ko ng labing lima o limang minuto, wala na, limang minuto na lang din klase ko na. Kaya kelangan kong maligo ng 1 minuto. Kumain ng 1 minuto. Magbihis ng 1 minuto. Tumakbo sa papuntang eskwelahan ng 1 minuto. At isang minuto pa ulit para bumalik ng bahay dahil sa naiwang ID. Kaya madalas akong late noong highschool. Hindi naman madalas. Lagi pala. Pero hindi naman araw araw,(sobra ka naman.) siguro apat na beses lang sa isang linggo at hindi naman ganun ka-late. Recess na dating ko para di halata. Hindi ko na napasukan ang dalawa kong subject. Dala narin siguro ng late kong tulog noon sanhi ng insomya kaya ang resulata, late din ang gising. Pero dahil isa kong malupit at magaling at maabilidad (at anu pa ba.uhm..) at cute na studyante, may mga nakahanda na kong palusot para sa buong buwan sa tuwing nalalate ako sa klase.
WEEK 1:
Lunes -
Ako:”ma’am pinagbayad po ako ng meralco ng nanay ko. kapag hindi raw po kasi kami nakapagbayad puputulan na kami. kawawa naman kami ma’am, paano na ko gagawa ng mga takdang aralin kung walang ilaw sa bahay namin…….”
Guro: “sit down mr. lim.”
Martes -
Ako:”ma’am pinagbayad po ako ng tubig ng tatay ko. mapuputulan na kasi kami ma’am, paano na ko pag di ako nakaligo? nakakahiya naman ata ma’am na pumasok ng hindi naliligo, ayoko naman pong pagtawanan ako. ikaw ma’am? papasok ka ba sa klase ng di naliligo? mahiya naman kayo ma’am. dapat mabuti kayong ehemplo para sa amin…..”
Guro: “sit down mr. lim.”
Miyerkules -
Ako:”ma’am pasensya na traffic po talaga, grabe may aksidente dun sa tapat ng village namin ma’am, kawawa yung pedicab e. grabe talaga wasak na wasak yung kariton ma’am.tapos may lamay pa sa harap ng jeep na nasakyan ko.ang bagaaaal talaga ma’am! medyo nahirapan talaga yung byahe namin ma’am…..”
Guro: “sit down mr. lim.”
Huwebes -
Ako:”ma’am ngayon po ba sineselebreyt yung mga nakipaglaban sa gyera noong panahon ng hapon?”
Guro: “hindi bakit?”
Ako:”e malawakang pagtakas sa home for the aged ma’am?
Guro:”wala rin akong nababalitaan. bakit ba?”
Ako:”ma’am kasi grabe, nagkalat at naglipana talaga sa kalye mga matatanda. daming matatatandang elders na lola ngayon, hindi nga sila makatawid e, dami ko tinulungan tumawid. ma’am di ba sabi mo po tumulong sa kapwa lalong lalo na sa mga matatanda ma’am? hindi po ba sabi nyo…….”
Guro: “sit down mr. lim.”
Biyernes -
Ako:”ma’am sorry po late ako.”
Guro: “bakit ka nanaman late?”
Ako:”ma’am tinanghali po ko ng gising. hirap nung takdang aralin namin e (sa background: “may assignment ba tayo?” - “ewan ko jan,alam ko wala e” - “yaan mo na,adik yata.”) ginabi talaga ko,napuyat ako ng husto. Pramis ma’am (habang nakataas ang kanang paa), huling late ko na to sa linggong to,pramissss talaga ma’am.”
Guro: “sit down mr. lim.”
WEEK 2:
[REPEAT CHORUS - (MONDAY TO FRIDAY)]
[FADE]
WEEK 3:
[REPEAT CHORUS - (MONDAY TO FRIDAY)]
[FADE]
WEEK 4:
Lunes -
Ako:”ma’am..”
Guro: “PINAGBAYAD KA NANAMAN NG MERALCO?LINTIK NA MERALCO YAN.LINGGO-LINGGO NANININGIL. E TUBIG NYO?MAPUPUTULAN NANAMAN?ANAK NAMAN NG PATING. WAG MO RING SABIHING MAY BANGGAAN NANAMAN O MAY LAMAY. ARAW ARAW NA MAY DISGRASYA SA INYO NYAN?? O DI KAYA NAMAN NAGTAWID KA NANAMAN NG MGA MATATANDA?? BAKIT DI MO NALANG AMININ NA TINATANGHALI KA NG GISING? ANAK NG TIPAKLONG. GUSTO MO WAG KA NA PUMASOK AN***L KA! ANO? HINDI MO MAN LANG BA BABAGUHIN YANG PALUSOT MO LINGGO-LINGGO?BAKIT………..”
Ako: “ma’am sit down..”
Kabanata X - ugali
June 20, 2009
“Kilala mo si kwan?”
“Ahh..Oo..Ok naman siya,kaso may UGALI yun..”
“O?Paano mo nasabi?”
“Nakasama ko na kasi yun nung minsang nag anu kami sa may ano.
Ayun, na ano namin na may ugali nga.”
“Ahhh..Ganun ba, maano nga minsan yun ng maano ko din ang ugali.”
Ugali. Isang katangian na tinataglay ng lahat ng nilalang sa mundo. Ngunit ano nga ba ang ugali? Sa ibang bansa isa itong uri ng pagkain o putahe. Sa pilipinas, isang malalim na batayan sa isang pagkatao. Ang ugali ng isang tao ay nakadepende sa kanyang kinalakihan o nakasanayan. Malaking bagay din ang mga tao sa paligid nito para mabuo ang kanyang sariling ugali, kung kaya naman hindi kataka taka na kung lasinggero at lasinggera ang pamilya mo, hindi malayong alak na din ang dumadaloy sa katawan mo. Sabi nga sa isang kasabihan, “sabihin mo sa akin kung sino ang mga kaibigan mo at sasabihin ko kung sino ka.”. Kung malapit ka sa mga pari,madre o mga taong simbahan at mga relihiyoso, malamang lamang e adik ka. Adik ka sa mga bagay na magpapalapit sa Kanya. Sabi sa mga diksyunaryo, ang ugali ay tumutukoy sa gawain ng isang nilalang o bagay, partikular na ang ng mga tao o maging ng mga hayop. Tumutukoy ito sa mga nagiging asal o kaasalankatangian o karakter ng isang indibdwal sa kaniyang kapwa, na nagiging sanhi at batayan ng mga kaugalian o kostumbre, mga gawi, wani o kinagawian, at kilos na nagbubunga sa mga paniniwala, pananaw at maging pananampalataya ng mas marami pang bilang ng mga mamamayan o kalipunan ng mga tao. At nakakapagbigay din ng impluho sa mga istilo, moda, usokalakaran sa buhay ng mga katulad, kaugnay na mga tao, o sa iba pang mga mamamayan ng isang pook o maging sa ibang panig ng mundo. Halimbawa nito ang pagiging magsing-ugali o magsing-asal ng mga kasapi sa isang pamilya, angkan, o kaya sa bansa. Naaayon ang ugali sa kinapamihasnan o kinahiratihan ng mga mamamayan, na nagbibigay daan din sa pagkakaroon ng kalinangan o kultura. Sa ating bansa, nakaugalian na ang paghalik sa kamay ng matatanda o pagmamano. Kapansin pansin ang mga pag gamit ng ilang tao sa salitang “UGALI” kapag may tinutukoy na masamang aspeto ng isang indibidual. Pero bakit nga ba natin kailangan pa nating sabihing may “ugali” ang isang tao kung ang sa katotohanan naman ay may ugali naman talaga tayong lahat? Bakit kapag nakakarinig ka ng isang kwentuhan tungkol sa isang tao o hayop at narinig mo ang mga salitang “may UGALI siya” o kaya naman ay “may ATTITUDE siya” e alam mo na agad na masamang ugali ang tinutukoy nito?
•••
Ayoko pagtuunan ng pansin ang salitang ugali at kung anu pang mas malalim na kahulugan nito. Nakasanayan ko ng magkwento sa ibang tao. Hindi man halata, pero mahiyain ako, gumagamit ako ng ibang salita sa halip na yung nais ko talagang sabihin. Kung baga,hindi deretsahan. Nasa sayo na kung papaano mo tatanggapin at iintindihin ang sinabi ko. Kagaya ng mga isinusulat ko, kung mas bubuksan mo lang ang mga mata mo,pag bukas ng mata na sapat na upang makita ang mga nasa likod ng mga letrang ito, mas makikita mo ang nais kong sabihin. Kagaya ng nabanggit ko noon sa “TAKOT”, -”May mas malalim nakahulugan ang bawat salita. Hindi mo lang ito napapansin dahil mas tinitingnan mo yung literal na ibig sabihin nito.”. Hindi ko alam pero mabilis gumaan ang loob ko sa isang tao,dahilan para mapakwento at maikwento ko na ang buong buhay ko kahit na mukang sasapakin na ko dahil inaantok na siya. Siguro ugali ko na lang talaga ito,hindi ko mabago.
•••
Pansin na pansin ko ang pagpuna sa ugali at ginagawa ko ng ibang tao. O kahit sa ibang tao, kitang kita at halatang halata na marami sa atin ang mas napapansin ang kamaliang nagawa mo kesa sa mabuting nagawa mo. Gumawa ka ng sampung mabuti at isang kamalian, ano ang mas mapupuna mo?
“Ok sana KASO blah blah..”
“Maganda siya PERO blah blah blah…”
“Magaling ang pagkakagawa KAYA LANG blah blah blah blah…”
Oo, magandang punahin ang mga bagay na minsan nating napagkamalang tama dahil dito tayo humuhugot ng panibagong TAYO na makakatulong sa paghubog ng bagong ikaw. Kung ako ang tatanungin, mas nagugustuhan ko ang mga negatibong komentaryo patungkol sa akin, dahil dito ako natututo. Mas naitatama ko ang mga maling nakikita ng iba. Pero hindi lahat tayo marunong tumanggap ng kamalian. Karamihan sa atin ay napaka sensitibo partikular na sa pag puna sa mga pagkakamali nila. pero likas at nakaugalian na nating pumuna ng mga bagay na kadalasan, e nakakasira sa isang tao. Sabihin na nating sa pisikal. “Ay,ba’t ganun yung nguso niya? nguso ba yun o batok?” - hindi man lang pinuna na maganda naman pala yung mata,ilong at iba pang parte ng katawan ng nasabing nilalang. Lagi tayong tumatawa sa katawa tawang pisikal na anyo ng iba pero bakit hindi muna natin subukang tawanan ang katawa tawa sa sarili natin? Aminin mo man o hindi, alam mo sa sarili mo na ganito ka. Hindi mo lang matanggap dahil ikaw yan. Ayaw mong tanggapin ang mga bagay na ikasisira mo, kabaliktaran sa ginagawa mong pamimintas o pag puna sa ikasisira ng iba. Yan ka. Yan ako. Yan tayo. Hindi natin maalis sa ugali natin to dahil may kanya kanya rin tayong mali sa katawan na ikinakakatakot nating malaman ng iba. Sa sobrang pagpuna natin sa iba, nakakalimutan natin ang isang bagay - na hindi tayo perpekto. Minsan kahit madumi at punong puno na ng putik ang damit mo, may mangilan ngilan pa ring mga tao ang pupuna sa ganda ng tsinelas mo. Isang aspeto at paguugali na tinataglay ng kakaunting tao. Isang napakahalagang aspeto na dapat sana, lahat tayo meron. Pero dala ng sariling pagkatakot, dala ng pagkakulong ng sarili sa sariling putik, nakakalimutan natin ang lahat maliban sa pagkakamali ng iba. Mahalagang pahalagahan ang mga bagay na kabutihan na hindi masyadong pinahahalagahan kesa sa mga negatibong bagay na madalas pahalagahan kahit hindi naman talaga ito mahalaga. H’wag mong ulit ulitin. Hindi yan tongue twister.
•••
Naalala ko nung highschool pa ko, madalas kaming magyabangan ng dalawa ko pang matalik na kaibigan. Ewan ko pero nasa ugali narin ata ng pagiging lalaki ang pagyayabang. Minsan, hindi lang negatibo ang dala ng pagyayabang, may pagyayabang na mahalaga para mas makilala ka ng ibang tao. Madalas kaming magpagalingan pero katuwaan lang,yabangan na nauuwi sa ‘tutorial’. Kapag may hindi alam ang isa na alam mo, dapat mong ituro. Ganun kaming tatlo. Kailangan pantay pantay. Nagumpisa kong magpasindak sa dalawa kong kasama. Pinagalaw ko ang tenga ko na parang pakpak na lilipad. Hindi ko alam kung maraming unggoy na ang may kaya nito pero ang alam ko ako lang ang may kaya nito noon sa buong klase namin. Palakpak ang dalawa kong matalik na kaibigan. Dahil napunta narin sa pag papagalaw, nag hubad ang isa naming kaibigan, akala namin, aamin na siya. Hindi pala. Pinagalaw niya ang dibdib niya na parang isang body-builder sa isang contest. Machong macho ang pinakita niyang talento. Palakpak din kaming dalawa sa pinakita niya. Pero bago pa man kami mawalan ng bait, bumanat na ang natitira naming kaibigan. “Yun na yon?hihihihihihi”. (muli,hindi koginamit ang ‘hihihhi’ng walang dahilan, ganyan talaga siya tumawa), nanatili ang mga mata naming nakatingin sakanya hindi dahil sa retarded nyang tawa, kundi dahil naghihintay kami sa susunod na mangyari. “Kaya nyo bangpagalawin ang ilong nyo?” malumanay na pagtanong habang may pagpikit at nguso pang kasama. “HAHAHAHAHA.” Obvious? Natawa lang kami dahil alam naming kahit sinong matsing sa gubat e kayang gawin to, ginawa namin ang hamon niya.(lumapit kaming dalawa sa kanya habang pinalalaki-liit ang butas ng ilong namin,akala namin,sa ganitong paraan ng pagpapagalaw ng ilong ang sinasabi niya.)”HIHIHIHIHIHI!!!” natawa lang din siya dahil muka daw kaming hito. “Hindi ganyan”. Pilit na pinipigil ang tawa. “Ganito”. Kalmadong pag sasalita habang akmang bumbwelo. Ilang segundo pa, natulala na lang kami sa pinakita niya. Pinagalaw niya ang BUONG ilong niya taas-baba. As in buong ilong. (sa mga panahong ito hindi ko na alam kung anong natakbo sa imahinasyon mo sa mga kinekwento ko. Isipin mo na lang, buong ilong nababa at nataas.). Palakpak kaming dalawa na may kasamang pag tayo. Taob angpagpapagalaw ko ng tenga at pagpapagalaw ng dibdib ngisa pa naming kaibigan. Ayon sa kanya, nagumpisa ang talentong ito noong minsang nagkaumpugan sila ng isa pa naming kaklase,dahilan upang magresulta ng pagkadurog ng malambot na buto ng ilong niya. Simula noon, malaya na niyang nagagalaw ang ilong sa kahit anong direksyon na gustuhin niya. Stretchable kung baga.
•••
Ugali na nating mga pinoy ang magtrabaho. Madami dami din akong kilala na ayaw na ipagpatuloy ang pagaaral, gusto na lang magtrabaho. Kahit ano daw. Uso rin dito sa pinas yung mga trabahong multi-tasking. Yung mga tipong, 2-in-1 job o 3-in-1 at kahit minsan 5-in-1 pa. Yan ang isang ugali nating mga pinoy, masipag. Pero nakakapagtaka lang isipin na dito sa atin, kapag mas mahirap na trabaho, mas mura ang kinikita o sweldo, pag mas madali at tipong paupo-upo lang, mas mahal. Isipin mo na lang yung mga nagtatrabaho na kaunting pagkakamali lang e maaaring kapalit ang buhay nila. Samantalang yung mga nasa PWESTO, wala ng ginagawa, nakita pa ng malaki. Sa ganitong paraan napipilitan ang karamihan sa atin na mangibang bansa, kung saan mas napapahalagahan ang mga paghihirap natin.
•••
Naging ugali na naming tatlong magkakaibigan nung highschool ang mang trip. Pero hindi kami nantritrip ng wala kaming mapapatunayan. Yung tipong, dapat sa huli ng pantritrip namin, may matututunan kaming tatlo. Isang araw lang namin tong pinaghandaan. Biglaan. Itatago ko na lang ang dalawa kong matalik na kaibigan bilang sina Geloy at Chibby.
Lunes noon. Umeksena kami sa klase. Nakaupo kaming tatlo ng tumayo si Geloy na tipong nagaamok na lasing. “Akala ko pa naman magkakaibigan tayong tatlo,tapos ngayon mo lang sasabihin?Bahala ka na nga Wawell, isipin mo naman sana kami ni Chibby bilang kaibigan mo,hindi lang yang sarili mo!”. Sabay walk-out. Pero ang totoo e pumunta lang siyang CR para dumumi. Napansin din ng lahat ang pag layo sa akin ni Chibby noong araw na yun. Simula noon, hindi na kami nagusap pang tatlo. Ako, hindi nakikipag usap sa labas, nakatingin lang palagi sa malayo. Malungkot ang muka at problemado. Maraming nagtaka dahil sa loob ng apat na taon hindi pa kaming tatlo nagaaway. Kaya nabahala lahat sila. Lahat sang ayon sa plano. Dumaan ang martes at miyerkuleshindi parin kami nag uusap na tatlo. Pero sa totoo lang nagkikita kami sa bahay ni Geloy pagkakatapos ng klase para tumawa ng malakas at makaligtas sa kabag na maaring namuo sa pagpigil ng tawa namin kapag nasa eskwelahan. Sa silid aralan, maraming nag tatanong sa akin, at sa tuwing may lumalapit sakin para magtanong kung anong problema, sinasagot ko sila ng pag iyak at mga katagang “bukas na ko magkwekwento”. sabay punas ng luha at uhog biglang tayo at walkout, derecho ng CR para tumawa ng malakas. Huwebes, sa ganitong araw kami nagkakaopen ng mga problema dahil sa subject na ‘values ed.’. Nung araw ding yon, nagkaron ng open-forum. Sakto. Dito ko inamin ang problema na pinagaawayan naming tatlong magkakaibigan. “Lilipat na kami. Bukas ang lipad namin patungong Canada, hanggang bukas na lang ako.”. Sabay yuko, at may pag patak ng luha at laway. Sumunod na humagulgol ang dalawang mokong. Kunwari’y apektado. Nahawa ang ilan at nagsi iyakan. Lumapit sila sa akin para sa isang Group hug. Natatawa ako pero sa likod ng isip ko ang pagkatuwa at na may halong kunsensya. Nag set ng isang ‘last game-basketball’ ang mga kaklase kong lalaki,at handa namang sumama angbuong section namin. Nandun sila kasi ang buong akala talaga nila e aalis na ko sa kinagabihan. Habang patapos na ang laro namin unti unting sumisimangot ang mga kaklase ko dahil sa alam nilang malapit na ang oras. Pagkatapos ng laro namin, isang makapagdamdaming ‘babye-an’ o pagpapaalam ang naganap,ang iba,naiiyak dahil mamimiss daw ako,ang iba naman ay abala sa pagsukat ng paa para sa ipabibiling sapatos. Dumaan ang sabado’t linggo. Pag dating ng lunes, absent kaming tatlo. Una, wala dapat talaga ako dahil ang alam nila e umalis na ko,pangalawa, umabsent ang dalawa dahil hindi daw nila nakayanan ang pag alis ko. Pero ang katotohanan, magkakasama kaming tatlo para kumuha ng exam sa isang unibersidad na balak naming pasukan sa pag dating ng kolehiyo. Kinabukasan, nung pagpasok ko sa silid aralan namin, ‘di pa man ako nakakapagsalita ng palusot kung bakit ako nandun e gumulong na sa katatawa yung dalawa, at sabay sabay din lumapit ang mga kaklase ko para gulpihin ako. Sinabi na pala nung dalawa ang totoo, na wala sa plano. Pero ayos lang, natawa lang din ako sa mga reaksyon nila nung nalaman nilang di totoo,kanya kanyang palusot na hindi raw talaga sila naniwala. Samantalang mas madami pa silang nailuha kay Judy An kung makaiyak sila noon. Sa huli, nalaman namin na mahalaga pala ako. Mahalaga kami. Mahalaga ang bawat isa. Pero sa kabila nito, bakit mas napapahalagahan natin ang isang bagay kung kailan malapit na itong mawala o nawala na? Samatalang noong nandito pa siya, hawak mo. Napapabayaan mo. Huwag mo ng hintayin pang mawala ang isang bagay para lang malaman ang halaga nito sa buhay mo. Tutunan mong pahalagahan lahat ng nasa paligid mo ngayon pa lang,maliit man ito o malaki.
•••
Isang ugali o nakagawiang bagay na natutunan ko din kay Chibby noon e ang pagbabasa ng pabaliktad. Halimbawa:
ako ay pilipino - oka ya onipilip
Magaling si Chibby dito, kaya niyang baliktarin ang kahit anung salita ng ‘instant’. Kunyari kasasabi mo pa lang ng salita,nabaliktad na niya. O kaya e magbigay ka ng kanta, kakantahin niya ito ng pabaliktad na ang mga salita. Yun nga lang eh para siyang nagoorasyon o nangkukulam. Nakasanayan niya kasi nung bata pa lang siya na magbasa sa mga posters o kung saan pang bagay na mababasa na magbaliktad ng mga salita, kaya parang nakarehistro na ang mga salitang ito sa isip niya, madali na lang sa kanyang magbaliktad. At Oo, tama ka, wala nga itong masyadong kinalaman sa Ugali pero gusto ko lang magkwento, ugali ko na ‘to e.
•••
Nakakain ka na ba ng butong pakwan? Nasasarapan ka ba kaya pinagtyatyagaan mo itong buksan para lang matikman ang kakarampot na laman? Papaano at sino kaya ang unang nakaisip na kainin ito? Sobrang gutom nga ba ang nagtulak sa kanya para pati mga buto e pag diskitahan? Habang nakain ng butong pakwan, napaisip ako. Kung bibigyan lang sana natin ng pagkakataon yung butong pakwan o kalabasa(o anu pa mang buto na maaring makain maliban sa buto ng tao) para maitanim at hindi muna ito kainin, hindi ba’t mas malaki at mas masarap ang makukuha at aanihin natin? Sa buhay, madalas tayong magmadali, hindi na iniisip pa yung maaring mangyari sa hinaharap. Naging ugali na ng karamihan sa atin ito, at kabilang ako dito. Kadalasan mas pinahahalagahan natin ang ngayon kahit na hindi man lang natin sinubukang alamin ang magiging kapalit nito bukas. Kung maghihintay ka lang ng mas matagal at hindi magmamadali, at kung mas pahahalagahan mo mga maaaring susunod na kabanata sa buhay mo,mas masarap at mas maganda pa ang mararanasan mo sa mga susunod na araw kumpara sa nararamdaman mo ngayon.
Itutuloy…………………..
Kabanata IX - close
May 27, 2009
Taimtim kang kumakain ng paburito mong ispesyal na siopao. Una mong kinakain ang mga tinapay sa gilid nito hindi alintana kung wala man itong lasa. Nais mong itira ang gitna nito na punong puno ng laman, bola-bola man o asado. Halatang halata ang pananabik ng labi mo sa mga itinitira mong laman ng siopao. Final set na. Isusubo mo na lang ang itinira mo………..ng biglang may lalapit sayong hindi mo gaanong kaclose na kaibigan at babanat ng “ay?anong lasa niyan?patikim naman.”, pero dahil hindi mo nga siya masyadong kaclose, ikaw pa ang mahihiya. At wala kang kalaban laban na isusuko ang pinaglalawayan at inaasam asam mong bubusog sa tyan mo. At kapag naibigay mo na, mapapaisip ka na lang na sana nag monay ka na lang.
Hindi ko maintindihan ang pinagkaiba ng close na kaibigan sa hindi masyadong close. Oo, kaclose mo yung mga taong palagi mong kasama, nakakausap, nakakakwentuhan at alam na alam mo ang bawat sikreto at kwento ng buhay nila. Hindi mo naman masyadong kaclose yung mga taong kakilala mo, pero marami ka pang hindi alam sa kanila, yung tipong kahit ugali e hindi mo din alam. Wala. Pangalan lang talaga at ichura. Nakakasamo mo sila pero hindi mo nakakausap. Yan yung mga bagay at kahulugan ng mga taong kaclose at hindi mo masyado kaclose. Pero ano nga ba yung mas malalim na kahulugan ng mga ito. Mga bagay at katotohanan na hinding hindi maitatanggi. Nakakatawang isipin na minsan, mas nagmumuka pang kaclose natin yung mga taong hindi naman talaga. Sa mga bisita na lang sa bahay, kapag hindi mo gaanong kaclose ang darating, abalang abala ka sa paghahanda ng maihahain sa kanila, sila naman, tatanggi sa inihanda mo. Pero pag tropa mo na ng matagal na panahon, at close na close na kayo, sila pa yung manganganchaw sayo na ipaghain mo sila. Ikaw naman, todo apila na wala kang ipapakain, wala kang pera, hindi ka nakapag handa o ayaw mo lang talaga. Mas masarap kasama yung mga taong kaclose mo talaga kesa sa mga medyo lang. Syempre. Para san pa pagiging close nyo kung hindi ka mageenjoy kasama sila. Pero ano pa nga ba ang pinagkaiba ng taong ito. Ano ang mga ginagampanan nilang papel sa buhay mo. Halimbawa na lang may putok ka. Hindi masasalita si kaibigan 1. Itatago niya na lamang ito sa kanyang sarili. Pero pag hindi napigilan, ikwekwento sa iba at malamang lamang sa hindi, madadagdagan ang kwento. Kunyari e totoong may putok ka, pero isang kilong putok lang naman, hindi gaanong pasabog, pero ang kwento niya sa iba, limang kilong putok ang naamoy niya sayo. Syempre, kahihiyan mo yun at ikasisira mo. Pero itong si kaibigan 2, walang halong kakurap kurap na lang biglang sisigaw sa tapat mismo ng tenga mo na “BOY, MAY PUTOK KA.”. Parang nakapatay ka ng tatlong tao. Minsan masakit talaga harapin ang katotohanan pero sa likod ng mga salitang ito, ramdam mo yung pagaalala niya sayo, na ayaw ka niyang mapahiya sa iba, na tipong, “tsong, mura lang tawas.”.
•••
Hindi ako gaanong magaling magdrowing. Dati pagalingan kami ng mga klasmeyt ko nung elementary. Kadalasan anime ang tema ng drowing nila. Ako, nature. Dalawang bundok na may araw na hindi malaman kung pasikat o palubog sa gitna, mga ibon na tila lumilipad na logo ng Mcdonalds, sa baba ng bundok e may palayan at may isang maliit na kubo. Mas mahirap ata yun kesa sa pagddrowing ng buhok ni Son Goku. Sa tuwing ipinapakita ko ang drowing kong ito sa mga klasmeyt kong hindi ko gaano kaclose, kadalasan ang sagot e “uhm,ok na..maganda siya.”. Tumataas ang tingin ko sa sarili ko sa tuwing nakakarinig ako ng ganito galing sa kanila kahit na halata namang pinipigilan nilang tumawa, resulto ng pagutot nila ng bahagya habang tinitingnan ang guhit ko. Pero kapag sa tropa ko na ipinakita ang gawa ko, gugulpihin ako ng tawa at halakhak. May kasama pang pag turo sa papel na pinagdrowingan ko. Makikita ko na lang ang sarili kong sinusunog ang gawa ko at gagawing polbo ang abo bilang tanda ng pagiging……….Oo, alam ko…….ng pagiging LOSER ko.(whatever)
•••
Close ako sa pamilya ko. Wala kong itinatago sa kanila. At naniniwala naman akong ganito rin sila sa akin. Namana ko sa tatay ko ang pagkamasungit pero pogi. Pagiging matipid (pinagandang salita ng kuripot) at cute naman sa nanay ko. Mabait sila, maalalahanin at mapagmahal. Mga bagay na pinagsama sama para makuha ko ang ugali ko ngayon. Pinalaki nila ko ng maayos. Dahilan para mas mapalapit ako sa kanila at wag matakot magsabi ng kahit ano. Lumaki akong malaya. Kahit minsan hindi ko naramdamang pinaghigpitan ako. Hindi dahil wala silang pakialam sakin pero dahil gusto nilang makita ko ang mundo. Ang buhay. Ang lahat. Dahil dito. Eto ako ngayon. Mas malawak ang tingin sa paligid pero pilit paring hinahanapan ng sagot ang mga bagay na nanatiling tanong. Naalala ko pa noong nabubuhay pa yung lolo ko. Dahil sa may mga trabaho ang magulang ko, madalas akong maiwan sa kanya. Madalas ko siyang kasama at nakakalaro. Maliit pa ako noon. Siguro mga apat na taon. Paburito ko siyang lolo, at masasabi kong paburito niya din ako dahil wala siyang choice. Siya ang nagpakilala sakin sa bike. Yung una kong bike noon e napulot lang sa isang madamong shortcut papunta sa amin, pinunturahan lang yun na kulay pula at presto! May instant bike na ako. Sa kanya ko din nakasanayang kumain ng pakwan bilang umagahan, tanghalian at gabihan (Madalas akong makipag talo noong bata ako na gabihan ang tagalog ng “dinner”, hindi hapunan,hindi ka naman kasi nakain ng “dinner” sa hapon. Gabi. Gabi yun.). Naging paburito ko ang pakwan, at lagi niya akong ibinibili nito. Kilala siya sa lugar namin noon dahil sobrang bait niya, kadalasan takbuhan ng mga batang nabutasan ng gulong,nasiraan ng bike, kadena at ulo ang bahay namin. Inaayos niya yun ng libre. Wala akong natatandaang pinagalitan niya ako kahit isang beses (o kinalamitan ko na lang talaga). Dahil sa kanya, mas nakilala ko ang magulang ko, mas naging close ako sa pamilya ko. Mas naintindinhan ko kung bakit ganito o bakit ganun ako pinalaki ng magulang ako. Dahil minsan, may magulang din na nagpalaki sa kanila na walang ibang hangad kundi ang kabutihan. Isang tanghali, habang nanonood ng hindi ko maalala ang pamagat,basta ang host e si Kris Aquino, nagulat na lang ako ng makarinig ako ng malakas na pagbagsak mula sa labas. Yung lolo ko inatake sa puso habang inaayos ang isang bike ng kapit bahay. Wala na kong nagawa kundi umiyak. Dito ko naalala na minsan talaga sa buhay ay kelangan mong tanggapin na lahat ng bagay ay may katapusan. Pero alam ko, nasaan man siya ngayon, binabasa niya to, at kagaya ng magulang ko, alam kong proud siya sa mga naabot ko ngayon.
•••
Nung mga pitong taong gulang ako, madalas ko sinusundo ang nanay ko sa gate ng subdivision namin gamit ang sidecar namin. Pero dahil wala pang text noon, (kung meron man e kaunti pa lang) hindi ko alam kung nasa gate na ba siya o wala pa, kaya dapat alam ko kung anong oras siya nadating. 6pm. Yan yung oras ng pagdating niya. Isang hapon, nawalan ng kuryente. Nabutas yung gulong ng bike ko, at may nagbabadyang malakas na ulan. Dahil wala kong bike na magagamit, kailangan ko paring pumunta sa gate dahil alam kong hihintayin ako ng nanay ko. Naglakad ako. Simula sa bahay namin hanggang gate ng subdivision namin, aabutin ka ng labing limang minuto. Pero kung kaparehas kita maglakad nung pitong taong gulang ako na pinapansin lahat ng bagay sa paligid na tipong maraming bagay agad ang sumasagi sa isip, mga tanong na “bakit” at “ano”, e aabutin ka ng isang oras sa paglalakad. Nasa gate na ako, madilim na pero wala padin ang hinihintay ko. Mga ilang oras pa nagdaan pero wala padin. Bukod sa pagiisip ko ng “sana pala ng dala akong tent”, e naisipan ko na ding umuwi. Mas maingay na ang tiyan ko kesa sa pito ng guardya. Pero isang bagay na humahadlang sa mga iniisip kong ‘to e malakas ang ulan. As in super malakas. Signal number 7 ata yun. Pero wala na kong choice, kelangan kong sumugod sa ulan. Tumakbo ako ng pinaka mabilis na takbo ko para di mabasa, nung hapuin ako, tska ko naalalang malayo pa pala ako at kahit gaano ako kabilis tumakbo e magmumuka parin akong dumaan sa piesta ng San Juan. Sobrang lakas ng ulan. Giniginaw na ako. Hanggang sa may liwanag na bumalot mula sa likuran ko. Akala ko e sinusundo na ako. May isang kotse na tumigil para sagipin ang damit ko sa pagka kupas. Magasawang tila alalang alala sakin. Noong pagpasok ko sa kotse, hinihintay na lang akong takpan ang bibig ko para kidnappin ako pero mali ang akala ko. Agad akong binalutan ng tuwalya (Ewan ko kung bakit sila may tuwalya e muka namang galing opisina, alam na ata nilang may engot na batang magpapakabasa sa ulan.), tinanong nila ang pangalan ko. Bukod dito, marami pa silang tinanong, parang resume. Tinanong din nila ko kung saan ang bahay namin para ihatid ako, pero dahil natatakot ako at hindi ko sila kaclose, ibang bahay ang tinuro ko. Tinuro ko ang isang bahay na may kalapitan narin sa amin. Nung bumaba silang dalawa para tawagin ang tao sa loob ng bahay, bumaba ako ng kotse at gumapang sa damuhan para makaalis. Pakiramdam ko isa kong bihag ng abu sayaff na pilit tumatakas. Palihim akong umalis at umuwi ng bahay. Hindi ko alam kung anong pumasok sa akin ng mga panahong yun para gawin ko yun. Naisip ko na lang na, mali yun dahil bilang magulang, nagaalala lang din sila sa akin. Kahit na hindi kami magkakilala. Kahit na hindi kami close. Siguro nagtaka yung dalawang yon kung bakit bigla akong nawala. Marahil e naisip nilang naengkanto lang sila. Pero minsan, may mga panahong naiisip ko ang gabing yun, na minsan sa buhay ko may nagalala sa akin na parang magulang ko. Kung sinabi ko lang sana ang totoo sa kanila kung saan ako nakatira,e di sana close kami ngayon?
•••
Minsan kailangan nating magpundar ng pagtitiwala sa mga taong hindi pa natin kaclose para mas makilala natin sila ng lubusan. Kadalasan kailangan mong maging bukas sa ibang tao para makuha naman ang tiwala nila. May mga pagkakataong kailangang isugal mo ang sariling pagkatao para lamang mas makilala ka nila ng lubusan. Pamilya mo, ang may kapal at mga kaibigan mo matagal man o kakakilala mo pa lang, sila ang mga taong lagi mong maaasahan at malalapitan. Ako yung tipo ng tao na mas nakikita ko yung magandang bagay kesa sa panget. Kapag nasasabihan ako ng hindi maganda, hindi ko pilit ikukulong ang sarili ko para magdamdam o magtampo. Ito yung mga bagay na lalong mas tumutulak sakin para sumubok ulit. Ito yung mga salitang nagpapalakas ng loob ko para mas matutunan ko ang mga bagay na dapat at hindi dapat. Tanggap ko na marami akong mali sa buhay. Sabi nila, naka-program na raw talaga sa tao ang pagkakamali. Pero hindi naman ibig sabihin nito e malaya ka ng gawin ang mga bagay na alam mong mali, at hindi mo hahayaang hindi makabangon sa pagkakamaling nagawa. Hindi mo na rin maaalis ang katotohanan na ang pagkakamali mo mismo ang tutulong sayo para mas maging buo ka lalo bilang tao at ng pagkatao mo. Yung mga taong kaclose mo sa buhay ngayon, yung mga taong walang preno magsalita at magkomento sa mga kamalian mo, yung mga prangka, yung mga kasama mo sa buhay na hindi nagsasawang tawanan ka sa mga kapalpakan mo sa buhay pero handang bumawi ng palakpak kapag natutunan mo ring bumawi sa kamaliang ginawa mo. Sila ang hulog ng langit sayo para matutunan mo at makita ng mas malalim ang tunay na ibig sabihin ng buhay.
Kabanata VIII - uso
April 26, 2009
Madalas akong hindi kumain noon sa school. Kung kakain man ako, onti lang. Nagiipon kasi ako noon para sa tamiya. Mahal pa noon ang original na tamiya. 300-600php ang pinakamura sa pagkakatanda ko. At di yun kayang ipunin agad ng grade 1 na kagaya ko, kung sakali, laos na ang tamiya. Nakabili ako ng fake na tamiya sa tindahan malapit samin sa halagang 25php. Mura talaga kaya kinagat ko na. Hindi na nahirapan ang tindero na utuin pa ko. Ingat na ingat ko ang tamiya kong yon. Di nagtagal, nagbukas ng isang paligsahan ang nasabing tindahan. Maliit na tournament lang naman ito. May entrance fee na 25php para makasali. Gawa sa alulod ng bubong ang race track. Matinding pinayuhan ang mga batang kalahok,kasama ako, dahil lubhang mapanganib - ang race track. Matatalas ang tabi ng yero. Bawal mag saya pag nanalo ang tamiya mo, baka maitulak mo pa kasi ang katabi mo at sumubsob sa nasabing mapanganib na race track. Maraming kasali. Isa sa mga dahilan ba’t gustong gusto ko ang tamiya ay dahil pinagbubuklod nito ang mga bata, matanda at isip bata. Hindi ko inaasang manalo ang 25pesos kong tamiya na may sticker ng parang zebra. Di ko maalala ang pangalan niya. Basta kulay zebra at hugis salagubang. Nang makita ko ang mga tamiya nila, wow! Super customize na ang karamihan, ung iba may matataas na bakal sa gilid,maninipis ang gulong at ung iba may ilaw-ilaw pa. Parang ng tricycle. Pero hindi nagpatalo ang zebragubang kong tamiya. Masyadong mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Dahil sa masyado ng mabibilis ang mga makina nila, kitang kita ko kung papaano magtalunan sa race track ang mga tamiya nila at parang nagsasabing “waaaa!!ayoko na..di ko kaya ang pwersa ni zebragubang!!”. Natakot ata sa tamiya ko. Hindi lang siguro talaga pulido ang pagkakagawa ng race track na gawa sa yero kaya nagtatalunan ang mga laruan nila. Buti pa yung sakin. Slowly but surely. Disqualified na ang kalaban ko dahil nanakbo palabas ng race track ang tamiya niya,ung sakin, parang namamasyal sa luneta. Mabagal pero nakakatapos. Championship. Umabot ng championship si zebragubang ko. Medyo matanda na ang nakalaban ko kaya medyo nadaya ata ako. Mabilis ang tamiya niya, Pero nagawan niya ito ng paraan. Nilagyan niya ng bato ang tamiya niya sa pamamagitan ng lastik o rubberband. Madaya. Isang round lang ang kelangan ko para manalo. Umpisa na. Hindi nag tagal, tumalon padin ang tamiya ng kalaban ko. Ansaya ko! Pero bago pa man ako magpafiesta, huminto si zebragubang ko. Pagod na. Anak ng kulani. Wala ng battery. Dahil sa wala na kong pamalit, wala na kong maiilalaban para sa 2nd round. Talo. Pero okay lang. May napatunayan na ang 25pesos kong tamiya kumpara sa mga mamahaling tamiya ng iba na hindi mo alam kung tamiya ba talaga o palaka. 2nd place ako. Nanalo ako ng 25 pesos. Bawi lang yung pinang bayad ko para makasali sa nasabing tournament. Kung baga sa lotto, balik taya.
Matagal naghahari harian ang tamiya sa mga bata o masasabing pati narin sa matatanda. Grade 1 ako ng una itong umuso. Grade 3 naman ako ng unti unti itong lumaos. Hindi naman mababakante ang panahon pagdating sa uso. Lalo na sa mga laro o laruan na pang bata. Sumunod dito ang Crash gear (na di ko sigarado kung tama ba ang spelling na ginamit ko),at beyblade (na isa pang hindi ko rin sigurado kung tama ang spelling ko), hanggang sa mga trading cards o playing cards kagaya ng NBA,pokemon, yugioh at madami pang iba. Sabi ng lola ko,hindi pwedeng walang uso. Dito masaya ang tao. Dati trumpo at saranggola ang uso. Ngayon, sa probinsya nalang ako nakakakita ng mga ito. Huling beses na pumunta ako sa probinsya namin nakakita pa ko ng mga batang naglalaro ng saranggola gawa sa dyaryo at plastic. Gusto ko silang kuhanan ng litrato bilang “proof of existence” nila at ipasa sa national geographic channel ngunit kahit anung gawin kong anggulo,mukha silang UFO sa camera ko, pang discovery channel.
P.S. kung hindi mo alam ang crash gear, beyblade at tamiya may discount ka na sa jeep.
•••
Sabi nila, nasa computer-age n daw tayo. Kaya naglipana na ang mga bagong kagamitan na masasabing sosyal o “hightech”. Dati usong uso beeper. Isang bagay na nakakatanggap ng maiksing mensahe. Hanggang sa lumabas at umuso ang mas malalaking gadget na tinawag na cellphone. Noon, pag mas malaki ang cellphone, mas mahal, yun ang uso. Ngayon, paliitan na ang labanan. Nauuso na rin ang mga kagamitan na mas nagpapadali ng gawain. Kagaya ng computer na instant na ang pag reresearch, di kagaya noon, na kailangan mo pang pumunta sa library para lang mag research. Mga makinaryang naglalaba para sayo, mga ilaw at gripo na kusang sumisindi at natulo, mga pintong nagbubukas para sayo. Mga likha ng tao na dulot ng katamaran. Yan ang uso. Pero sa kabilang banda, dumadami ang nawawalan ng trabaho dahil unti unti ng pinapalitan ng makina ang mga gawang tao. Bukod sa malakas sa kuryente na dahilan para mas manganib tayo sa banta ng global warming, maraming nawawalan ng trabaho dahil pinapalitan na ng makina ang mga dapat ginagawa ng tao para pang hanap buhay at pang tustos sa pangangailangan ng pamilya. At isa pa. Inulit ko lang sinabi ko. Pampadami lang.
•••
Dahil nga sa lumalago na ang teknolohiya ngayon,usong uso na yung mga cellphone na may built-in camera, uso na rin yung mga digicam kung saan makikita mo agad ang resulta ng mukha mo pagkatapos mong kuhaan. Malayong malayo sa makalumang sistema na kailngan mo munang ipadevelop bago makita. Pero kapansin pansin rin ang mga posing na mabentang mabenta ngayon. Side view. Kung hindi naman e nakanguso. Hindi ko alam kung bakit kadalasan e nakanguso at nakatigilid ang pose sa pagpapapicture. Hindi ko alam kung mga mga tinatagong kulani o kulugo sa kabilang parte ng mukha kaya nakatagilid, at hindi ko rin lubos makita kung anong kacute-cute sa pag nguso. Wala lang. Siguro nga uso lang talaga.
”O ready na,wacky..1…2..3″
-paglabas ng litrato, nakanguso at naka”peace” sign. Isa pang pamamaraan ng pagpose sa kamera na namana natin kina sanchai.
•••
Marami noon ang mahihilig magbasa. Sa totoo lang, mas madami ang mga nag bebest seller na libro noon kesa ngayon. Mas trip na kasi ngayon ng tao ang mga palabas o yung mga naka video na lang. Kung tutuusin mas astig nga naman pag nanunuod ka lang, mata mo lang at isip mo lang ang kelangan mong paganahin - kaparehas ng pagbabasa. Pero mas mabilis tinatanggap ng utak mo ang mga nakikita mo. Kung ako ang tatanungin, mas gusto ko magbasa, mas kontrolado mo ang mga bida at bawat eksena. Pati lugar ng pinagyayarihan, nasa utak mo nakasalalay. Kadalasan pag nagbabasa ako, inilalagay ko ang sarili ko sa katayuan ng bida,mas ramdam mo ang aksyon at kwento. Mas cool. Kaya naman nauso ang mga librong isinapipilikula ngayon. Kanya kanyang bersyon at interpretasyon sa bawat librong isinasabuhay. Mabenta naman ito. Nasa tao na rin ang desisyon, kung manunuod ka na lang at hahayaan mong kontrolin ng iba ang imahinasyon mo, o mas eenjoyin mo ang kwento kung saan maari kang bida? At bakit nanginginig ka kapag naihi? Uso ba?
•••
Tahimik. Lahat naghihintay. Ingay lang ng orasan at mangilang ngilang magkakakilalang nagkwekwentuhan. Handa na ko sa entrance exam para sa papasukan kong kolehiyo. Kitang kita ko ang pagkakaiba ng bawat isa, mula sa pananamit, at pananalita. Siguro, yun ang uso sa lugar nila. Tahimik ko lang silang pinagmamasdan. Mula sa buhok na tayo tayo, at mabibilang na nagtataglay ng iba’t ibang kulay ng buhok, makikita mo at mararamdaman mo ang pagkakaiba noon, kesa ngayon. Jologs. Yan yung laging kasunod pagkatapos ng uso. Jologs ka kapag napagiiwanan ka na ng uso. Kapag hindi mo alam ang ‘in’ sa ‘out’. Dati pormal na pormal ka kapag planchado ang buhok mo, yun tipong hindi magugulo kahit ilang bagyo at sakuna ang dumaan. Ngayon, parang dinaanan ng ilang bagyo at sakuna na ang mga buhok. Mamamatay ang sinumang butiki na malalaglag sa bumbunan ng nasabing ‘in’ na hairstyle. Kapansin pansin din ang mga damit na tinatawag na “talking shirts”. Usong uso raw ito ngayon. Ito yung mga damit na may nakasulat, at tipong mapapabasa talaga at mapapaisip ang mga makakakita. Isa sa mga nakasabay ko mag exam e may nakalagay na “t*ngn*ng gwapo ko talaga.” sa harap ng tshirt niya. Gusto kong tanong kung saan niya nahiram yung tshirt niya pero bago pa man ako magtanong, tumalikod siya, at sa likod ng tshirt niya, may nakalagay na “Bakit aangal ka??”, sa nakita ko, mukang di ko kakayaning pumalag. Ayokong mahimlay ng maaga. Natapos ang exam, naghihintay na lang kaming lahat na pauwiin, nakakatamad na, hinikab ako (at maniwala ka man o maniniwala ka talaga, habang tinayp ko yung salitang “hinikab”,hinikab ako.),kapansing pansing madaming sumunod sa pag hikab ko. Sabi nila, nakakahawa daw yun. Gusto kong tumayo sa harapan at magtanong, “Bat kayo humikab? Uso ba?”.
•••
Bukod sa usok mula sa mga sasakyan at pabrika, naglipana at nagkalat sa kung saan saan ang usok ng yosi. Nakakapagtakang isipin na dati, puro matatandang may balbas at tatoo lang ang makikitaang may hawak ng ganito,pero ngayon, kahit ata totoy na kakatuto lang magsulat e humihithit na nito. Bisyo. Hindi ko alam kung sino ang epal na nagpauso nito kumita at magkapera lang. Hinango ata sa salitang perwisyo. Maliban sa gastos, hindi ko mahanapan ng tamang dahilan ang mga taong patuloy na nahuhumaling sa pag gamit nito.Bukod sa yosi, pabata ng pabata na rin ang lumalaki ang tyan dahil sa labis na pag inom ng alak. Sa mga pagaaral, nakakatulong makalinis ng katawan ang alcohol. Sabi ng iba, uso daw ‘to,cool at astig ka pag ganito ka. Pag hindi ka nagyoyosi, hindi ka-in. Pag hindi ka umiinom, KJ ka o kaya walang pakisama o kaya mahina ka. Pero kagaya ng mga gasgas na script sa commercial ng gamot pampurga,”ang kahit anong sobra ay nakakasama.”. Ewan ko kung bakit ang dami paring nagpapakalunod sa alak bukod sa mapait nitong lasa. Sabi nila, nalilimutan daw nila ang mga problema nila kapag nakakainom sila. Siguro dahil sa sasakit ang ulo nila kinabukasan at kung papaano nila pupunasan ang sariling suka sa tulog na kainuman, at ito naman ang dapat nila munang problemahin. Masarap ang beer sa probelamado, masakit ang bulsa ng nanlibre kaya mamomroblema na rin siya, dahilan para masarapan na rin sa binili niya. Pero bakit nga ba beer o iba pang alak ang iniinom kapag problemado? Pwede namang strawberry jam, virgin coconut oil o acetone? Pero sa totoo lang madami naman talagang ibang pagpipilian. Kelangan mo ba talagang mahilo at malasing para lang makalimot? Bukod sa mga ito, kalat na kalat na rin ang pag gamit at pagkalat ng bentahan ng mas matinding bisyo, ang mga pinagbabawal na gamot. Bawal nga e. Ang kulit talaga ng mga tao. Kung anung bawal, mas pilit na ginagawa. Kung anong tama, hirap gawin o hirap sundin. Minsan nakakapagtaka na talaga. Adik na nga ba ang lahat ng tao dahil sa labis na kasakiman sa isang bagay na nais makamit? O biktima lang tayo ng sakit na tinatawag na katangahan. (Konsensya: Iho, walang taong tanga. Tanga.)
•••
“hang mang knee huwaw law death two hay mow keng tow ngaw. Yan ang dasal kung saan mapupuno ka ng kulangot na may kasamang pigsa at mamatay ang alaga mong aso, pusa, kambing, bayawak, ipis at garapata kapag hindi mo ito naipasa sa lahat ng kakilala mo sa loob ng dalawang segundo.” Nakatanggap ka na ng ganyan? Usong uso yan ngayon sa mga cellphone, emails at kung saan saan pa. May napanuod ako noon, parang interview sa mga “witch”, sabi nila, totoo ang kulam, minsan ginagamit nila ang mensahe sa cellphone o text para maipasa ang kulam o sumpa. Kinabahan ako noon, kaya sa tuwing nakakatanggap ako ng ganyan, talagang pinapasa ko. Pero bukod sa napapagod ako, wala ng iba pang nagyayari kung maipasa ko man o hindi. Hindi ko alam kung anong nasinghot ng nagpauso nito. Anong dahilan niya para magpakalat ng lagim at magimbento ng mga salitang mukang kinuha sa ingredients ng peanut butter gawa sa dubai? Uso. Hindi ko parin maintindihan kung bakit may mga salitang USO? Ano ang mga batayan para masabing uso ang isang bagay? Paano mo masasabi kung laos na ito? Sa totoo lang, hindi ako naniniwala dito. Para san pa ang kalayaan ng bawat isa na makapamili ng kanya kanyang gusto kung may dapat batayan at gayahin? Hindi ba’t nakakasanayan lang naman natin ang isang bagay kaya ito nauuso? Paano kung nauso ang walang saplot? Masasabi mo pa kayang malaswa ito kung sanay naman tayo? Paano kung sa mga panahong ito nauso ang bonnet, long sleeve, boxer shorts, long socks at rambo slippers bilang formal? Mababaduyan ka parin ba kung sanay na tayong ganun talaga ang suot kapag formal? At bakit patuloy mong inaabangan ang mga kabanatang isinusulat ko? Uso ba?
Kabanata VII - mannerism
April 25, 2009
“Yuck! Wag mo naman masyado ka-pasok, kaya lumuluwag yung butas eh.kadiri ka!”
Yan palagi kong sinasabi sa kaibigan kong nakagawian ng mangulangot. Nangungulangot siya kahit wala namang kulangot. At higit sa lahat,nangungulangot siya ng hindi niya alam. Nakikita na lang ang sarili nyang nakasalpak ang daliri sa ilong. “Ayan nanaman, nangungulangot nanaman ako..” Sabay tawa. Yan ang lagi kong naririnig sa kanya. “Subukan mong pigilan kaya?” banat ko sa kanya. “Wala eh, mannerism ko na talaga.” Napag isip isip ko tuloy,ansagwa namang mannerism nun. Pero sa tingin ko unti unti niya yung maalis lalo na ngayong nag o-OJT na siya sa wyeth. Matindi raw ang kalinisan dun, cellphone (na sinasabing napaka duming bagay na masasabing mas malinis pa ang inyong kubeta kesa rito.) nga daw bawal. Pgil na pigil siya mangulangot kapag nasa OJT siya. Ipinapamulsa niya yung kamay niya mapigilan lang. Bakit nga ba may mannerism? Dahil ba nasanay ang katawan natin na gawin ang isang bagay na paulit ulit nating ginagawa kaya hindi natin napapansing ginagawa na pala natin ito ng hindi sinasadya? At ang tagalog ba ng mannerism ay manerism?
•••
Marami sa atin ang may manerism. Kung ang pag tulog ay manerism, manerism ko yun. Konting sandal, nakakatulog ako. Pero paano nga ba natin nasasabi na ang isang bagay ay manerism? Kapag hindi na ito normal? O kapag hindi na talaga ito mapigilan? Maaari bang magkaron ng manerism sa pag gamit ng mga salita? Kagaya ng isang kakilala, manerism na daw niya ang gumamit ng salitang “tsk.” pag nagsasalita siya, weird pakinggan pero wala siyang magawa dahil hindi naman niya ito mapigilan. Pag nakaupo, nakasanayan kong iyugyog ang tuhod ko. Lalo na pag naghihintay. Masama daw yun. Hindi ko alam kung may kinalaman sa pag init ng mundo ang pag yugyog ko ng tuhod pero masama daw yun. Hindi ko naman mapigilan. (Sa katunayan, habang tintaype ko itong mga salitang to,napansin kong iyinuyugyog ko ang tuhod ko. Kaya pala mainit.) Ang pagbibiro kaya? Maaari ba itong ituring na manerism?
Yung matalik kong kaibigan nung highschool, naging parte na ng buhay nya ang pagbibiro. Minsan nagiging problema pa namin ito. Madalas kaming kamuntikan ng mapaaway dahil sa “normal” niyang pagbibiro. Mahilig kami sa mga ihaw ihaw. Lalong lalo na sa isaw. Isang beses sa ihawan:
Kaibigan ko: Magakano to? (nakaturo sa tenga ng baboy)
tindero(halata sa muka niyang hindi siya pinoy,parang bumbay ata ang lahi): Burdi beysos.(40 pesos)
Kaibigan ko: ha?(natatawa na)birdie? hindi ho birdie,eto hong tenga.
tindero: Burdi nga.
Kaibigan ko: Hindi nga birdie,etong tenga! birdie ka ng birdie jan eh.
(malaki ang katawan ng nasabing tindero,at humawak na ng itak kaya pinigilan ko na ang kaibigan ko.)
Ako: Hoy. 40 daw. hindi birdie.
Kaibigan ko: ah ganun ba? hihihihihihi..birdie daw..hihihihihi..(patuloy na natawa.at masama na ang tingin ng tindero,kaya bago pa man kami gawing ihaw ihaw,umalis na kami.)
*Isinulat ko ang pagtawa niya bilang “hihihihi” hindi dahil pacute ito, ganyan talaga siya tumawa.
**Ang mga sumusunod na paksa ay may maseselang salita at kwento. Pasintabi lamang po sa mga kumakain.
Sa tuwing may open forum kami, pilit siyang nagpapakaseryoso, pero nauuwi lang sa katatawanan. Ibat ibang kwento ng buhay niya ang naipamahagi niya sa amin. Ang kagandahan sa mga kwento niya, Totoo ito. Sadyang comedy lang talaga ang buhay niya. Ilan sa mga ito ay ang pagkwento niya ng ipinanganak siya. Malaki ang pasasalamat niya sa Diyos dahil nabuhay pa siya, bukod sa menoposal baby siya, may kayakap daw siyang tumor nung paglabas niya sa sinapupunan. Kakambal pa nga daw niya ito ayon sa kanya. Kaya pala muka siyang Tumor. Naranasan na din niyang mapasukan ng gamu-gamo sa pwet habang natae. At hinding hindi ko makakalimutan ang ichura at reaksyon nya habang kinekwento niya kung hanggang saang daliri ang napasok niya sa pwet niya habang dinudukot ang gamu-gamo. Tuwang tuwa siya ng makalabas ang gamu-gamo at nagulat siya ng buhay pa ito.
Nag away na ba ang magulang mo sa harap niyong magkakapatid? Ito ang kwento ng buhay niya na sobrang mapapaiyak ang makakarinig. Isang gabi. Hapunan. Sila ay tahimik na kumakain, ngunit nabasag ang katahimikan ng magsalita ang tatay niya. “SINONG NAGSAING?HINDI PA LUTO ANG KANIN”. Sabay dabog ng kutsara sa lamesa. “Ako ang nagsaing..” malungkot na sagot ng nanay niya sabay lupasay sa lapag at nagiiyak. “ANO BA YAN,PAGOD AKO SA TRABAHO TAPOS GANITO MAABUTAN KO DITO?blah2….” patuloy sa pag sasalita ang kanyang tatay.. Hangang sa nabaling ang galit ng tatay niya sa kanyang ate.”IKAW?WALA KA NA NGANG NATUTULONG DITO..blah2..” agad na sumagot ang ate niya “AKO?ako na nga nagbabayad ng meralco…blah2…” patuloy ang pagtatalo,patuloy padin ang paglupasay at pagiyak ng nanay niya.”LALAYAS NA KO DITO..blah2..” sagot at hindi na makapagpigil na ate niya. “papa,ate, wag na kayo magaway..” sagot ng kaibigan ko habang kayakap ang kuya niya at umiiyak. Nag empake na ang ate niya. Wala na silang nagawa. “papa hindi mo ba pipigilan si ate?” sabi ng kaibigan ko sa kanyang tatay, “HUWAG,pabayan mo ate mo,matanda na yan.”. Hinatid ng kaibigan ko ng kuya niya ang ate nya,ngunit sa kasamaang palad,walang trycycle. Kaya hindi nakaalis ang ate niya. Ang ending,bati bati na ulit sila.
Jan nagtatapos ang kwentong pinamagatang “Nang dahil sa hindi lutong kanin..”
Hindi ako magaling magkwento ng naikwento na sa akin, kaya marahil hindi mo masyado naramdaman ang aksyon sa kwento ko. Pero nung siya ang nagkwekwento sakin,hindi ko alam kung matatawa ako o maiiyak. Pero bakit nga ba may mga taong normal na ang pagbibiro? Masasabing manerism ba ito? O sadyang ganun lamang sila talaga. Panu kung makasanayan mong tumalon habang nakalabas dila at maging manerism mo ito? Dahil nga ba nakasanayan natin ang isang bagay kaya nabubuo ang manerism? Paano pag nakasanayan mong magnakaw?Pag nahuli ka ba ng pulis pwede mo bang sabihing “manerism lang ho sir.”… At bakit ang korni na ng mga sinasabi at kinekwento ko? Manerism ko na kaya ito? (sign of the cross.)
•••
Sa jeep, habang nagpupuno ng pasahero, may napansin ako sa isang babae na malapit sa pintuan o labasan ng jeep. Nakaupo siya……habang ngpapalobo ng laway sa dulo ng dila. At hindi lang yun, pagkatapos niya itong palobohin sa dulo ng dila niya, hihipain nya ito dahilan upang lumutang at makisabay sa hangin. Gusto kong mandiri pero mas lamang ang paghanga ko sa ginagawa niya. Perstaym ko makakita ng ganun. Gusto ko siyang palakpakan, kaso masyadong maraming tao. Siguro manerism nya lang ito, narinig ko kasi yung kasama niya na sinabihan siyang tigilan ito, pero sumagot siya na hindi nya raw ito mapigilan. Sa pag uwi ko ng bahay, nakita ko na lamang ang sarili na sinusubukang magpalipad ng pinalobong laway. Pagyayabang ko sana sa pasukan sa mga klasmeyt ko.
•••
Parte na sa buhay ng tao ang makakilala ng iba’t ibang klase ng tao. Kasabay nito ang panghuhusga. Hindi natin to maiiwasan o mapipigilan pero kusa itong napasok sa ating mga isipan. Hindi naman ako basta basta nanghuhusga, pero kapag binigyan mo ko ng dahilan o nagpakita ka ng paraan o ugali sa akin na kahusga husga naman, doon ako magsisimulang magisip kung tama ba ang nakikita ko, o mali lang ang ipinapakita mo. Halimbawa na lang sa mga taong mahilig mag mura. Sabihin na nating, Nakasanayan na. Nagmumura ako. Hindi ko mapigilan eh. Pero nakokontrol ko naman at hindi palagi. Yun ang hindi ko maintindihan sa mga bisyo ng magmura. Yung tipong ikamamatay nila pag hindi sila nakapag banggit ng kahit anong klaseng mura sa loob ng isang oras. Kaunting bagay. Mura. Kaunting pagkakamali. Mura nanaman. Sobrang kaligayahan. Anak ng pating. Mura padin. Sabi nila, “eh?bakit ba?nakasanayan ko na kasi eh, tska, wala namang masama,di ka naman mamatay kapag nagmura ka diba?”. Pakialam ko nga naman. Pero hindi ako sang ayon na “walang masama.” Masama dahil hindi naman ito tama. Masama sa tenga. Hindi magandang pakinggan. At hindi rin ako naniniwalang hindi ka mamatay sa mura. Marami ng kaso ang naipahayag na may namatay dahil sa pag aaway. Pag nakikipag away ang karamihan. Nagmumura. Kahit sa mga bata, jan naguumpisa ang pag tatalo at nauuwi sa hindi pansinan ng magkalaro.
-Sa isang nursery room.
Boy1: Hahaha. Ang cute nang drowing kong pig o!
Boy2: HAHAHAHAHAHAHA. Pig pala yan, akala ko kanina fish.
Boy1: Anyabang mo ah! Panget mo naman tumawa, parang ****.
Boy2: Bat may mura pa? Bat may mura paaa???? Di mo ko nipapalamon ah..wag mo kong mumurahing **** ka.
Boy1: Eh bat ka din nag mumura?blah2…
Nakakalungkot pero sa mga panahong ngayon e talamak na ang mga batang nasusunog ang bunganga dahil sa pagmumura. Nung bata pa ako, hindi pedeng hindi ka dudura at hindi mo aapakan ang dura mo kapag nagmura ka. Ngayon, Hindi ka na “in” kapag hindi ka nagmura. Sa totoo lang naniniwala akong malaki ang epekto ng mga taong nasa kapaligiran simula sa magulang hanggang sa mga kaibigan.Kung manerism nga ito. Masama to. HIndi tama. Hindi dapat.
Nakasanayan. Hindi mo naman makakasanayan ang isang bagay kung hindi mo hahayaang masanay ka dito. Kadalasan, naiimpluwensiyahan lang tayo. Pero bakit mo hahayaang maimpluwensiyahan ka. Sa buhay, hindi mo kinakailangang sanayin ang sarili mo sa mga bagay na hindi ka naman pinapaboran. Hanapin mo kung saan ka papaboran ng buhay, tsaka mo sanayin ang sarili mo.
Kabanata VI - takot
April 20, 2009“Hala ka..may tren na lalabas jan!”
Ayoko at takot akong magkasugat nung bata pa ko. Malamang. Sino bang may gusto? Pero hindi lang yun ang dahilan ko. Natatakot akong may lumabas na tren sa sugat ko. Yan ang panakot sa akin noon. “Pag hindi mo nilagyan ng gamot yan may lalabas na pari jan.”. Hindi ko alam kung anong koneksyon ng pari at kelangan niyang lumabas sa sugat ko basta sumasagot na lang ako noon ng, “opo..opo..(punas uhog..)nikukuha ko na nga po ung betadaym o.huhuhu..”. Normal lang na manakot ang mga magulong lalo na’t mga bata pa lamang tayo. Siguro dahil ayaw nilang masaktan tayo o masugatan (pero naisip kaya nila na maari tayong mabaliw kakaisip kung papaano lalabas ang tren o ang pari sa sugat natin?o sige, kahit yung riles na lang.sige nga,pano??) Bawal akong masugatan nung bata ako, bawal akong lumabas. Ewan ko. Kaya labis labis na pananakot na lang ang naririnig ko wag lang akong lumabas. Pero nung nasugatan ako, nalasap ko ang unang sakit ng buhay. Masakit pala. Dun ko nalaman kung bakit ayaw nila ko magkasugat. Pero simula nung nasugatan na ako, malaya na kong nakakalabas at nakakapagalaro. Tutal e naranasan at naramdaman ko na, ulitin ko na. Isa pa ulit. Dahil lumalaki na ko, hindi na epektib ang paglabas ng tren sa sugat ko bilang panakot. Alam kasi nilang nakumbinsi ko na ang sarili kong kahit riles nito ay malabong lumabas. Akala ko,wala na silang pananakot sakin, meron pa pala. Napunta ang takutan tungkol sa maligno, engkanto, multo, aswang, lamang lupa at lamang ref..Ayokong nauwi sa probinsya namin dati dahil sikat na sikat dun ang mananaggal. Ayoko ding nalabas ng bahay dahil may nuno daw na nagbabantay ng bahay namin doon. (At buong akala ko,ang mga unano ay ang mga nuno.Kaya paniwalang paniwala ako sa kanila,lalo na pag may nakikita ko sa TV na unano. “Wow,yan siguro ung White dwarfs,ambait eh,galing pa umakting parang tao.”) Hindi rin ako nagiiwan ng tsinelas sa labas ng bahay dahil meron daw kulto na bumubulong sa mga tsinelas,at pag gabi,maglalakad ka magisa,isusuot ang tsinelas mong binulungan at pupunta ka sa malayong lugar at hindi na muling makikita pa.Dahil sa mga ito, ilang gabi rin ako hindi makatulog. Iniisip ko silang lahat. Noong mga panahong yun, uso ang brownout. Di ko alam kung samin lang yun dahil di kami nakakapagbayad, basta pag brownout, uso rin ang mga nakakatakot na kwentuhan. Ako ang unang unang nagyaya at ako ang nagdadala sa usapang tungkol don, pero ako rin ang unang umaayaw at gumagawa ng paraan para mapunta ang usapan sa kwento nina sanchai at dao ming xe. (grade 6 ako nun kung hindi ako nagkakamali.)
•••
Nagtataka ako sa tuwing nanunuod ako ng horror kasama ang pamilya ko o kaibigan. Bakit tinatakpan ng unan ang kalahating mukha kapag natatakot? Samantalang nakasilip naman ang isa pang mata? Nakakadagdag ba ito ng tapang? O nababawasan ang nakakatakot na mukha ng halimaw,multo,maligno,nuno at kulugo kapag nakapikit ang isang mata?
Balik tayo nung medyo mas bata pa ako. Takot akong magmura noon. (Pati ngayon,di ko lang mapigilan.) Dahil mas bata ako sa ilang mga kalaro ko noon, mas nauna silang natutong magmura kesa sa akin. At kapag naririnig ko sila mag mura, automatic akong magsasalita ng “Aaaaaayyyy??waaag mo na uleeet sasabihin yuuuunn..Hummmbaaaadddddd yunn…Baddddd talagaaaaaaaaa…Nakuuuu…..” Parang retarded. At kapag napamura naman ako ng hindi ko sinasadya, may ritwal akong ginagawa. Pantanggal malas at kasalanan daw sabi ng kalarong nagturo sakin.
ako: Hahahahaha!!nakakatawa naman kung pano siya nadapa! Para siyang *****! Ay? sh*t! Wahhh. Nakadalawang mura ko..naku!naku!(papaluin ang bibig at kakagatin ang dila tapos dudura ng dalawang beses[dalawang mura kasi] pag kadura,aapakan ang dura - gawin ito sa pinakamabilis na paraan na magagawa mo.)….Whew!Buti nalang!(panatag na ang loob na parang siguradong sigurado ng sa langit pupunta.)
•••
Maraming natatakot sakin pag dating sa text o sulat. Madalas kasi akong gumamit ng (!) exclamation mark. Alam ng karamihan, pag may ganitong marka,galit na. Paulit ulit din ako sa pagdadahilan at pagpapaliwanag na hindi ako galit. Maraming gamit ang markang ito. Maaring gamitin pag nagulat ka, may matinding emosyon na namuo sa kaibuturan ng puso mo, kapag masyado kang masaya, nanalo ka sa lotto, may malaking sale o discount sa mall o napa-utot ka. Pero paano kung ginagamit nga ito kapag galit lang?
“Congratulations!”-labag sa kalooban niya ang pagbati niya, galit pa e?
”Horayyy!!!!Panalo tayo!!!” - panalo na nga galit pa?
“Hehe!” -waaaahh..galit siya na tumatawa..parang ogag.waaa…
•••
Basahin mo ito:
BABA.
BASA.
KITA.
May mas malalim nakahulugan ang bawat salita. Hindi mo lang ito napapansin dahil mas tinitingnan mo yung literal na ibig sabihin nito. Parang sa pagkatao ng bawat indibiduwal. Paano mo binasa ang mga salitang nakita mo? Binasa mo ba yung unang salita bilang baba,na parang “*baba sa jeep” o baba na parte ng katawan ng tao? E yung pangalawa? Basa na parang “nagba*basa ng libro” o Basa na “basang *basa ng ulan”? Yung pangatlo,Kita bilang “mahal *kita” o “ang *kita ng isang driver”? Iba’t ibang pangingin. Iba’t ibang pananaw bawat tao. Jan ako takot. An tingin ng bawat tao sa pagkatao mo kahit hindi ka naman nila kilala.
-bago ako magpagupit-
sabi ng iba:
“pagupit ka na,kapal na ng buhok mo,para kang adik.”
sabi rin ng iba:
“ang cute mo naman sa buhok mo,para kang anime,kamuka mo si conan!”
-pagkatapos akong sintensyahan ng pagkakalbo-
sabi ng iba:
“ayan!mas bagay sayo ang ganyan!”
sabi rin ng iba:
“ay?anu nagyari sayo?pero ayos lang.anime padin dating,para kang si picolo.”
Kanya kanyang trip lang yan. Kanya kanyang pananaw din. Sa pagkatao, ganyan din. Minsan, o madalas pa nga, mas nagiging mapanuri tayo lalo na sa panlabas na anyo. Pero dito mo masusukat ang mga tunay na kaibigan. Takot ako mawalan ng kaibigan. Pero bago ka magkaroon ng kaibigan, madami kang pagdadaanan. Kung bago ka sa isang lugar, maraming mga matang mapanuri sayo. Kahit kaunting mali mo, mapupuna. Pag pinakita mo ang galing mo, mayabang ka. Ganyan ang naranasan ko noon nung paglipat ko school. Maraming lumalapit para makipag kaibigan, pero malaman laman ko, andaming sinasabi sa akin pag nakatalikod ako. Okay lang. Hindi naman ako yung napapagod para pag aksayahan ang buhay ng ibang tao. Sabi nila, una unahan lang daw, kapag naunahan kang sabihan ng isang kwento tungkol sa isang tao, malaking bahagi ng pagkatao mo ang maniniwala kahit na malaking pursyento din ang nagsasabing maaaring hindi ito totoo, pero dahil nga mas nauna mong narinig yung bagay na yun,paniniwalaan mo yun. Masama na agad ang taong naikwento sayo kahit na hindi mo naman siya lubusang kilala. Makwento ako. Pero sinisigurado ko na ang kinkwento ko, totoo. Kadalasan, kapag nakita ng iba may ibubuga ka, hihilahin ka nila pababa. Sa panahon ngayon, mahirap na matukoy ang mga tunay na kaibigan sa mga taong nagpapanggap lang.
•••
“Walang permanente sa mundong ito kundi pagbabago..”-linya yan ng isang karakter na ginampanan ko nung nagbida ako sa palabas na “Sa ngalan ng ama” noong nasa teatro pa ako. Pagbabago. Kitang kita mo na ngayon ang pagbabago. Sa lahat ng bagay o aspeto, kalakip nito ang salitang pagbabago. Sa klima? Malaki ang kahulugan ng salitang pagbabago dito. Takot ako sa Global Warming. Ito yung unti-unting pagbabago ng klima dahil sa libo libong dahilan - na syempre, gawa nating mga tao. Maraming pananaliksik na ang nagawa at nagpatunay na totoo ang Global Warming. Maaraw,biglang uulan. Dahilan para magkasakit ang karamihan sa atin at kapansing pansin ang dumadaming mga pawisang kili-kili at singit. Isa isa naring nagsulputan ang kabi-kabilang proyekto patungkol dito. Sapat na ang mga napanuod kong palabas para matakot na nagpapakita ng mga magiging resulta ng mundo natin kapag hindi natin ito napigilan. Sabi nila, may magagawa pa raw tayo upang malabanan ito. Pero may magagawa nga ba tayo kung kahit ikaw mismo, aminado na kadalasan, napapasawalang bahala na lng natin ang mga bagay para makatulong dito. Hindi pa gaanong katagalan ang pagkakadiskubre sa dalawang planeta na maihahanay sa mga tinatawag na exoplanet o mga planetang nasa labas ng solar system natin. Anong meron sa dalawang planetang ito? Nakitaan ng pagkakahawig sa ating mundo. “One is close to the right size. The other is in the right place.”. Tinawag ang dalawang planeta bilang Gliese 581 e at Gliese 581 d. Sinasabing posible ang buhay dito bukod sa mga haka hakang may mga dagat rin dito kahawig ng sa atin. Merong 350 planeta na ang nadiskubre sa labas ng ating solar system, ngunit ang karamihan ay masyadong malayo sa kanilang araw na dahilan upang magyelo ang sino mang mapunta dito, at ang iba naman ay sobrang lapit sa kanilang araw,dahilan upang walang sino mang may buhay ang makakatagal. Ang mga planeta sa labas ng solar system natin ay halos kasing laki ng jupiter, pero ang Gliese 581 e, 1.9 na beses lang ng laki ng daigdig natin. Maliit. Silang dalawa ang sinasabing maaring lipatan ng mga tao kapag hindi napigilan ang Global warming. Pero may problema. Dahil sa nasa labas na ito ng ating solar system, 20.5 lightyears o 119 trillion miles ang layo nito. Hindi kayang lakarin. Pero kailangan nga ba natin ng malilipatang planeta kung kaya naman nating isalba kung anong meron tayo ngayon?At hihintayin pa ba nating may lumubog na bansa at bumaha ng dahil sa labis na pawis mula sa kilikili bago pa tayo umaksyon?
•••
Hindi ako takot sa ipis. Sa lumilipad na ipis,Oo. Natuklasan ko ito nung nalaman kong hindi ako takot sa aso,pero sa tumatahol na aso,Oo. Ewan ko. Kung baga sa tao,para silang may special talent. Pag ipis kasing nakakalipad, pede kang dapuan nito kung saan,pumasok sa bibig mo at kagatin ang tonsil mo. Pag nagapang lang, olats! Kalyo lang ng paa ang katapat. Bakit nga ba may nalipad na ipis? At meron din namang hindi marunong? Kung iisipin mo, may pakpak ka, pero di ka naman marunong lumipad, sayang naman diba? Kapag nakakakita ako ng ipis, naiisip ko ang pilipinas. Maraming may mga pambihirang talento ang karamihan sa mga pinoy. Kung baga sa ipis, may pakpak ng naibubuka, pero dahil sa kulang na suporta ng gobyerno, napipigilan nito ang paglipad ng nasabing ipis. Hindi ko alam kung bakit may mga ipis na pilit pinipigilan ang paglipad ng kanilang kapwa ipis. Kung tutuusin mas magiging malaya tayong lahat kung ang bawat isa ay magtutulungan sa paglipad ng kapwa ipis at sabay sabay nating iipisin ang buong mundo. Muahahahahahahahahaha. (~the end)
Marami akong kinatatakutan,lalo na nung bata ako. Pero ang nakakatuwang isipin, takot ako hindi mismo sa bagay na nakakatakot. Takot ako sa ibang bagay na resulta ng nakakatakot na bagay. Mahilig ka ba sa cherry? Ako paborito ko yun. Pero mas paborito ko nung bata ako yung local version nito - alatiris. Di ko sigurado kung yun ba talaga ang tawag don. Sabi nung nakaaway ko nung elementary, ataliris daw, ung iba tilapiris, ung ibang tawag,di ko na pinansin kapag mukang nasa ilalim ng impluwensya ng vetsin mula sa cornik ang umapila. Mahilig kami umakyat ng puno at kumuha at punuin ang ilang plastic ng alatiris para gawing kanin. Isang beses, makulimlim na hapon, pumunta kami sa suki naming puno ng alatiris. Pinsan ko na driver ng aming super customized na side-car, at dalawang pinsan kong babae na nakaupo lang, parang sasagala sa flores de mayo, at ako na taga tulak sa likod ng side-car. Sumama sa amin ang isa naming kaibigan na medyo nakakatanda sa amin. Elementary kami noon, ung sumama sa aming kaibigan, magtatapos na ata ng highschool ng mga panahong yun. Masaya ang pagkuha namin ng alatiris. Nakakailang plastic at drum na kami ng mapansin naming nawawala ang nakakatanda naming kaibigan. Kinabahan ako dahil may mga balibalita na may nangunguha daw ng bata sa lugar na yun at ginagawang pataba sa lupa. Tumahimik ang lahat. Nagkatinginan kami ng mga pinsan kong pareparehas may takot sa mga mata. Ilang segundo pa, may gumagalaw sa may damuhan. “HUWAG KAYONG KABAHAN,WALA YAN.” matapang kong sinabi sa mga pinsan ko habang pasimpleng nalayo para mabilis na makatakbo. Agad na lumabas ang nilalang sa likod ng damuhan. Yung kaibigan naming matanda na may bitbit na balat ng mahabang ahas! Nagsigawan ang mga pinsan kong babae kasama ng pinsang kong lalaki na nagdadrive ng side-car, takbo kaming lahat sa side-car. Ako, todo tulak. maligtas lang ang buhay namin sa galit na galit na balat ng ahas. Malayo na narating namin, ng bigla akong nadulas sa pagtutulak, nakaladkad ako sa likod ng side-car. Sa hindi mapaliwanag na dahilan, di ko naisip na bumitaw sa hinahawakan ko,(o hirap lang talaga ko magisip?) dahilan upang mabutas ang pajama na suot ko kasabay ng pagkabutas ng tuhod ko. Mga ilang taon pa ang lumipas bago maisip ng pinsan kong itigil ang side-car. Ng tumigil siya, huli na ang lahat dahil (1)miniskirt na ang pajama ko at (2)ubos na ang tuhod ko. Umiyak ako hindi dahil sa wala na kong tuhod at patuloy sa pag agos ng dugo, kundi dahil nasira ang paburito kong pajama. Yun ang huling natatandaan kong kumain ako ng alataris.
•••
Napadalas na rin ang paguwi ko ng gabi. Hindi pala. Madaling araw. Kinakabahan ako palagi hindi dahil sa mga masasamang loob na kumakalat sa labas. Kinakabahan ako dahil mahirap na sumakay. Minsan wala pang masakyan. Mahirap. MInsan napipilitan akong maglakad. Dahil ayoko maghintay ng matagal. Di bale ng pagod ako,wag lang mababakante na walang gagawin. At least pag naglalakad ako, marami akong maiimagine, pedeng may sumaksak sakin,mang hold-up, may adik na bumaril o kaya mga lasing na pagtripan akong gulpihin. Ok na yun kesa maghintay. Pero sa totoo lang, normal na sakin ung magisip ng mga ganung bagay, lalo na sa mahabang byahe, lagi kong naiisip na panu kung may ligaw na bala na pumatak sa bumbunan ko, o kaya adik ang katabi ko,itulak ako sa gitna ng highway, o kaya katapusan na ng mundo,umulan ng apoy, huli na ang lahat para sa global warming at kakainin ng lamang dagat ang buong kabihasnan. Isang beses,habang naglalakad ako pauwi,may tumigil sa harap kong van, muntik na ko manakbo dahil akala ko sila yung nangunguha ng lamang loob at ibebenta sa palengke, magtatanong lang pala ng daan saan papuntang tagaytay, konkreto at eksakto ang bawat liko at pasikot sikot na itinuro kong daan sa kanila. Ngunit pagkaalis nila, napagisip isip ko na papuntang cavite pala ang tinuro ko, hindi tagaytay. Pero bago pa man lumayo ang sinasabi ko, isang gabi, mali, isang madaling araw, umuwi ako, wala ng jeep. Isang jeep na lang,nasa bahay na ko, di pa ko mapagbigyan. Naghintay ako sa tapat ng 7eleven. Nang biglang may humintong jeep sa harapan ko. Sumakay ako. Pag pasok ko, apat na lalaki ang nasa loob. Nangamba ako ng mapansin kong nakakunot ang mga noo nila.Pawang nakataas ang mga paa nila. Naisip ko, maluwag nga naman ang jeep para sa aming lima. Nakitaas ako ng paa at bahagyang humiga pa. “TUMAL NG PASAHERO NG GANITONG ORAS NO?”. Napawi ang pagkakunot ng noo nila at napalitan ng ngiti. Hindi ko alam kung may balak silang pagsamantalahan ako. Nung iaabot ko na ang bayad ko, “MAKIKISUYO NGA PO NG BAYAD.” - tska bumanat ang lalaki na may kalakihan ang katawan habang nakangisi. “BOY, PRIVATE JEEP TO.” - hindi ko na alam kung anong nangyari pang kasunod. Nakita ko na lang ang sarili kong bumababa ng jeep,naglalakad na pauwi at tumatawa magisa. Muntik na ko pagkamalang may sira sa ulo ng guardiya ng subd. namin.
Isa sa mga kinatatakutan ko,kamatayan. Hindi lang ako. Marami sa atin ang takot dito. Pero wala ang sino man sa atin ang makakapipigil. Takot ako mamatay dahil alam ko marami pa kong hindi nagagawa,hindi natututunan,hindi natutuklasan, hindi napapatunayan at marami pa kong tanong na ngangailangan ng sagot. Pero kahalintulad sa mga naunang naisulat ko noon, kelangan nating lumaban sa buhay kagaya ng paglaban ng mga ipis, kulugo, kuto, surot, garapata, langaw, lamok sa kabila ng pagiging insekto nila. Hindi nila hinahayaang magpatalo sa buhay, bagkus ay kuntento na sila sa buhay na ipinagkaloob sa kanila.
Huwag mong hayaang lamunin ka ng takot na nagtatago sa likod ng isip mo. Gamitin mo ito para matutunan ang isang bagay na tinatawag nilang pagtanggap. Mabuhay ka ng masaya na kahit ang kalungkutan ay ngumingiti na dahil hindi ka niya mapalungkot, mabuhay ka ng maayos na tipong ayaw na ni kamatayan na kunin ka,at lumaban ka na kahit ang kapalaran ay sumusuko na dahil alam niyang mananalo ka.
Kabanata V - sining ng pakikipagtalastasan
April 12, 2009“Nakakautot ba talaga ang kamote?”
Isang paksang nais kong bigyang pansin sa isang talumpati namin nung 1st sem ng pagiging 1st year college. Sinong scientist ang unang nakadiskubreng nakakautot ito? Sabi nila meron daw itong carbon monoxide na kapag humahalo sa gastric juices na inilalabas ng ating laway (may laway pala sa bituka) at hangin mula sa kapaligiran na nilalanghap natin na tinatawag nating oxygen,ay nakakabuo ito ng isang kemikal upang makapaglabas ng isang uri ng gas na tinatawag nating utot. Sabi rin ng tatay ko, “Anak,tama na. Puro kasinungalingan ang tinuturo mo sa mambabasa mo.” Kaya babawiin ko ang sinabi ko. Hindi ko talaga alam kung bakit sa dinamidami ng pagkain sa mundo ay yung nananahimik na kamote pa. Oo,nakakautot ang kamote. Pero hindi lang kamote. Kahit anong kainin mo, basta mapasobra, uutot ka. Promise.
Talumpati. Parte ito ng isang exam namin para sa subject na Sining ng pakikipagtalastasan. Wala na kong ibang paulit ulit na narinig pa sa subject na yon kundi ang kahalagahan ng pagsasalita. Komunikasyon. Mahalaga ang komunikasyon. Nagumpisa ang mga ninuno ng ninuno ng ninuno ng lolo natin sa pag gamit ng mga tunog bilang komunikasyon. Hanggang sa nakabuo na sila ng mga salita tulad ng “what’s up?” at “yes yes yo!”. Dito ipinanganak ang mga salita. Salita na palagi nating ginagamit sa pang araw araw. Sa paglaon ng panahon unti unting isinilang ang iba’t ibang uri ng salita at nagsasalita. Ang katotohanan tungkol sa mga salita ay maari kang magimbento ng sarili mong salita. Halimbawa. Kung sa isang normal na bata,ang pagsabi ng salitang “inom” ay “mamam”, sa isa kong napakalapit na kaibigan,ang salitang inom ay hindi lang basta basta “mamam” noong siya ay bata pa,bagkus ay nagisip siya ng iba pang tawag para dito. At sa mura nyang edad,napag desisyunan nyang tawagin ang “inom” bilang “bilon-bilon”. Hindi ko alam kung saang parte ng diksyunaryo nya nakuha ang salitang iyon pero malaki ang pag hanga ko sa kanya. Sa murang edad ay naisipan agad niya ng bonggang bonggang pamalit ang salitang “inom”. Ang totoo niyan,sekreto lang naming dalawa yun,kaya titigil na ko dahil alam kong pagnabasa niya ito,makakatikim ako ng isang bonggang bonggang gulpe.
Nangunguna na sa listahan ng mga uri ng tagapagsalita ay ang mga “taga-debate”. Hindi pwedeng walang explanasyon pag dating sa mga taong ito. Lahat ng bagay may dahilan ayon sa kanila. Hinding hindi sila papatalo sayo kahit sa simpleng pagtatalo. May mga naging kaklase ako na ganito ang tinataglay na espirito sa katawan. Minsan sinubukan kong magtanong sa klase nung hayskul, “Ano ang nauna, manok o itlog?”. Unti unting umubo ang mga taong ito na tila alam na alam ang isasagot. Tumayo ang isa kong kaklase na itatago ko sa pangalang Goyong.
Goyong: Itlog! Sapagkat walang pangagalingan ang manok kung walang itlog.
(Agad itong kinontra ng isa pang nilalang sa klase na may ganito ring uri ng espirito. Itatago ko ang pangalan nya bilang Inday.)
Inday: Mali. Mali. Mali. San ba nalabas ang itlog? Sa manok! Kaya paano mo nasabing sa Itlog nagumpisa ang lahat??
(Nagpalakpakan ang mga kaklase ko,naghiwalay ang mga lalaki na kampi kay Goyong at mga babae naman kay Inday.)
Goyong: Bakit inday..blah blah blah blah….(patuloy at hindi nagpatalo)
Inday: Eh kung di ka naman pala *tooot* blah blah blah…(hindi rin nagpatalo.)
(makalipas ang subject na math,science,TLE,english,mapeh at filipino. hindi pa matatapos ang kanilang usapang kung hindi dahil sa mabigat na binitawang salita ni Goyong)
Goyong: ITLOG nga inday! Bakit? Sino bang nauna? Si eba o si ADAN?
(palakpakan ang mga lalaki. at sabay sabay kaming hinatid sa guidance office.)
Sumunod sa mga taong ito ay ang mga “tipid sumagot”, sila yung mga taong napakasigla pag natutulog at tila tulog pag gising.
BF: Hi chocomucho labidabs with caramel and cheese! Kamusta ang subject mo?
GF: hehe.
BF: Ang saya saya mo naman chocomucho labidabs with caramel and cheese, siguro mataas grade mo no?
GF: di.
BF: Hayyy…nakakainlab ka talaga sumagot. Di ako nagsisising ikaw niligawan ko! Pagnagsasalita ka, pakiramdam ko 2yrs old ka lang. Ang cute cute mo tlga chocomucho labidabs with caramel and cheese, Gusto mo maglunch tayo dun sa sosyal na bagong bukas na computer shop?
GF: k.
Malalabong Sagot. Eto naman yung mga sagot na pinaka masarap marinig. Gusto kong umiyak kapag ganito ang sagot sakin sa mga tinatanong ko.Hindi mo alam kung may problema sa pagiisip ang mga taong ganito o hindi lang talga nila naintindihan ang tanong mo. Minsan kapag pinuna mo,mangangatwiran pa,ikaw pa ang mali. Ito rin yung mga taong kapag tinanong mo,sasagutin ka din ng tanong?
San ka na? - Malapit na.
Anong oras ka pa maliligo? - Mamaya pa.
Asan kayo? - Magkakalayo kami.
Kelan exam sa PE? - Meron ba?
Anong oras na? - Maaga pa.
Nananawagan po ako sa ahensya ng pamahalaan na maglabas ng batas ukol dito. Salamat po.
Hindi ko naman matimpla ang mga taong sobrang seryoso. Kaunting tanong mo lang,kahit napaka galang ng pagkakatanong mo,magkakapasa ka sa murang matatamo mo. Hindi mo sila pedeng biruin. Pagsamahin mo na ang lasing at bagong gising wala paring panapat sa mga taong ito.
Boy: Puuuuwwweeedee pooooong magtanoonggg??san pooo ba unggggg…..
Lalaki: HINDI! ******* KA. ANDAMI DAMING TAO AKO PA? ***** KANG BATA KA. **** KA BA?? BAKIT MO YAN TINATANONG? DI BA DAPAT ALAM MO YANG ****** *** KANG BATA KA?!
Ipagbigay alam lang po sa mga kinauukulan ang mga ganitong pangyayari.
Kabaliktaran ng mga taong ito ay ang mga taong sobrang mapagbiro. Sa bawat salita mo,may kalakip na biro ang kadugsong ng mga binibitawan nilang salita. Minsan,sa pagiging natural ng mga biro sa kanila, hindi na nila napapansin na hindi na nakakatuwa ang sinasabi nila.
Joker: Bat ganun yung nanay mo mukang palaka? Joke lang! hihihihi.. Pero pramis talaga.. Muka siyang palaka.. Natatakot nga ko dumikit baka magkakulugo pa ko,maging magkamuka pa tayo.. Joke lang! hihihihi… Pero talaga tol.. Para kayong palaka.. hihihi.. Joke lang ulit..
Kausap: @#%%!!? wag ka ng mag papakita sa bahay namin kala mo!
Yan ang masamang epekto ng pagiging sobrang mapagbiro bukod sa minsan ay hindi mo sila makakausap ng matino. Ngunit ang kagandahan naman sa kanila, ay hindi mo sila makikitaan ng problema.
Bukod sa mga ganyang uri ng tagapag-salita, natutunan ko rin ang iba’t ibang uri ng salita. Ngunit hindi ko na iisa isahin pa. Yung peyburit ko na lamang. BALBAL. Binigyan din kami noon ng isang gawaing pang tahanan. Maghanap ng halimbawa ng balbal. At ito ang ilan sa mga nalikom kong halimbawa.
1. Baktol - Ang ikatlong lebel ng mabahong amoy sa kili-kili. ang baktol ay kapareho ng amoy ng nabubulok na bayabas. Ito’y dumidikit sa damit, at humahalo sa pawis. Madalas na naaamoy tuwing registration, sa elevator o FX.
2. Kukurikapu - Libag sa ilalim ng b***s. Madalas na namumuo dahil sa labis na baby powder na inilalagay sa katawan. Maaari ding mamuo kung hindi talaga naliligo o naghihilod ang isang babae. Ang KUKURIKAPU ay mas madalas mamuo sa mga babaeng malalaki ang *****.
3. Mulmul - Buhok sa gitna ng isang nunal. Mahirap ipaliwanag kung bakit nagkakaroon ng MULMUL ang isang nunal, subalit hindi talaga ito naaalis, kahit na bunutin paito, maliban na lamang kung ipapa-laser ito.
4. Burnik - Taeng sumabit sa buhok sa pwet. madalas nararanasan ng mga taong nagti-tissue lamang pagkatapos tumae. Ang BURNIK ay mahirap alisin, lalo na kapag natuyo naito. Ipinapayo sa mga may BURNIK na maligo na lamang upang ito’y maalis.
5. Alpombra - Kasuotan sa paa na kadalasang makikitang suot ng mga tindero ng yosi sa quiapo. Ito’y may makipot na suotan ng paa, at manipis na swelas. Mistulang sandalyas ito ng babae pero kadalasang suot ng mga lalaki. Available in blue,red, green, etc.
6. Bakokang - Higanteng peklat. Ito’y madalas na dulot ng mga sugat na malaki na hindi ginamitan ng sebo de macho habang natutuyo. Imbes na normal na balat ang nakatakip sa bakokang, Ito’y mayroong makintab na takip.
7. Agihap - Libag na dumikit sa panty o brief. Nabubuo ang AGIHAP kung ang panty o brief ay suotsuot na nang hindi bumababa sa tatlong araw.
8. Dukit - Ito ang amoy na nakukuha kung isinabit mo ang daliri mo sa iyong pwet o sa pwet ng iba.
9. Spongklong - Ito’y isang bagong wikain nangangahulugan isang estupidong tao.
10. Lapongga – ***** **** ** ***** ****** **** ** ******
11. Weneklek - Ito ang buhok sa utong nakadalasang nakikita sa mga tambay sa kanto na laging nakahubad. Meron din ang babae nito.
12. Baktung - Pinaikling salita ng BAKAT-UTONG.
13. Bakti - Bakat panty.
14. Asogue - Buhok sa kilikili.
15. Barnakol - Maitim na libag sa batok na naipon sa matagal na panahon.
16. Bultokachi - Tubig na tumatalsik sa pwet kapag nalalaglag ang isang malaking ebak.
17. Butoytoy - **** ng bata.
18. Jabarr - Pawis ng katawan na kaamoy ng kilikili o singit.
19. Kalamantutay - Mabahong pangalan.
20. McArthur - Taeng bumabalik after mong i-flush.
“Ako po ay nanunumpa na ang nilalaman ng mga halimbawang ito ay hindi ko ginawa. Nakita ko lang po yan sa Google. Promise po. Promise po. Wag nyo po ako isumbong kay mommy. Sige na po…. “
Habang hindi pa nakakarecover sa mga balbal. Pagusapan naman natin ang isa pang matitinding uri ng tao ayon sa pagsasalita. Sila ang mga Pilosopo, A.K.A pampam,epal,papansin at di naman kasali. Hindi ko maisip kung sino ba talaga ang mga mali? Yung tanong? O yung sagot ng piloposopo? Halimbawa:
San ka na?
-Sa jeep pa din.
Yung eksaktong lugar mo jan!
-Kaliwa,pangatlong pasahero mula sa pintuan ng jeep.
Hindi ako nakikipagbiruan.
-Sino bang nagbibiro? Adik ka?
Kung kikilatising mabuti. Tama naman ang sagot. Tama din naman ang tanong. Pero bakit may mga pinanganak na sadyang pilosopo? Hindi kaya ang tanging paraan upang magapi ang mga taong ito ay sa pamamagitan ng pagtatanong ng maayos?
Saan ang eksaktong lugar na yang jeep na sinasakyan mo habang tumatakbo ng mabilis?
-Ahh.. Dito na ko Expressway.
Hindi ba mas magiging maayos? Bakit ang pagiging pilosopo ay nagiging katawa tawa minsan ngunit sa karamihan ng pagkakataon, ay nakakainis? Pero aminin mo, Kapag natuwa ka sa namilosopo sayo, gagayahin mo ito sa iba. At sa ganyang paraan dumadami ang dugong philosoper. (O?eepal pa yan.eepal pa yan.tama na.tapus na eh.)
Kabanata IV - nananahimik na titik
April 4, 2009Madalas akong mabagot. Lalo na ngayong bakasyon. Hinahanapan ko ng dahilan ang sarili ko para malibang. At isa na rito ay ang pagbabasa. Gusto ko magbasa. Marami akong natutunan at maraming bagay na hindi ko maintindihan ang unti-unti kong nahahanapan ng paliwanag. At sa pag babasa ko,may napansin ako. Bakit nga ba may mga ’silent letters’?
Unti unti nanamang may gumuguhit sa noo ko. Question mark. Sabi nila,kung hindi mo kailangan,alisin mo. Pero bakit may mga ’silent letters’? Bakit may mga letrang pilit na sumisiksik sa bawat salita kung hindi naman sila napapansin at pinapansin? Bakit may mga titik na isinasama sa mga salita kahit na hindi man lang sila nabibigkas? Ikaw? Sasama ka ba sa marcha ng mga gagraduate kung hindi ka naman graduating?
Sabi ng kababata kong si wiki: In an alphabetic writing system, a silent letter is a letter that, in a particular word, does not correspond to any sound in the word’s pronunciation. Silent letters create problems for both native and non-native speakers of a language, as they make it more difficult to guess the spellings of spoken words or the pronunciations of written words.
Kahit siya ay aminado na nagpapahirap lang ang mga ito. Sino nga ba ang unang gumamit ng mga salitang meron nito? At sinong adik ang nagpauso at nagsabing “wow,cool ito ah.mapakalat nga.(sabay hithit.)” . Kung ako ang tatanungin, ayoko nito. Bukod sa ilang beses na kong napahiya nito nung bata pa ko sa tuwing nagbabasa ko ng libro, nahihirapan din ako i-spell ito noon. Sabi kasi ng nanay ko “anak,madali lang mag spell, baybayin mo lang ang mga salita.halimbawa, Ba-ba-e. Babae.” At siyempre,susundin ko ito. Kaya pagdating ko sa aming eskwelahan nung kinabukasan,nagkaroon kami ng hindi inaasahang spelling bee sa subject namin ng english. Nagumpisa ng magsalita ang english teacher namin, sa kanya ko unang nakita ang imahe ng isang call center:
“howkey cless,spell de word..”
1. plumber
sagot ko: plamer.
2. doubt
sagot ko: dawt.
3. pneumonia
sagot ko: (nagsimulang mamuo ang dugo sa ilong ko) new moon nya.
4. psalm
sagot ko: (sure na sure na ko rito) SALM.
5. cupboard
(ako: maaaaammm..ken yu pleaseeeeee repeeaaatt da worrddd??
teacher: neww.[no] ) sagot ko: kabog.
6. dough
sagot ko: (sus naman.) dow .
7. receipt
sagot ko: (pinipigilan ang pag agos ng dugo sa ilong) re-sit
8. pseudonym
sagot ko: (sabi na nga ba bisaya si mam) show the name.
9. psychiatrist
sagot ko: (nahihilo na at unti unting namumutla) ?????
10. supercalifragilistic expialidocious
sagot ko: (tuluyan ng hinimatay at itinakbo sa clinic,sa unang pagkakataon nagamit ang “for emergency,please call….” sa likod ng ID.)
Nakalimutan ata ng teacher namin na grade 1 ang handle nya. Hindi ko din alam kung bakit ako mali,binaybay ko naman ang bawat salita. Dito pinakilala sa amin ni teeaaaaaccchhhheeerrrr ang ’silent letter’. Matagal bago ko sya nakasundo. Isa lang talaga ang tingin ko sakanya. Pahirap. Papansin. (Pampam. Epal. Di naman kasali. Di naman kasali. Nyeh nyeh. Di ka naman namin bati. Behlat. Wag mong papansinin yan.) Lalo kong hindi nakasundo si ’silent letter’.
Akala ko noon, salita lang ang may silent letter. Pero habang lumalaki ako, marami akong nagiging kaibigan. Kasabay nito ang pagkakapansin ko sa mga pangalan. Pati pala mga pangalan ay may ganito. Halimbawa. May naging schoolmate ako na ang pangalan ay Vaughn. Hindi mo sya babasahin bilang Va-ug-hun. Simple lang. VON. Yun na yun. Meron din akong nakilala nung highschool, Paulette. Pero kagaya ni Vaughn,hindi mo sya babasahin bilang pa-u-let. Simple lang din. Poley. Oo. Poley,at ayoko ng paulet ulet. Ang mga ito ay impluwensya ng mga kano. Bukod sa pinahihirapan nito ang bata sa pagsusulat, pinahihirapan din nito ang mga magbabasa.
____
Daddy: anak, 3yrs old ka na. isulat mo na ang pangalan mo.
Baby Zandeleigh: opo dada. (pilit na sinubukan isulat ang pangalan)
Papel: sandale.
Daddy: anung sandale? gusto ko ngayon na!
Baby Zandeleigh: ayan na po dada. (muling isinulat ang pangalan)
Papel: sandaleee
Daddy: ang kulit mo naman anak eh. sabi ko ngayon mo na isulat pangalan mo,sandale ka ng sandale jan.
____
Mabuti pa ung mga bansang nasa middle east madaling kausap pag dating sa pangalan,kayang kayang baybayin ng mga bata. Kagaya ng mga pangalang Abdulkarim,Abdula,Abdulraman at Advil. Hindi na kinakailangan pang pahirapan pa. Isipin mo na lang kung halos lahat ng salita ay may silent letter.
Boy 1: anugh ka ba? angh bough bough mo nahgman egh!
Boy 2: acou’p pa ngayon ang bough bough, egh ikhaw ang hindi nahgiingat?
Boy 1: buhquit? guhstough mo sughntukhan nah lang egh.
Nauso rin ang paglalagay ng letrang H sa mga pangalan. Patok na patok ito lalong lalo na sa mga kabataan. Para sa kanila,gumaganda raw ang pagkakasulat ng pangalan nila pag may ganitong letra. Halimbawa. Ang pangalang Kimberly, ay magiging Khimbherlhie,pero kimberly padin ang basa at di mo ito babasahin bilang Kihimbeherlihieee.Kagaya ng Antonio na magiging Ahntohnioh. Ngunit Antonio padin ito at hindi ahhhhhntoooohhhnnnyooohhhh. May galit ata sa letter H ang nakaisip nito. Kawawa naman ang may mga hika. Hahapuin ka muna sa pagbabasa ng mga pangalang ganito bago mabigkas.
Pero sabi nga ni madam auring, lahat ng bagay ay may dahilan kung bakit ito nagaganap o nagyayari. Maraming salita lalo na sa ingles ang magkakapareho kaya kinakailangan nitong lagyan ng isang titik upang maihiwalay ang pagkakaiba ng isang salita. Halimbawa: whole - hole, hour - our, plum - plumb. At sa ibang kadahilanan,ang tinatawag nating historical change. May mga salita noon na unting unting nagbabago ang pag bigkas sa bawat paglipas ng panahon, ngunit hindi na napapalitan pa ang spelling ng salita.
Kahit na may mga dahilang ganito,hindi parin ako kumbinsido kung bakit nga ba may mga silent letters. Subalit kahalintulad ng palaging sinasabi sa akin ng mga inaaway kong kalaro nung maliit pa ko. “WALANG PAKIALAMANAN”.
Kabanata III - gutom
“For all too many life is continous struggle against hunger, mal nutrition, polluted drinking water, infectious disease, ignorance, oppression and violent conflict”
-UN secretary-General Kofi Annan
“The curse of poverty has no justification in our age. It is socially as cruel and blind as the practice of cannibalism at the dawn of civilization, when men ate each other because they had not yet learned to take food from the soil or to consume the abundant animal life around them. The time has come for us to civilize ourselves by the total, direct and immediate abolition of poverty”
-Martin Luther King,Jr.
“walang batang gutom as lemon square cheese cake”
-sabi ng bata sa isang commercial ng tinapay
Poverty, kahirapan, gutom o kung anu-ano pang iba’t ibang klase ng katawagan. Maraming mahirap sa buong mundo. Dito sa pilipinas? Ramdam mo ang kahirapan. 1.3 bilyong katao sa buong mundo ang nakakaranas ng matinding kahirapan. 800 milyon dito ang hindi na nakakaranas makakain ng tatlong beses sa isang araw. 840 milyong matatanda naman ang walang pinagaralan - 538 milyon dito ay babae. 1.2 bilyong tao naman ang hindi nakakainom at walang pagkukuhaan ng malilinis na tubig. Samantala, sampu sa pinakamayayamang tao sa buong mundo ay may net wealth ng 133 bilyong dolyar - higit pa sa isa’t kalahating kinikita ng isang mahirap na bansa. Isipin mo na lang kung gaano kalaki ang pera nila na nahigitan pa ang kinikita ng isang bansa, pwede nilang ipapalit ang mga milyong milyong pera nila sa mga barya at maligo sila rito. At kung iisipin mo nga naman, ang buong mundo ay gumagastos ng 92 bilyong dolyar para sa chichirya (junkfood) at 66 bilyong dolyar para sa pampaganda o cosmetics. Parang mas nabibigyang pansin pa ang mga bagay na ito kaysa sa mga naghihirap na tao sa buong mundo.
Kahit saan mo tingnan, as pera umiikot ang buhay ng tao. 90% sa pinoproblema ng bawat tao ngayon - PERA. Minsan kahit napaka daming pera na ng isang tao,namomroblema pa ito kung papaano ito palalaguin at pararamihin. 22% din ng sa mga dahilan ng mga namamatay sa mundo ay pagpapakamatay —- ng dahil sa pera. Carnaper, kidnaper, snatcher, budol budol, hostage taker, shop lifter, mandurukot, magananakaw, manloloko at iba pa. Lahat ng ito ay tila nabubuo na para bang palabas sa TV, may kontrabida, susulsulan ng kontrabida ang isang wlang kamuwang muwang na tao. Mauudyukan ang tao. mamumuo ang maiitim na balak, masamang plano, masamang budhi, libag at maitim na kilikili sa nasabing tao. Boom! unti unti ng dadami ang mga taong ganito. At anu pa nga ba ang kadalasan nating naririnig sa tv kapag nahuhuli sila ng mga police o ni captain barbell? “gipit lang po talaga kami sa PERA,wala pong pang enroll ang kapatid ko,may sakit ang aso ko at kelngan nyang maoperahan,nagugutom ako,blah2.” - at kung anu anu pa. Pero isa lang ang tinutukoy,PERA. Ang gera ngayon sa middle east, ay sanhi ng pinagaawayang mga imbak ng krudo. Krudo na ibinebenta. Krudo o langis ang isa sa mga pinaka mahalaga at pinakapangangailangan ng mga bagay ngayon sa mundo. Parang nursing, in demand. Kaya malamang, pera pa din ang tingin sa krudo o langis.
Mapunta naman tayo sa pulitika. Hindi ako galit sa mga politiko, sila lang muna ang pagiinitan natin matapos kong makakita ng sandamakmak na posters at commercials ng mga nagbabalak tumakbo sa darating na eleksyon. Bakit nga ba maraming naghahangad na makapasok sa pulitika? Bakit may mga senador o iba pang katayuan sa gobyerno ang gumagastos ng bilyong piso para sa kanilang commercials, leaflets, pamaypay, lapis, notebook, tarpaulin, banners, streamers, candy wrapper, sobre na pawang may mga mukha nila para tumatak sa isip ng botante ang pagmumuka nila. Bakit ang iba’y bumubili pa ng boto sa halagang 500 - 10,000php para lamang sa isang boto? Hindi naman hamak na may mas malalaking kumpanya ang nagpapasweldo na mas higit pa sa sinusweldo ng mga senador? Bakit hindi na lang sila magpatayo ng sariling mall? Negosyo. Oo. Negosyo ang tingin nila sa pag pupulitika. Pero naniniwala akong hindi lahat ng pulitiko ay ganito. May mangilan ngilan din namang may malilinis na mithiin para sa ating bayan. Kung pulitiko ka at nakaramdam ka ng galit, poot, inis, at pagkasuklam sa akin habang binabasa ito, isa ka sa mga sinasabi ko.
“iaangat ko sa hirap ang pilipinas!” (habang pinipilit na ngumiti, sabay lunok at pahid ng pawis sa noo at batok)
Iilan lamang sa mga gasgas at paulit ulit kong naririnig tuwing papalapit ang eleksyon. Parang script ng isang sikat na palabas o commercial, mabenta kahit paulit ulit.
Kung talagang bukal sa puso nila ang pagtulong sa mga mahihirap at nagugutom, hindi na nila pa kinakailangan pang tumakbo sa pulitika at gumastos ng bilyong bilyong salapi para lang sa pag papamuka sa sambayanan ang muka nila kalakip ang slogang “ako ang sagot sa mga tanong nyo!”. Bagkus ay gamitin na lamang ang mga perang ito direkta sa pagbigay sa mga nangangailangan. Hindi na kinakailangan pang tumakbo upang maging parte ka ng gobyerno. Kung hangad mo lang ay tumulong sa kapwa, hindi mo na kinakailangan pang maging sikat para lang maipamahagi mo ang yaman mo. Sa totoo lang lahat tayo ay may kakayahang tumulong sa bawat taong naghihirap. Kung taus puso ang pagbibigay mo sa kapwa mo, may matatanggap kang mas higit pa sa ibinigay mo.
Hindi ko alam kung bakit may mga taong mayayaman at may taong mahirap. Wala ang sinuman sa atin ang nakapamili kung anung klase ng buhay ang ating mararanasan kapag ipinanganak na tayo. Naisip ko lang kung lahat tayo ay makakapamili ng magiging stado ng buhay natin bago pa man tayo lumabas sa tyan ng ating nanay, wala ng salitang “poverty”. Nagaaral tayo para mag katrabaho, gusto nating magktrabaho dahil nais nating magkapera. Pera. Hindi ko parin maintindihan kung anung meron sa kakarampot na tanso at sa kakapirasong papel na ito at bakit napakaraming nagpapakamatay para dito.
Kabanata II - araw ng paghihintay
ala una..
alas dos..
alas tres..
patuloy sa pag ikot ang orasan..
alas quatro..
alas singko..
“ay..may swimming nga pala kami.makaligo na.”
Isang pangkaraniwang umaga nanaman. Umagang walang tulog dahil sa lintik na insomnia. Ilang araw na din akong di natutulog ng gabi. 5am na ang pinaka maaga. Kadalasan, tulog ako ng umaga hanggang hapon. Pero ngayong umaga,hindi ako mapapagbigyang makabawi sa insomnia.
insomnia - 1
ako - 0
May swimming nga pala kami ng mga kadorm ko. Sembreak na. Kelangan magsaya. Para sa mga ipinasang subject,at dahil next sem na ulit kami makakapagkita kita. Matagal ng nakaplano to. Ngayon lang natuloy.
Umaga na. Umaga na talaga. Hindi ako nakatulog. pag katapos kong maligo,kumain na ko at nagempake, at bago umalis,nag check ako ng gamit. At nung ok na,umalis na ko agad. 7:00am.
Sa totoo lang 4pm pa kami magkikita. Pero hindi ko alam kung anung espirito ang sumanib sakin nung sinabi kong ako maghahawak ng pera. Antimano,kelangan maaga ako dahil mamalengke kami. Kulang kulang 3 oras ang byahe ko papuntang pagsanjan. Ang mga kasama ko? Isang jeep lang,nandun na. Pero ok lang. Di ko naman kasalanang maging masipag,mabait at cute(at uto uto). Pagbibigyan ko na sila. 10am daw dapat nandun na ko sa bahay ng kasama ko dahil mamimili nga daw kami. kaya 7am ako umalis.
Papunta sa lugar ng pagsasakyan ko,sa tabi ng jollibee,nakakapagtaka. Andaming tao,andaming police, andaming tao, at puro tao (sabi sayo madami talagang tao eh.). Sa mga panahong un,isa lang pumasok sa isip ko..
“wow,taping..”
Naglakad ako ng stomach in at chest out,sabay smile. Baka mahagip ng camera o may talent scout na makakita,madiscover. Dahil nga sa madaming tao,inilipat ung sakayan,buti nahanap ko un makalipas ang ilang taon. Nakalimutan ko na ang tungkol sa taping. Kagaya ng ordinaryong araw tuwing papasok ako sa school, masaya kong bumabyahe ng umaga. Madaming tulog. Ibat ibang muka, bakas ang pagod. HIndi ko mapigilan ang sarili kong matawa pag nakakakita ng tulog at naka nganga. Kinukurot ko ang sarili ko para wag lang mapahalata. Dahil nag boyscout ako nung elementary, handa ako para sa tatlong oras na byahe.
cellphone - checked
Ipod - checked
stainless longanisa,libro ni hudas,abnkkbsa npla ko,alamat ng gubat, mc arthur,bakit baliktad magbasa ang mga pilipino(ni bob ong) - checked
Sa lahat ng bagay dito sa mundo,ayoko ng bumabyahe,hindi ko dito nararamdaman ung adventure. Naiinis, nangangalay at pinupulikat lang ang pwet ko. Gusto ko instant, pag magtotour o basta may pupuntahan, lagi kong iniimagine na sana may teleport ako,para instant. (impluwensya ng pelikulang “jumper”)
Nagpatugtog na ko. Pilit na ineenjoy ang mga kanta,wag lang mainip. Nainip padin ako. Nanuod na lang ako ng pelikula. Kahit na purgang purga na ko sa saw 1,2,3,4 at 5 (dahil un lang ang nasa ipod ko). Nanuod padin ako, maubos lang ang oras ko. Wala padin, hindi ko maenjoy dahil halos kabisado ko na mga linya ng bida. kumuha ako ng libro,dahil madami akong dinala. naglaro ako magisa,bunutan. Kung anong mabunot kong libro,un na ang babasahin ko. At dahil ilang beses ko na rin naman nabasa ang mga ito. hindi padin ako natuwa,at dahil nasa byahe ako, ang paghahangad kong magenjoy sa pagbaabsa ay kinain ng pagkahilo. Inantok ako at nakatulog. Sa wakas, naenjoy ko din ang byahe. (hilik)
Muntik na ko lumagpas sa bababaan ko,buti na lang nakanganga ako at tumulo ang laway, nagising tuloy ako sa tawa ng kaninang pinagtatawanan ko.
Pangalawang jeep. Nakasurvive ako sa 1 oras at 30 minutong byahe. 1 oras at 30 minuto na lang. Ulet. Naalala kong hindi ko pala alam ang babaan ko,dahilan upang mawala ang antok at matabunan ng kaba. Umaasa lang ako sa text ng mga ksma ko para hindi maligaw. Wala namang ibang magandang nangyari sa akin nung nasa byahe ako, maliban sa isang text na natanggap ko.
“naabutan mo ung hostage sa jollibee knina?hinostage ung buntis,at nabaril ung guard.”
Napaisip ako at binalikan ang mga nangyre kanina.
Anak ng? Hindi pala taping ung dinaanan at nilakaran ko kanina. May hostage pala. Buti hindi ko agad nalaman dahil kung nagkataon mapapasigaw ako ng…
“caaaaaaaaappppppptaaaaaaiiiiiinnnnnnnn barbell!”
Swerte talaga nung nag hostage.
Sunod sunod na din ang natanggap kong text na napanuod nila sa flash report ang nasabing pangyayari. Sana nahagip man lang ako ng camera habang naglalakad.
Nananakit na ang pwet ko. Nagsasabing “Malapit ka na…”, pero kasabay nito ang pagsigaw ng junior ko. Ihing ihi na ko at nagsasabing “Malapit ka na rin..”. Ilang arko,”mabuhay”,at “welcome” signs na nakita ko. Dumaan na din ako sa rebulto ng isang malaking Itik na may makaling itlog. Malapit na talaga ko.
10:04am na. Sakto lang at tama lang sa napagusapan namin. Nasa mcdo ako,kung saan kami magkikita. Nakahinga na din ng maayos ang pwet ko at nakaihi na din ako. Kagaya ng mga normal na tanong,nagtext na ko sa kasama ko mamimili. Lima kaming mamimili.
“san na kayo?”
at kagaya ng mga hindi normal at malabong sagot,pareparehas silang sumagot.
“malapit na.”
Hindi ko lubos maisip kung saang parte ng pilipinas ang “malapit”. Sa mga oras na ito,nakaramdam ako ng gutom.Umorder muna ko. At ako’y napa- WOW! Binigyan ako ng number. Isa lang ang ibig sabihin ng babaeng nasa counter,”sir,maupo muna kayo,paki HINTAY na lang po at iseserve nalang namin.”.YES!Hanggang dito maghihintay padin ako.Pagkatapos kong malipasan ng gutom,dumating na ang order ko,sabay banat ng “enjoy your meal sir!”.Patuloy na natakbo ang oras. Nakatapos na kong kumain. At unti unti nanaman akong nakakaramdam ng pagkabagot. Malapit na mag eleven, patuloy ako sa pagtatanong kung nasan na sila pero patuloy padin silang nasagot ng “malapit” na.
tik.tak.tik.tak.
Ilang tao na ang nabibilang kong palabas pasok ng mcdo,wala padin sila.hanggang sa dumating na ang isang kasama ko,Tatlo na lang. Nakatadhana talaga siguro ako ngayong araw na to para maghintay. Hanggang sa kumpleto na kami. Bago lumabas, Umulan. Wow, Sakto. Nakashades pa naman ako.
fastforward.Matapos kaming mamalengke,mabasa,dumaan sa hanging bridge,magtanghalian ng alas dos ng tanghali at magluto para sa swimming namin mamaya, eto na! Papunta na kami sa resort.818 resort. Nanakit man ang kamay ko sa pagbubuhat ng mga pagkain, di mapagkakaila ang pagkasabik ko…na kumanta! WOOOHOOOO!!videoke!ü
Wala na kong matandaang ngyare sa amin nung swimming na bukod sa nagswimming kami,kumanta,kumain at naginom. 15 kami lahat lahat. At lahat kami ay naging masaya. Marami sa amin ang maagang natulog. Ako? Dahil sa pagod,natalo ko ang bespren kong si insomnia,nakatulog ako ng 4am. at nagising kaming lahat ng 6am para magayos ng gamit at umalis.nakaalis kami ng 6:30am.
insomnia - 1
ako - 1
Tatlong oras ULIT na byahe..
Pero wala na kong pakialam.
Sa sobrang pagod gusto ko lang matulog. Yun lang.
Hindi ko na naramdaman ang byahe ko. Kahit paputol putol ang tulog ko, hindi ko naramdaman ang pagkabagot sa byahe pabalik ng bahay. Alam ko lang Tulog ako.
insomnia - 1
ako - 2
Nakauwi ako ng 9:30am.Derecho tulog. Nagising ako ng 4:30pm. at ngayon,inaantok padin ako at pagod. Ang hirap talaga pag nagconcert ka. Sa pagtulog,dala ko nanaman ang panibagong alaala at sayang naramdaman kasama ng mga tunay na kaibigan.ü (yawn)
_______________________
insomnia: game over
ako: winner
(insomnia: humanda ka,babawi ako sa ibang araw!(tawang sindikato))
Kabanata I - pagtatanim ng pangarap
Matapos ang subject na personality development sa isang napaka ordinaryong araw ng sabado. Ang cute na cute na ako ay taimtim na naghihintay ng pag sapit ng 12:30pm para sa susunod na klase.Ang NSTP. Excited ako dahil magtatanim daw kami ng puno sa isang liblib na lugar para daw makatulong kay inang mother nature. Ang room namin ay napuno ng ibat ibang klase ng fruit-bearing tree kagaya ng santol, atis, mangga, saging, kamote, alataris,balete,monggo, pakwan, melon, patani, kundol, patola, labanos, mustasa at peanut butter na mayroong hindi bababa sa dalawang talampakan ang laki..12:30 na. Lahat kami ay nasa aming silid aralan na. Ngunit may isang nawawala. Ang aming Guro. Sa totoo lang, 1pm pa talaga ang klase namin. Excited lang ako. At di ko inaasahang excited din pala silang lahat. Ayan na si ma’am. Nag check ng attendance at nagiwan ng ilang mensahe at dapat tandaan kapag nasa lugar na kami ng aming pagtataniman.
“ang inyong ppntahan ay isang baranggay na kilala sa kalinisan. Wag na wag nyong sirain ang imaheng yon. Maganda ang relasyon ng mga letranista noon pa man sa lugar na yon kaya huwag na huwag nyong dudungisan. Maliwanag?”
Medyo madiin ang pag kakabigkas sa salitang “HUWAG”.
Ang klase namin ang nag ayos at naghanda ng rerentahang jeep para sa pupuntahan. Nakarenta kami ng Dalawang jeep. Yehey. DALAWANG JEEP!!!
**gulp. Napalunok ako at pinagpawisan ng malamig.
Lumingon ako dahan dahan sa paligid. 1..2…3…4…5…6..7..8..9………patay.
DALAWANG jeep para sa limangpu’t apat na estudyante?
Wow.
Mukang alam ko na kalalabasan.
Dahan dahan akong tumayo upang mag stretching.
Ang lahat ng studyante ay magmimistulang CONTORTIONIST sa mga panahon ng pag byahe.
**Contortion (sometimes contortionism) is an unusual form of physical display which involves the dramatic bending and flexing of the human body. Contortion is often part of acrobatics and circus acts.
Eto na. Pinalabas na kami ng room. Yung excitement na naramdaman ko kanina eh naging FEAR. Oo, mas gugustuhin ko pang sumali sa fear factor, kumain ng uod at tumalon sa 100ft na building kesa sumakay sa tila horror jeep.(at ilang Segundo nalang ay malalaman mo kung bakit..)
Jeep. Dalawang jeep. Kanya kanyang takbo sa pag pasok sa jeep. Yumuko ako para pumulot ng nahulog kong barya, Pambayad sa renta ng jeep dahil tig-15 pesos daw kaming lahat. Pag tayo ko, Puno na ang DALAWANG jeep. Take note: may mga nsa bubong at nakasabit na. Sa mga panahong yun, nagdadasal ako na ihatid man lang nila ko sa labas ng school para mag comute mag isa o kaya mag flat,mag over heat o majerbs ang driver para pareparehas kami ng kapalaran. Ang mag comute.
Pero bago pa man sagutin ng langit ang dasal ko, may malamig na boses akong narinig.
“dito sa harapan pwede pa!”
Gusto kong umiyak,maglupasay,magpa misa at magpafiesta nung narinig ko ung “pwede pa!” ngunit wala ng oras para gawin ko lahat yun. Nakasakay na ko.Sa wakas. Katabi ko ang partner ko,katabi nya ang teacher namin,at katabi ng teacher namin ang driver. San ka pa? Apat sa harapan. Nag muka man kaming “SARDINES ON WHEELS” ay nakarating naman kami sa aming destinasyon. Sa pag baba ko, medyo nagtampo lang ng onti ang kalahati ng pwet ko, ung kalhati lang daw kasi ang nakaupo.
Agad kaming pinakilala ng aming guro sa isang lalaki. Sya daw si Hepe %&@#.. Hindi ko naintindihan. Pero pamilyar ang lalaki. Hindi ko maisip kung sino,pero pamilyar sya. Agad nya kaming pinulong at sinabihan ng words of wisdom with matching kumpas ng kamay. Naghihintay na lng ako na bigyan kami ng leaflets para sa 2010 election. Ayun!Di ako pwedeng magkamali. Sya ata si Prospero Pitchay.
Pinalakad na kami. With three body guards. Ung tatlo ung taga hawi ng mga Tao,Tryke,Jeep,Bus,Truck,Train,Airplane,Jet,Helicopter at Roller coaster na haharang sa daan namin.
Dumaan kami sa baranggay,makipot na daan, malawak na daan,sa highway, sa palayan, sa palaisdaan, sa ilog, sa sapa, sa dagat, sa bulubundukin, at sa EDSA. Nakalimutan kong NSTP ang dahilan kung bakit ako nandun, akala ko, alay lakad.
Pagkarating namin sa aming destinasyon, maraming nakapukaw ng aking atensyon. Bukod sa magandang ilog, at magandang tanawin may mga nakita akong mangingisda, naglalaba, mga batang nagtatalunan sa ilog, mga batang walang pantaas, mga naliligo sa poso, mga bahay na tagpi-tagpi, gulong sa bubong, matitirik at makikipot na daan. Isang bagay na nagpaalala sakin na kung mayaman ka, hindi lahat ng tao kagaya mo. Kung hindi mo na kinakailangan pang magtrabaho para magkalaman ang tyan mo, may mga tao rin na halos nagpapakamatay may makain lang sa isang araw kahit man lang isang beses. Kung nahihirapan ka ng magaral at naiisipan mong tumigil na sa pagaaral, may mga batang maagang nagtatrabaho makapag aral lang. Kung naiisipan mong magpakamatay dahil pinoproblema mo ang pagiwan sayo ng nililigawan mo, may mga taong iniwan ng asawa at magisang pinalalaki ang kanilang mga anak at patuloy na nilalabanan ang buhay. Kung nagrereklamo ka sa hotdog na niluluto ng nanay mo sa pang araw araw, may mga taong nagpapasalamat dahil may nakakain pa sila sa pang araw araw kahit asin lang o toyo ang ulam. Kung sawa ka na sa mga regalong picture frame, panyo, sabon, tuwalya, wallet at jolina notebook tuwing exchage-gift, may mga musmos na umaasang makatanggap ng kahit ano tuwing pasko.
Bago pa man kami umalis ng eskwelehan ay hinanda ko na ang sarili kong makakita ng lalaking maitim,may eye-bag,sabog ang buhok,hubad,nagkakamot ng tagaliran habang nagyoyosi,pula ang mata at sisitsitan ka para lumapit upang maki tagay,maki-hits o suminghot. In short, Adik, Durugista o May sapi. Hinanda ko narin ang mga mata kong makakita ng mga karatulang nakasabit kagaya ng “do not enter”, “personels only”, “wrong way”, “nawawala ka na boy”, “bawal umihi dito” at “please do not feed the animals”. Pero walang tumama kahit isa man lang dito sa mga naisip ko. Pagka apak namin sa lugar, mukang friendly naman lahat ng animals. Este mga tao. Kumakaway kaway pa sila sa amin, Kumakaway din naman ako. Madali ko sila napakisamahan dahil muka din naman daw akong mabait, matalino at maunawain. Pero sa puntong to, iibahin ko na ang usapan dahil imbento ko lang yun.
Binigyan na kami ng sinyales ni ma’am na pede ng magtanim. Parang isang eksena sa pelikula ang mga sumunod na pangyayari, eksena kung saan may malaking taong tosino, higanteng kumag o nagwawalang lasing ang maghahasik ng lagim. Kanya kanyang pwesto ang mga tao kung saan mag tatago habang wala pang super hero na tatalo sa nasabing kalaban. Ayun, kanya kanyang pwesto kung saan magtatanim. Bawal daw magtabi tabi dahil mag-aagawan daw sa nutrisyon,bitamina at sustanya ang mga halaman sa ilalim ng lupa. Kahit saang lugar pala dito sa mundo ay may kumpetensyang nagaganap. Sabagay kung ang gobyerno nga natin ay uhaw sa kaban ng bayan, ang halaman pa kaya hindi mauhaw sa nutrisyong kinakailangan nito?
Habang naghuhukay para maitanim na namin ng kapartner ko ang aming halaman ang iba naman ay nagiinterview ng mga residente ng lugar. Una kong naatasan ng leader namin na maginterview na lang ako dahil magaling daw akong mambola at hindi daw ako nahihiya. Pero itinanggi ko ito. Ako ay isang taong mahiyain at hindi sanay makipag usap sa ibang tao. Sa totoo lang, ayaw ko lang talaga. Mas trip kong maghukay at magtanim. Maramdaman ko man lang yung binayaran kong 200 pesos sa binili kong halaman. Samantala, Hindi inaasahang nakahukay kami ng isang sapatos. Wow. Agad tumakbo ang mga neurons sa utak ko kung bakit meron nun sa ilalim ng lupa. Dalawa lang ang naisip ko. Una, maganda kayang pataba sa lupa ang rubber,cotton,plastic at sintas kaya naisipan ng mga tao dun na ilagay ang sapatos na yun? O kaya ay may mga biktima ng landslide o dating tapunan ng mga nasalvage ang lugar na yun, at sa mga oras na yun, sapatos pa lang ang nakukuha namin sa labi ng mga bangkay. Inisawalang bahala ko na lamang ang haka hakang ito para hindi matakot ang partner ko. Medyo matatakutin kasi sya. Sa aming pag huhukay, tumambad sa amin ang pangalawang misteryosong bagay. MEDYAS. Lalong nagtibay ang pangalawang teorya ko. Bago pa ko makakita ng kuko, daliri o ulo ng tao, pinatigil ko sya sa paghuhukay,medyo sapat na ang lalim ng nahukay namin para sa itatanim naming halaman. Hindi na namin pinatagal. Agad naming itinanim ang halaman namin at diniligan. Umalis na din kami sa aming pwesto at hindi na namin hinintay na may humawak sa paa namin at kainin kami ng lupa.
Binigyan kami ng pagkakataon ni ma’am na makipagkwentuhan sa mga batang naroroon. Pero hindi kami nakipag kwentuhan. Ginamit namin ang mga nalalabing oras para magpicture taking para may maipagyabang sa mga absent naming classmate at mailagay sa friendster.
Pauwi na kami. January na daw ulit kami babalik sa nasabing lugar. Bago umalis ay dinasalan ko muna ang aming halaman na siya na muna ang bahala sa sarili nya. Binigyan ko ng paalala na kaylangan nyang diligan ang sarili nya habang wala kami at magjogging para maarawan tuwing umaga,pero hanggang 10am lang dahil nakakacancer na sa balat ang sikat ng araw pag 10:01 na. Habang naglalakad, gusto kong umiyak dahil aminado kong nasulit ko ang araw na yun. Isang araw na nagpaisip sakin na madaming bagay sa mundo ang hindi ko pa alam. Madaming dahilan ang isang bagay kung bakit ito nagyayari. Hindi porket mahirap ka, wala ka ng pakinabang. Hindi porket naghihirap ka, habang buhay ka na maghihirap. Naisip ko lang din, kung walang mahirap at naghihirap at lahat ng tao ay mayaman, magiging kumplikado ang lahat. May mga jeepney driver pa kaya na mghahatid sa atin kung madami na silang pera?May mag aani pa ba ng bigas,prutas,gulay kung my pera na sila at hindi na kinakailangan pang magtrabaho?May mga doktor pa kaya?O simpleng may mga magaaral pa kaya ng medisina o iba pang larangan?Bakit ba tyo nag aaral?Para magktrabaho?Bakit tayo nagtatrabaho?Para magkapera!Eh paano kung my pera na lahat? Wala ng tindahang magbebenta, wala ng police ang manghuhuli dahil wala na siyang huhulihin, wala ng magtatrabaho sa bangko dahil wala ng bangko, wala ng magtatrabaho. Higit sa lahat, wala ng batang magaaral. Sa madaling salita, wala ng kwenta ang buhay. Mas gugustuhin ko na lang siguro maging isang langgam na pilit nagtatrabaho may makain lang kung ganon ang mangyayari sa mundo.
Sa araw na ito. madami akong natutunan. Ilan na dito ang:
-ang mundo ay umiikot sa pera.
-hindi lang ikaw ang nagmamay-ari ng ganyang muka.maraming tao ang may kamuka.kagaya ni Prospero Pitchay.
-may sapatos sa ilalim ng lupa.
-may medyas sa ilalim ng lupa.
-may batang hubo.
-may batang mahiyain.
-may batang makapal ang muka.
-may batang mukang matanda.
-masayang magtanim pero masakit sa likod.
-may isda sa ilog.
-lumalangoy ang isda.
-may taong mukang isda.
-walang isdang mukang tao.
-totoo ang adik.at nabubuhay sila sa mga panahong ito.maaring kabilang ka sa kanila.
-pedeng maligo sa poso.
At sa aming paguwi.Bitbit ko ang mga aral na ito na hindi ko malilimutan. Naisip ko lang bakit hindi natin subukang makontento?Hindi ka ba nagtataka kung bakit may lamok,langaw,surot,ipis,daga,tungaw,pigsa,kulani,balakubak,garapata,tigyawat,banil, anay at bagoong?Bakit ba kelangang may ipis kung wala naman tong ginagawa kundi manakot..(ng tulad ko..)Bakit ba may surot??Masyado na bang madami ang pwet sa mundo pra kagatin nya ito?Bakit may mga langaw na wala naman ding ginagawa kundi lumanghap ng basura at ng may putok?Pero naicp mo rin ba na patuloy silang lumalaban para mabuhay?Kasi kuntento na sila sa buhay na ipinagpaloob sa kanila ng panginoon..



